Download Story.

close

Diary Of A Nymphomaniac

Written By: foxybeee       |       Story Status: Completed
Posted By:
foxybeee

CHAPTER 8

DIARY OF A NYMPHOMANIAC 

 

Diary of a Nymphomaniac

 

Dear Dick Diary,

Nakapikit, habang dama dama ang kanyang malalaking palad na hinahaplos ang aking buhok, tila ba tuwang tuwa siya sa gulo nito at siya na mismo ang nag-aayos ng mga takas na buhok sa aking mukha. Ang kanyang mga mata ay nangungusap, tila ba isang malawak na karagatan ang laman nito. I wonder what’s his thinking right now? 

Napangiti ako ng makita niyang gising na ako. Hindi ko maiwasang magpasalamat sa panginoon dahil sa biyayang nasa aking harapan, hindi ko man alam ang dahilan kahit na napakasama ko na at napakadumi ko na ng aking pagkatao ay pilit parin niyang pinamumukha sa sakin ayos na ako, kuntento siya sa akin. I don’t know what really happen, it just happened. As fast as the wind passes by, ganon naging kabilis kaming magkapalagayan ng loob, I can’t even believe myself that I am sticking myself to one man right now. 

I looked at him with love in my eyes, ang kanyang kilay na para bang inahitan pero sa totoo lang ay hindi naman ay napaka gandang pagmasdan, hindi manlang ito nahihiwalay, ang kanyang pilik mata na napakahaba na dinaig pa ata ang akin, hindi lang mahaba kundi makapal pa. Ang kanyang mata na lulunurin ka sa bawat emosyong meron ito, ang kanyang matangos na ilong na siyang nagpapakita na may lahi nga ito, ang kanyang mapula at makipot na labi na bumibihag sa mga mata ng kababaihan. Damn, those lips I want to kiss him. 

I’m lucky, no. I’m so lucky. Na kahit ganito ako ay tanggap niya ako, na ni minsan ay hindi siya nagtanong sa akin. Tanggap niya ako at tanggap ko din siya, hindi man ako ganoon kayaman ay minahal niya ako, pero totoo nga ba itong mga nakikita ko? Totoo din ba ang mga pinakikita niya sa akin? Hindi naman siguro siya nagsisinungaling diba? We have different paths when we met each other, rather I bumped into him, he knows that I crave for sexual affection and he was a casanova too, he wants sex nothing more and nothing less that is why I am here, for the sex.

Sabi nga ng iba ay masamang maging sobrang saya dahil ang kapalit nun ay kalungkutan, kung gaanon ay paano kapag sobrang saya ko? Hindi ako makapag isip ng maayos, tila ba pagod ako sa mga bagay bagay na nasa aking paligid. Hindi ko mahanap ang peace of mind ko, ewan ko ba? Bakit ganun, masaya ako sa kung anong meron kami. I’m very happy because here with me, even though he didn’t truly loves me. Tang ina, ano ba itong mga pinag-iisip ko Dick, para bang nawawala ako sa aking sarili.

“Priya, you need to rest, napagod kita”  he teased me and kissed my forehead. 

Dick, hindi tanong iyon. Napagod nga ba talaga ako? Bakit parang hindi naman, napanguso ako sa naisip. Hindi ko alam pero siya na lang ang lalaking nakakagalaw sa akin, na para bang wala na akong pake sa ibang fuck buddies ko at siya nalang ng siya ang nakikita ko.

Altus Mercadi, ano ba itong ginagawa mo sa akin? Bakit ba ganito?

May every sunrise hold more promises when I’m with him that the moonrise hold more peace in me, in our little secret relationship. No strings attached at all. 

Tila ba parang may punyal na tinutusok ang aking puso. Hindi ko na namalayan na niyakap ko na siya. Nakatulog na siya sa sobrang pagod na aming ginawa. Napaka himbing ng kanyang tulog, ang kamay ay nasa aking baywang.

Hindi ko alam kung bakit ganito, pero mahal na ata kita, Altus. Masama ba iyon? Sa pagkaka alam ko ay hindi ka pwedeng magmahal, bakit? Hindi mob a pwedeng sabihin sa akin ang bagay na iyon? Makakasama ba sa akin? Parang kanina lang ay ang gusto ko lang ay makipag-sex sayo, ang matikman ka dahil nga sa mga naririnig kong usap-usapan tungkol sayo, pero bakit habang patagal ng patagal ay iba na yung daan na nilalakaran ko?

Hindi ko napigilang maluha dahil sa mga iniisip, hindi ko mapigilang mag-isip na pag gising ko ay wala na siya, na mamaya lang ay iiwan na niya ako at maghahanap nang iba? Masama ba? Hindi ko alam, my tiwala naman ako sa kanya. Hindi ko magawang magalit sa kanya, What I have learned from being angry with the people I loved is that it generally hurts me more that it hurts them.

Marahan kong hinimas ang kanyang mukha, mukhang hindi naging mahirap ang mamuhay para sa taong mahal ko, mayaman siya. Kilalang tao, madaming nagmamahal sa kanya, samantalagang ako? Hinahanap ko ang mga bagay na hindi naman dapat, hindi ako kasing yaman niya, pero kaya ko namang buhayin ang sarili ko.

Sa tingin ko ay kahit kailan man ay hinding hindi kami magiging bagay para sa isa’t isa. Pero hindi ko mapigilang hindi siya mahalin, mali ito Pranpriya wag kang magpaka tanga, hindi ka niya kailangan kapag hindi ka na niya gusto.

 

Lalaki siya, at babae ka. Oo, mahilig akong makipagsex pero nung natagpuan ko na si Altus? Hindi ko na alam ang nagyari sa aking sistema. Hindi ko alam pero, dapat ngang maging masaya ako. Magiging masaya ako pagdumating na yung araw na hindi na ako ang babaeng kakailanganin mo.

Natigil ang pag-iisip ko nun Dick, ng tumunog ang kanyang cellphone may nagtext sa kanya, maingat akong tumayo at nagpasalamat sa Paningoon na hindi ko siya nagising, ang kanyang mamahaling telepono na may tatak na apple sa likod nito ay tila kamangha mangha sa akin. Mukhang ito yung bagong labas ah? 

Walang password iyon, Dick. Kaya naman agad kong nakita ang text message sa kanya ng babaeng iyon.

 

Baby Gwynn :

Uuwi kami sa makalawa, A. Kasama ko si Ced.

 

Napaupo ako sa kama ng makita iyon. Si Ced? Hindi ba’t kapatid niya iyon? At sino naman itong si Gwynn? At bakit baby ang pangalan nito sa kanyang telepono? At bakit ito uuwi sa makallllawa? Hindi niya manlang sinabi sa akin na may ganitong bagay?

Tanga ka na talaga Priya, fuck buddy nga lang kayong dalawa diba? Ano pa ba ang hinihingi mo?

Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko na kanina pa gustong kumawala. Bago ko pa siya magising ay agad ko nang hinanap ang mga gamit ko at agad na iniwan ang siya nakahiga, tulog at pagod sa kanyang condo. Boba na kung boba, pero tangina hindi ko maintindihan ang lahat lahat ng nararamdaman ko. Puta it’s been 2 freaking weeks and I’ve fallen for him already? Nahihibang ka na ba? Mabilis kong pinahid ang mga luhang kusang bumabagsak sa aking pisngi, why do I feel more?

Love,
Pranpriya

 

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32