SIMULA
Dinadama ko ang malabig na marmol na nasa aking harapan, iginala ko ang aking paningin sa buong paligid, hindi naman sinabi sa akin ni Tita Momma na dito kami pupunta! Hindi ko alam pero para akong naigno nung bumaba kami ng taxi, hindi kasi dinala ni Tita Momma ang kotse niya pero ayos lang naman sa akin ang pag-commute namin at ng nakita ko ang building kung saan ako galing nung nakaraang taon sa mura kong edad ay nakakapunta na ako sa mga lugar na ganito dahil kay Tita Momma.
Ngumuso ako ng makakita ng isang babaeng naka suot ng itim na palda na hapit na hapit siguro yun ang pencil skirt yung naikwekwento ng mga kabataan sa skwelahan ko may puti siyang damit sa loob at halatang makapal ang jacket niya, ang suot niyang mataas na takong ay tumutunog habang tumatama iyon sa sahig.
Nang iangat ko ang tingin ko sa kanya ay agad kong napansin ang mapula sa kanyang labi. Hala! Ganyang ganyan yung inilalagay ni Zarrez nung nakaraan sa kanyang labi! Ano nga palang ulit ang tawag sa bagay na iyan? Ipinagmamayabang niya pa kasi iyon sa mga kaklase ko, eh sabi ni Tita Momma hindi pa daw pwedeng gumamit ang isang tulad ko sa ganyang bagay.
Lumapit ito sa amin at narinig ko ang sinabi niya kay Tita Momma, ngumuso ako makalapit sa kanila ng kaunti. Inaalala kung ano nga palang pangalan ng kompanyang ito? alam ko big time eh—
“Madam, The CEO will arrive within 15 minutes he’s in an urgent meeting right now”
“Tss. Nakagago naman oh! Pati ba naman ang anak e-ieechapwera! Punyeta!” Madiin ngunit mahinang turan ni Tita Momma ng bumaling siya sa akin habang nginunguya ang paborito niyang chewing gum.
“I’ll send you to his office”
Nagsimula na itong maglakad, grabe ang laki naman ng pwet niya! Siguro ay pagnagdalalaga ako ay magiging ganyan din ang akin no? Wow, grabe ano kayang itsura ko kapag—
“Carmentis, tandaan mo ang mga sinabi ko sa iyo ah? Wag mong kalilimutan”
Paalala sa akin ni Tita Momma ng lumikpo kami sa isang pasilyo kung saan sumakay kami sa elevator tahimik lamang ang naging byahe namin pa taas, nakakaigno talaga ang bagay na ito. Nakakatuwa! Dapat siguro mas mag pursige pa ako na maging isang honor student para naman dito ako makapagtrabaho.
Mayaman naman si Tita Momma kaya hindi niya ako napapabayaan pero mas gusto kong mas magpursige. Ngumuso ako ng maalala na dapat na nga pala naming bisitahin si Mama! Sabi ni Tita Momma ay masyadong busy si Mama kaya hindi kami gaanong nagkikita at busy siya. Naiintindihan ko naman iyon at alam ko naman na para sa akin ang bagay na iyon.
Nang makapasok kami sa loob ay lalo akong nagulat nang may makita akong isang malaking painting sa dingding! Hindi ko maalis ang tingin ko sa bagay na iyon! Wow ang ganda ganda naman niya! Sino kaya siya? Siguro ay siya ang kikitain namin sa araw na ito? Nang bumaling ako sa harapan ay isang itim na lamesa na may laptop at desktop, may sofa na kulay buhangin ang tanawin dito ay kitang kita ang buong syudad! Ang ganda naman!
Umupo si Tita Momma at ganun din ako pero hindi ko inalis ang tingin ko sa babaeng naninigarilyo, siya ba ang babaeng nasa painting? Ang nagmamay-ari ng lugar na ito? Humarap siya sa amin at binigayan kami nang mapangmatang tingin sabay pumunta sa aming inuupuan at umupo duon.
Ang ganda niya, pero hindi siya ang babaeng nasa malaking painting. Inupos niya ang sigarilyo at inilagay iyon sa ash tray. Nahiya tuloy ako sa suot ko, hindi naman sa mura ito but her fashion is intimidating and is way of envious. Hayaan mo Carmentis, sa susunod ay ganyan na din ang susuotin mo pag nagdalaga ka na.
“Its’ nice to see you again Jen?”
“Anong ginagawa mo ditong bruhilda ka?”
Tumawa ito ng bahagya at ngumiwi now she’s facing me. Medyo natakot ako sa tingin niya kaya naman umiwas ako ng tingin at ibinaba na lamang ang tinggin ko, sa tingin ko hindi tama para sa isang bata ang makinig sa mga usapan ng matatanda ngunit nahihiya naman akong umalis at hindi ko gamay ang lugar.
