Download Story.

close

Diary Of A Nymphomaniac

Written By: foxybeee       |       Story Status: Completed
Posted By:
foxybeee

CHAPTER 24

DIARY OF A NYMPHOMANIAC 

 

 

Pranpriya’s POV

Nakangiti ako habang nakatanaw sa malamig na gabi Ng Sorsogon. Nasanay na ako sa tanawing ito dahil mabilis din namang lumipas ang mga buwan at ang simoy ng malamig na hangin ng Sorsogon ay mas naging malamig dahil kapaskuhan na. Ang malagong buhok ko ay wala na. Pinagupitan ko iyon.

Dinampian ko ng mabilis na paghimas sa aking buhok, siguro ito ang sign nan aka move on na ako sa lahat ng nangyari noong nakaraang buwan. Malungkot man at masakit ang dinulot nun sa akin wala naman akong naging problema pa sa bagay na iyon. Ang malamig na barindilya ng terasa ang nagsesepara sa akin at sa puting buhangin. Mababa lamang ito kumpara sa mga naglalakihang building sa Maynila. Hinimas himas ko iyon.

“Kumusta na kaya ang buhay sa Maynila?” Tanong ko sa aking sarili.

Ngunit agad ding iniwaksi iyon. Makakasama sa aking kalusugan ang masyadong mag-iisip ng mga negatibong bagay tungkol sa aking nakaraan. Hindi magandang ideya iyon. Nakasuot ako ng isang maluwag na bestida, moderno ang desenyo at mamahalin iyon hinimas ko ang aking tiyan kung saan natutulog ang aking anak. Malaki ka na at isang buwan nalang ang iintayin ko’t masisilayan na kita. Kamusta na kaya si Dra. Liu? Miss ko na siya.

Napapikit ako ng makaramdam ng biglaang pagsakit sa aking ulo. Agad kong hinawakan iyon at minasahe ng minasahe. Halos mapaiyak na ako sa sobrang sakit ang isang kamay ko ay nakahawak ng mahigpit sa barindilya ng terasa. Napalunok ako ng sunod sunod. Ito ang sinabi ng doctor sa akin nung mga nakaraang buwan ngunit hindi koi yon pinapansin. Napahinga ako ng malalim ng unti unting mawala ang sakit na nararamdaman sa aking ulo. Napangiti ako ng makita ang isang Silver na SUV. Andyan na sila. Huminga ako ng malalim at agad na bumaba.

Napangiti ako ng marinig ang ingay nila sa labas ng aking pintuan. Nang buksan ko ito ay agad na yakap ni Domo ang natanggap ko kasunod nun ay ang sa kapatid kong si Tyreen. Tanging matamis na ngiti lamang ang naigawad ng aking Ama’t Ina sa akin.

“Ipasok niyo na ang mga pagkain, paniguradong gutom na ang panganay ko” Ani ni Mommy.

Agad akong kumalas sa mga kapatid at sila naman ni Daddy ang aking niyakap. Isa isang nagpasukan ang mga body guard ko at dumiretso sa Dining Area kung saan nila ilalagay ang mga pagkaing daladala ng aking pamilya. Sama sama naming icecelebrate ang Christmas at paniguradong nandito din sila sa parating na bagong taon.

Agad kong kinuha ang aking camera at inabot iyon sa malapit na bodyguard, henry to be exact.

“Henry pakuhaan naman kami ng letraTo” Nakangiting utos ko, tumango lamang ito.

“Oh! Christmas picture!” Ani ni Tyreen.

Lumapit ako kay Mommy sa tabi niya ay si Daddy, hindi na ako nakapalag pa ng pagitnaan ako ng dalawa kong kapatid. Tumawa nalang ako sa reklamo ni Domo.

“May bayad ang picture na ito dahil exclusive ha!” Ungot niya na ikinatawa lamang namin.

Pagkatapos naming kumuha ng ilang litrato ay umupo na kami sa lapag, masaya ako dahil kahit na hindi ko kapiling sina Altus ay nararamdaman ko pa din ang saya kasama ang pamilya ko. Sabi nga nila mawala man ang lahat sayo nandyan pa din ang pamilya mo upang suportahan ka sa lahat ng bagay, kahit na may malaking kasalanan ka man pamilya ay pamilya.

