Download Story.

close

Diary Of A Nymphomaniac

Written By: foxybeee       |       Story Status: Completed
Posted By:
foxybeee

CHAPTER 26

DIARY OF A NYMPHOMANIAC 

 

 

Dear Dick Diary,

 

Nakakagulat man ay muli akong nagsusulat sa’yo. Naprapraning na ata ako at hindi ko na malaman kung anong gagawin ko. Maganda ang America, it was my first time here. Pero hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapag-adjust ng masyado dahil narin sa klima dito. Madalas ay hindi na din ako lumalabas dito sa aking kwarto sa ospital dahil masama na daw na ma-stress ako ng sobra.

Isolated masyado ang kwarto ko na kapag papasok ang mga nurses, doctors at ang pamilya ko ay kailangan pa nilang mag-suot ng lab gowns at masks upang hindi mahawa sa akin. Pilit man na inaalalayan nila ako ay alam ko naman na hindi na nila kaya. Ilang araw palang ako dito sa America ngunit miss na miss ko na ang pilipinas.

Nung nakaraan nga ay may ipinakita sa akin si Tyreen, iilang mga magazines na bagong issue sa pilipinas. Nakakatuwa lang na kahit na sa simpleng bagay na iyon ay magiging masaya na ako. Nakita ko ang pag-usbong ng kompanya nina Altus, napag-alaman ko na din na umalis na ang kanyang Mama at Lola papuntang Spain. Duon na ata mamamalagi ang nakakatandang Mercadi.

Mas madaming babae ang nail-link sa kanya habang lumilipas ang mga araw. Wala naman akong magagawa sa bagay na ‘yon dahil ang buong akala niya ay patay na talaga ako. Or more naging abo na ang aking bangkay dahil sa nangyaring plane crash. Naibalita na din sa akin ni Domo na itinigil na nila ang operational search sa akin dahil nga sumuko na ang aking kaibigan, Jennie sa pangungumbinsi na din ng aking kapatid na si Domo.

Habang ang kapatid naman niyang si Aissen ay ikinasal na nung makalawa sa isang sikat na artsita sa pagkaka-alala ko ay isa siyang Deocades kaya naman bagay na bagay sila. Paano kaya kung hindi ko ginawa ang kagagahan na ito? Kasal na siguro kami ni Altus ngayon at masayang nagsasama.

Siguro ay ginigising ko siya kada umaga upang kumain at pumasok na sa kanyang trabaho. Okaya naman ay dadalawin ko siya sa kanyang opisina upang sabay kaming mananghaliaan. Sabay siguro kaming mamimili ng damit para sa kanyang unica hija. Makikita ko pa sana ang kanyang matatamis na ngiti, ang nangungusap niyang mga mata. Ngunit hanggang sa mga alaala nalang ang lahat ng ito.

Inayos ko na ang lahat dick, handa na ako sa mga mangyayari sa akin. Kasalanan ko ang bagay na ito at kung hindi ko tutuldukan ay baka mapatay ko lang ang sarili ko. Buti nalang at nandito ka. Gusto ko sanang mabasa ng anak ko ito kapag lumaki na siya. Para naman malaman niya kung ano ang sakripisyo ko para sa kanya, sana lang ay hindi magbago ang tingin niya sa akin, Dick.

Everything is fine Dick, everything will fall in there right places. Kailangan ko lang magtiiis upang walang mahirapan. Masaya ako dahil masaya na sila kung nasaan man sila. Alagaan mo sana ang anak ko dick at wag na wag mo siyang pababayaan ah?

Masaya ako dick, dahil ngayong araw na ito masisilayan na ng aking anak ang mundo kung saan ko ginawa ang mga katarantaduhan ko. Masisilayan niya na ang mundong puno ng pag-nanasa at pag-ibig. Ang mundo kung saan ko nakita ang kanyang ama.

Masisilayan niya na, ng wala ako.

 

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32