“You did bring a child here for what? To scared Altus? Saan mo gagamitin ang bata?”
Ngayon si Tita Momma naman ang tumawa ngunit nakakainsulto ang kanyang tawa na napaangat ako ng tingin. Kitang kita ko ang ganda ng itsura ni Tita Momma kahit na medyo may katandaan na. May anak na din siya pero parang mas anak pa ang turing niya sa akin. Ayos lang naman iyon sa kanyang anak na lalaki at magkasundo naman kami, mamaya pag uwi ko ng bahay ay magpapaturo ako sa kanya ng pagpi-piano!
“At ikaw ano namang ginagawa mo ditong hitad ka?”
“Shut your filthy mouth! Kahit Kailan talaga ay napaka sama ng tabas ng bibig mo!”
Now as I look at the woman in front of me. Anger and annoyance is evident in her eyes. She might hurt my Tita Momma! Agad kong hinapit ang laylayan ng magandang tela ng kanyang damit, bumaling siya sa akin saglit at tipid na nginitian ako.
“Ha! Galit na galit ka naman ata? Bakit parang ikaw pa ang may ganang magalit?”
“I have the right to be fuming mad! Why are you even here you filthy cunt?”
“Look whose cunts’ talking here? Ano ba ang ginagawa mo dito? Sightseeing some big people so you can be some gold digger again, some businessmen’s dirty woman? You don’t have enough money for your caprices? Oh, poor Katarina doesn’t tell me you are here just to seduce the father of this child?”
Nanlaki ang mga mata niya at bumaling sa akin, ngayon ang kanyang labi ay nasa isang diretsong linya na, ang mga mata niya ay namumula na at ang kanyang isang kilay ay nakataas na sa akin mukhang kinikilatis niya ako! Nakakahiya naman ang kasuotan ko at ang itsura ko.
“What is your name, young lady?”
Hindi ko alam kung kakausapin ko ba siya dahil sabi ni Tita Momma hindi daw maganda na nakikipag-usap ka sa taong hindi mo naman kilala. Napabusangot ako ng mukha eh paano naman kung hindi ko siya sasagutin ay kabastusan naman ang bagay na iyon!
“Ako po si.. Carmentis” Nauutal na sinabi ko. Kinakabahan ako.
“Carmentis what?”
Hindi ko nagets ang sinabi niya kaya naman inagapan iyon ni Tita Momma sa pagsagot.
“Carmentis Mercadi”
Tumawa ang babae ng malakas at tumayo siya, ngayon ay masamang masama na talaga ang kanyang itsura kahit na may kolorete siya sa kanyang mukha. Inayos ko ang backpack ko sa aking likod, gusto kong iguhit ang lugar na ito.
Agad na kinuha ng babae ang kanyang bag at may papel na kinuha sa loob nun, pinagmasdan ko pa siyang maige. May isinusulat siya na hindi ko naman tanaw sa bandang ito.
“Hindi ko alam kung ano ang kailangan mo Jennie, na pati street children ay pinagtritripan mo at pinagpapanggap mo pang anak ng fiancée ko, eto ang malaking pera, get lost and never come back! Hindi ka na gusto pang makita ni Altus! Layas!”
Inihagis niya sa ere ang papel na sinabi niya at gigil na nagsisigaw sa amin, tumayo na din si Tita Momma kaya naman napatayo na din ako dahil sa ginawa niya! Nagulat ako sa sinabi ng babaeng maganda sa aking harapan.
“Fuck you Mona Katarina! Hindi street child ang pamangkin ko! Kaya yang tarantada mong ugaling galing squater ay itahimik mo! Hindi ko kailangan ng perang nakuha mo sa pamomokpok mo! May pera ako at mayaman ako! Hindi mo ako mahuhuthutan! Talaga bang hindi kami gustong makita ni Altus? Eh bakit parang ikaw ang ayaw na mangyari yun? Dahil wala ka na ngang halaga sa kaniya eh lalo pa siyang mawawalan ng pake sayo!”
“What’s happening here?”
Isang malakas na boses ang dumagundong sa buong silid, agad koi tong nilingon dahil sa sobrang takot, malakas iyon at malalim ng makita ko ang lalaking malapit sa pintuan ang kanyang mata ay nanlilisik at ang habas ng istura niya na halatang seryoso siya at galit.
“Altus! I was waiting for you but this people came in and barge inside your office! She even said that the little girl is your daughter, she’s lying! She’s making use of the kid just to—”
“Shut up Mona! Why are you even here? I’m not expecting you to be here because I don’t have any business related to you! Get out of my sight and get lost! Never come back—”
“Altus! I’m your fiancée—”
“Fuck! You desperate woman! I don’t know where you get it! Wala akong pake sayo! Alis!” The man said to the other woman. He sounded so rude.