“Okay, let’s pray?” Lahat kami ay tumango kay Daddy “In the name of the Father, the son and the holy spirit, Amang pinakadakila sa lahat salamat po sa pagkakataong ito dahil ngayong pasko ay magkakasama kami buo bilang isang pamilya naway gabayan niyo kami sa gabing ito at sa mga susunod pang araw, ilayo niyo sana sa kapahawakan ang aking Asawa at mga anak ganun na din lahat ng nilalang na iyong nilikha. May you all bless us, at sa bagong parating na miyembro nang aming pamilya nawa’y maging masaya at payapa ang buhay na aming tatahakin taos puso kaming nagpapasalamat sa biyayang ipinagkaloob niyo sa amin, in Jesus name we pray, Amen.”

“My my! I’m so excited to see our little baby girl!” Giit ni Tyreen habang nilalagyan ng isang slice ng pizza ang pinggan ko. Kakaiba iyon sa aking paningin. “This is made from Spanish Restaurant, Pepperoni din naman ito. Masarap, try it”

“May naisip ka na bang pangalan para sa baby girl, anak?” Turan ni Daddy.

Ngumiti ako at tinusok ang isang nasa katamtamang laki ng lobster bago bumaling kay Daddy. “I’m still thinking, Dad pero may naisip na ako—“

“Ano’yon anak?” Excited na saad ni Mommy.

Nagbukas ng Champagne si Domo at isa isa kaming sinalinan, napabaling ako sa Malaking Christmas Tree na makikita sa paglabas ng Dining Area. May mga regalo na duon. Siguro ay dala nila. Nang makaupo si Tyreen ay muling ibinaling ko ang aking tingin kay Mommy.

“It’s Aletha Carmentis” saad ko.

“Wow, that’s a great name aside from Tyreen Mnemdthis” Tyreen snorted. Napatawa naman ako dahil sa sinabi niya. 

“What’s wrong with your name, hija? Maganda naman it suits you very well” Tumatawang ani ng ama ko.

“Dad! C’mon! Ang bantot kaya!” amok niya.

“Atleast not Wisdom Eonone!” Umiikot sa ere na saad ng aking kapatid.

“What’s wrong with you girls? Bagay na bagay nga ang mga pangalan niyo sa inyo!” Nakangiting sabi ni Mommy at nagsimula na ding makitawa kay Daddy. Tumawa din ako sa pahayag niya.

“No Mom! Alam mo bang hirap na hirap akong i-explain sa mga teacher ko kung paano nila ip-pronounce ang pangalan ko! It was a pain in the ass!” Giit ni Tyreen.

“How about me? Wisdom is my first name! Everyone was counting on me like I was some Greek goddess out there with so much wisdom in the head! C’mon Mom, you had a bad taste when it comes to names! Alam mo bang mahirap maging bobo because of my name, it contradicts way back then!” Natawa kami sa sinabi niya at ganun din si Mom and Dad.

“Wag ka ngang tawa ng tawa dyan Pranpriya Agustine! Mas mabantot pa nga ang pangalan mo—“

“Mom, c’mon!” Naiiling kong saad.

Naging matagal ang pagkwekwentuhan namin. My parents are out of town several months ago. While Tyreen on the other hand is busy with the company. Madalas siyang nasa Palawan dahil isa ang kompaya sa mga Stockholders duon. Naging magkasundo na din kami after several trials. While my youngest sibling is still on the top. Kilalang kilala na siya sa larangan ng pagmomodelo.

Napag-usapan din ang nalalapit na engagement ni tyreen sa isang kilalang bachelor na doctor sa maynila. Hindi ko siya kilala pero base sa mga sinasabi nila at pinag-uusapan ay kilalang doctor nga ito at napaka gwapo pa daw. Ilang buwan din ang ligawan ng dalawa at pumayag na din si Tyreen sa mangyayari. Natahimik ako lalo ng mapag-usapan nila ang angkan ng mga Mercadi. Magpapakasal na daw ang nakababatang kapatid ni Altus, which is Aissen.

