Download Story.

close

Diary Of A Nymphomaniac

Written By: foxybeee       |       Story Status: Completed
Posted By:
foxybeee

CHAPTER 29

DIARY OF A NYMPHOMANIAC 

Dear Dick Diary,

 

Nakatingin ako sa aking sarili habang pinagmamasdan ang buo kong pagkatao. Hindi ko mapigilan ang pagluha dahil sa sobrang sama ng loob sa aking sarili. Eto pala ang dahilan kung bakit wala ni isang salamin ang meron sa aking kwarto, ngunit sa araw na ito ay naglagay sila dahil na din sa aking pagkagusto na makita ang aking sarili.

Hawak hawak ang brush sa aking kamay, at isa kong kamay ang siyang nagpapalis ng luha sa aking mga pisngi. Sa aking harapan ay ang isang malaking salamin na siyang sumasalamin sa akin, sa likod ko ay ang aking higaan, kita din ang mga sofa at tables sa aking kwarto.

Kung magpapakita ako kay Altus sa mga oras na ito ay hindi na niya ako mapapansin o makiklala man lang, baka nga pandirihan niya pa ako dahil sa aking kondisyon.

Ang mga mata ko ay malalim na siyang magsasabi sa kung sino man ang makakakita na may sakit ako at malala. Humpak na din ang aking pisngi na para bang naubusan na ako ng taba sa katawan, kahit na naka jacket na ako ay kitang kita ang pagiging payat ko na hindi na natural sa isang tao. Ang katawan ko ay halos buto na lang at ang balat ang natitira, ang labi ko ay nanunuyo’t na din at ang buhok ko ay halos wala ng buhay pa. Ang ilong ko naman ay pula na at kung bubuksan ko ang bibig ko ay makikita ang pamumula ng aking mga gilagid.

Ang mga kuko ay mapusyaw na din at konting pisa lamang sa aking katawan ay mamumula na ito at mukhang nasa delikado akong kondisyon. Mas lalong lumala ang sakit ko at ang mga tests na ginagawa ko sa pang-araw araw ay parang hindi epektibo para sa aking kalusugan mas lalo akong natakot dahil baka hindi na HIV ang meron ako kung hindi ay AIDS ni pag nguya ko ay nakasusugat na sa aking lalamunan kaya naman through dextrose na ang lahat.

Inalis ko ang tingin ko sa salamin at dahan dahang naglakad pa punta sa aking kama, nanduon ang aking mga bagahe kasama nun ay mga papeles ko, pasaporte, visa, at medical documents. Eto na ang araw na pinaka iintay ko.

Eto ang ika isang taon na pamamalagi ko dito, isang taon na ang anak ko ngunit hindi ko pa din siya nakikita, isang taon na hindi ko nakikita ang nag-iisang lalaking nagmamahal sa akin, Altus. Isang taon na kung saan patay na ako sa buhay nila, isang taon na kung saan lahat ng sekreto nila ay pilit na itinatago sa akin.

Eto na, uuwi na ako at ito ang desisyon ko, ang makita silang muli ang malaman ang mga kasinungalingan sinabi nila sa akin. Lahat lahat ngayon ay haharapin ko na.

It’s gonna be hard, but I’m going to keep forward no matter what.

 

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32