Umupo nang mapayapa si Tita Momma kahit gulong gulo ako sa pagtatalo ng dalawa sa aking harapa ay napagtanto ko na nagsisinungaling yung magandang babae sa amin ni Tita Momma bumaling ulit ako sa aking katabi na nakangiti ngunit tahimik, ano nga ba ang ginagawa namin sa Lugar na ito? Bakit nga ba kami nandito? Sabi ni Tita Momma ay makikita ko na ang Papa ko siya kaya ang papa ko? Totoo kaya?
Agad na lumabas yung babaeng nakikipagtalo dun sa lalaki, iritado ang kanyang mukha ng makalabas siya. Ang lalaki naman ay niluwagan ang suot niyang necktie, medyo may katandaan na siya ngunit may itsura pa din. Mukha siyang binata! Hindi siya pwedeng maging ang papa ko!
Umupo siya sa kanyang upuan at itinuko ang kanyang dalawang siko at mataman kaming tinignan, inalisa ko ang kanyang mukha, hindi ko malaman kung galit ba siya o ganun lamang talaga ang ekspresyon ng kanyang mukha.
“I’m sorry, I had an urgent meeting.” He fixed his suit.
Ang gwapo naman niya, siya ba yung manliligaw ni Tita Momma? Pero parang hindi naman siya yun eh? Nang bumaling ang kanyang tingin sa akin ay ngumiti siya ng bahagya pero agad din naman iyong nawala. Hindi ata kami magiging close?
“Introduce yourself to her, magpaka ama ka naman sa anak mo” May bahid ng poot at diin sa boses ni Tita Momma, tumayo ang lalaki at diretsong umupo sa sofa na kung saan inupuan ng magandang babae kanina.
Matangkad din siya, siya nga ang ama ko? Gaya ng sabi ni Tita Momma? Ang galing naman! Ilang taon ko siyang hindi nakita dahil sa Iloilo ako lumaki at minsan ko lang din na nakikita si Mama all this times ay si Tita Momma ang kanyang anak at ang kanyang bagong manliligaw ang nakikita ko. Naghiwalay sila ng unan niyang asawa dahil sa hindi ko malamang dahilan.
“I’m Altus Volmintus Mercadi, Carmentis I’m your father” with one swift move there he said that he was my father, I blinked my eyes several times, he’s my Dad, my Tita Momma’s talking about.
Nginitian ko lamang siya at tumango.
“Carmentis, from now on sa Bahay ka na ng Papa mo titira, napag-usapan na namin ito—”
“Pero? Tita Momma! Ayaw mo na ba sa akin? Nagagalit na po ba si Falacer sa akin? Promise po gagawin ko po ang lahat!” Pagmamakaawa ko sa kanya.
Bakit naman niya ako iiwan sa kanya? Ayaw niya na bas a akin? Oo, alam kong siya ang ama ko dahil nararamdaman koi yon pero hindi ko alam kung kaya kong tumira sa kanya. Baka maiyak lamang ako, araw araw dahil hindi ko pa kayang mawalay kay Tita Momma.
“Carmentis! He’s your father! You deserve to be with him, pasensya na hija, pero mas maganda na kung siya na ang kasama mo sa pagtanda mo, and you deserve to with your Papa, please understand me sweetie, Tito Momma wouldn’t want to be away with you but he’s your legal guardian, don’t worry too much, dadalaw kami ni Falacer so that you won’t get bored okay?” Tita Momma’s voice soften while caressing my hair.
Humalik siya sa aking pisngi at tumayo na, hindi ko na siya nahabol pa ng tumayo siya at nagpa alam sa akin at sa aking ama, siguro ay ganito nga ang mangyayari sa akin, kasama ang aking Amain. Sana naman ay mabait siya sa akin? Napapikit ako ng mariin ng maalalang dadalawin nga pala namin si Mama ngayon!
“uh… S-Sir?” Nag-aalangang tanong ko sa lalaking nasa harapan, which is my Dad.
“You can call me Dad” he said and flashed a warm smile.
Tumango ako sa kanya at bahagyang nguimiti “Bibisitahin po sana namin ni Tita Momma si Mama ngayon, D-dad.. kaso wala po eh umalis na siya pwede po bang samahan niyo a-ako… D-dad?”
Nagtaas lamang siya ng kilay sa akin at umiling. Ang unang araw nang pagkikita namin ay hindi maganda. Bakit ayaw niya akong payagan? May galit ba siya kay Mama? Papayagan niya ba ako? O hindi? Ngumuso ako at tinignan lamang siya, bumaling ako sa loob ng kwarto which is my Papa’s office, there I saw the large portrait of my Mom in the center of the office. She looks so feminine, delicate and beautiful. I smiled and bickered when I look at my Dad, who is eyeing me intently.
0 thoughts on “Draw A Love”