Download Story.

close

Diary Of A Nymphomaniac

Written By: foxybeee       |       Story Status: Completed
Posted By:
foxybeee

CHAPTER 28

DIARY OF A NYMPHOMANIAC

 

Dear Dick Diary,

 

Isang pangkaraniwang araw na naman ito para sa akin at para sa aking anak pero hanggang ngayon ay hindi ko pa din siya nakikita. Dumalaw si Domo ngayong araw na ito at masayang nakipag kwentuhan siya sa akin. Masaya ako dahil masaya din siya maganda na yung career niya. Masyado na nga daw hectic ang schedule niya.

Pinaki-usapan ko si Domo kung pwede ko bang makita ang anak ko pero kahit siya ay hindi pumayag sa gusto kong mangyari. Ang dami niyang sinabi sa akin, sinabihan ko din siya na kahit na sa litrato nalang ay hindi niya pa magawa nagkakaroon na ako ng hinala pero hindi parin ako naniniwala.

Hindi na din gaanong nakakabisita sina Mommy at Daddy dahil sa nalalapit na kasal ni Tyreen gusto ko mang pumunta ay hindi pwede dahil alam kong nanduon siya. Ang lalaking miss na miss ko na at mahal na mahal ko ang ama ng anak ko. Siguro nga, masaya na siya sa buhay niya gaya ng mga nababalitaan ko sa kanya sa pilipinas.

Masakit man isipin na masaya siya sa piling ng iba ay hindi ko magawang maging masama ang pananaw sa kanya dahil ako naman sa umpisa ang may mali ako ang may kasalanan at ako ang nang-iwan at hindi siya pero saan pa kung maniniwala ako? Nakakainis talaga siya. Nakakainis.

Ang malalaking building ang pumupuno sa pang-araw araw kong buhay ditto habang nakaratay ako. Masama mang isipin pero hindi talaga ako pwedeng umalis ng kwartong ito. Sa araw na ito ay ilang beses nila akong kinuhaan ng blood samples tila may kinukumpirma pa sila at may mas lalo pa silang pinag-aaralan.

Tinatanong ko naman sila pero hindi nila ako magawang sagutin, nakapagtataka lang talaga.

 

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32