Download Story.

close

Diary Of A Nymphomaniac

Written By: foxybeee       |       Story Status: Completed
Posted By:
foxybeee

CHAPTER 27

DIARY OF A NYMPHOMANIAC

 

 

Dear Dick Diary,

 

Masyadong naging busy ang araw kong ito. Ilang buwan na din ang nakakalipas, dalawang buwan to be exact, Dick. At sa loob ng dalawang buwan na iyon ay ni hindi ko manlang nakita ang anino ng batang dinadala ko, ni hindi ko manlang nahawakan ang anak naming ni Altus at kada tatanungin ko ang mga tao sa ospital ay tanging ngiti lamang ang sinasabi nila sa akin.

Nakalimutan ko na ang araw na isinilang ko ang akin anak. Kahit na ang unang iyak niya ay hindi ko manlang narinig, ngunit wala manlang bumabagabag sa aking damdamin. Alam kong maayos ang anak ko at nagtitiwala ako sa aking sarili Dick.

Sa buong araw na ito ay halos pagtingin lang sa malaking glass window ang ginawa ko. Hindi muna ako nagbasa ng mga libro dahil pakiramdam ko ay napaka pagod ko na sa araw na ito. Maayos naman ang mga dialysis ko. At mga tests na nai-undergo ko. Wag lang daw masyadong magpaka stress at magiging ayos na ang lahat.

Nang araw na ding ito ay galling ako sa aking psychiatrist, may ginawa silang tests at kung ano ano pa upang malaman ang mga tumatakbo sa isipan ko. Mukha naman akong normal kaya agad din namang natapos ngunit hindi ko gusto ang pustura ng babaeng nagtest sa akin. At dahil siguro positive ako ay pinandidirihan na nila ako.

Natawa nga ako sa nakita ko na pagkatapos kong kumain ay naidespose agad nila ang mga ginamit ko dahil nga sab aka mahawa sila sa akin. How, pathetic.

Pero kahit ganun ay nakaramdam ako ng kakaiba sa akin, nagpapabalik balik ang sakit ng aking ulo at mas lalong lumalala iyon. Hindi naman pinapansin ng mga doctor ang mga sinasabi ko at ang tanging sinasabi lamang sa akin ay dahil daw sa stress ako.

Pero sa tingin ko Dick, may mali talaga sa akin. Kitang kita ko sa salamin ang hitsura ko. Hindi na ako ang dating Pranpriya na maayos sa sarili na maganda ang hubog ng katawan. Humpak na ang aking mga mata, ang buhok ko ay mukhang patay na at malagkit na kung titignan, halos wala na atang dugo ang dumadaloy sa aking katawan dahil sa sobrang pagkaputi ko. Buto’t balat na nga ako kung ituring, mukha na akong manang sa istura ko na onting galaw lang sa akin ay makakalas ako.

Mapait man isipin ngunit ang pumapasok sa aking isipan ay hindi na maganda, total ayos lang din naman dahil napaniwala ko naman sila na wala na ako, kaya’t ang kawalan ko ngayong araw na ito ay hindi na makakaapekto.

 

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32