Download Story.

close

Diary Of A Nymphomaniac

Written By: foxybeee       |       Story Status: Completed
Posted By:
foxybeee

CHAPTER 30

DIARY OF A NYMPHOMANIAC 

Dear Dick Diary,

All the city lights bloomed even though in the daylight, the whisper of the serene sea of winds through my veins, the humming of vehicles when it is morning, thunders and storms through time and space I sat still in the ocean of sadness, here in the pristine sands of Sorsogon where I truly belonged. I must not forget the pine trees all over the beach. The people in the morning, and those balloon lanterns in the night sky. I Always pray for a better future of us.

Every time I sneaked out so I can see you, happily without me. Still, I’m not sure and contented by what I’m witnessing every now and then. It’s been 2 years. 2 years of being here without freedom with my red hot hair and a nude dress waiting for a miracle to happen.

Dalawang taon na akong naghihintay na malagutan na ako ng hininga pero wala pa din kahit naman ganun ay ginagawa ko ang mga dapat kong gawin sa loob ng dalawang taon. Muli ang mga alaala ay nasa aking isipan pa din, nawawala ang kwintas ko, mga bagay na hindi ko makita at walang kasagutan. Natuto na din akong magsinsilyo dahil yun malang naman ang nagiging libangan ko sa buhay.

Kahit naman na may beach dito ay hindi pa din ako makakalangoy dahil sa kondisyon ko sa buhay, hindi na din ako masyadong binibisita ng pamilya ko dahil sa pagiging busy nila kaya naman sa araw na ito ay tumakas ako, oo dahil ngayon ang Golden Anniversary ni Mommy at Daddy ngunit maling desisyon ang ginawa ko dahil sa araw na ito ay nakita ko siya, malayo man sa akin ngunit ang mga mata niya ay sa direksyon ko lamang nakatuon, lahat ng kaba ko ay muling nabuhay ang pagkasabik ko sa kanya ay hindi pa din nagbabago.

Paanong naging possible ang bagay na ito? Hindi ito maari, lahat ng tuwa ko ay nawala ng isang iglap ay nakita ko sa kanyang tabi ang ngiti ng taong pinakaimportante sa akin, iniwas niya ang tingin sa akin at hinagilap ng kanyang bisig ang bewang ng babaeng lumapit sa kanya, iba ang tingin niya sa babaeng nasa kanyang tabi tila ba mahal na mahal niya ito.

Nanghina at nanlumo ako sa aking nakita na kahit ang mga luha ko ay napagod na at hindi na nila kaya pang bumuhos dahil sa sidhi ng aking nararamdaman, may mahal na siyang iba may gusto na siyang iba at may hawak na siyang iba, masaya na siya sa piling ni Domo.

Pumikit ako, at napangiti nalang ng mapait.

 

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32