Sa laking gulat ko ay napanganga ako isang Deocades pala ang pakakasalan niya ang CEO ng napaka kilalang 5 star hotel kung saan stockholder si Tyreen at investor an gaming kompanya. Napakaliit ng mundo. Dahil napapalapit na kami ng napapalapit sa isat isa na siyang kinatatakutan ko. Napabuntong hininga ako.

Habang si Altus naman ay lagging nasa headline ng mga malalaking magazine sa bansa dahil sa pagtaas ng Ratings ng kanilang kompanya at ang mas malawakang paglaki ng corporation nila hindi pa sila nakuntento at napabilang na din siya sa TOP 100 hottest Bachelor ngayong taon. Hindi naman na lingid sa akin na maraming magkakandarapa sa kanya. Gwapo siya, mayaman at matalino ano pa bang hihingin ng isang babae sa isang Altus Volmintus Mercadi?

 

Nakita ko na din kung gaano kasandamakmak ang dami ng mga babaeng nakahilera sa kanyang palad. Even toughest models known in the whole world, smartest bitch in his forte, elite daughters from rich families are affiliated to him. Muli akong napabuntong hininga. I must let him go. Nabalitaan ko din kay Domo na engaged na si Jennie kay Zachary at imbitado siya sa nalalapit na kasal nito sa susunod na taon.

Hindi ko lubos maisip na sila pala ang magkakatuluyan. Wow! Grabe! Kung pwede lang um-attend ng kanilang kasal. Bagay na bagay sila. Nag established din ng isang ospital si Jennie and I think she’s all have the riches she deserves even though hindi naman niya talaga kailangan ang bagay na ‘yun dahil galling din naman siya sa mayamang pamilya kaya wala din siyang problema.

Kung alam kaya nilang buhay ako magagalit ba sila sa akin o matutuwa sila dahil nasa harapan nila ako buhay na buhay at humihinga? Naikwento din sa akin ni Domo na hindi daw naging maganda ang mga nakaraang buwan sa aking bestfriend na si Jennie, kung hindi lang daw sa pagmamahal at agapay ni Zach ay baka nabaliw na ito at sa ngayon ay hindi pa din naghahanap ng kapalit si Altus dahil nagdudusa parin siya sa namatay at namaalam niyang pagmamahal sa akin.

Madaming magmamahal sayo Altus ngunit ako ang pamilya ko lang at tanging si Carmentis lamang ang meron ako kaya hindi ko pwedeng isakripisyo ang mga bagay na ito. Nang matapos kaming kumain ay agad kaming dumiretso sa Sala upang buksan ang mga daladala nilang regalo. Nagtatawanan sila at halos masayang masaya. Natuwa din ako dahil madami silang dalang regalo para sa akin at para sa aking anak.

“You should open Mom’s gift then Dad, mine and Domo” Suhestyon ni Tyreen tumango naman ako at agad na kinuha ang dalawang kahon na ibinigay ni Mommy. Ang mas maliit na kahon ang binuksan ko.

It was for me kaya yun ang inuna ko. Nakabalot ito sa isang silver na box at ng buksan ko ito ay agad na nasilaw ako sa kintab nun. Napasinghap ako ng makita ang isang butterfly tiara. Wow, I hug mommy and thanked her.

“Maikli na kasi ang buhok mo at hindi na mai-pony pa kaya naman Tiara ang naisip ko” Tumango tango ako at muling nagthank you. Agad kong isinunod ang regalo niya sa aking baby. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko ng makita ang isang pares ng earrings para sa aking baby. It has the design of a sunflower.

Sinunod ko ang regalo ni Dad, mas lalo akong naluha ng makita ang nakatatak sa isang box Swarovski damn, mamahalin ang isang ito katabi nun ay ang pares ng singsing na katulad ng akin.

“Diamonds are girls bestfriend, right?” ani ni Daddy.

“Thank you Dad”

“Oh yung akin naman!” Inabot ni Tyreen ang isang mabigat na gift sa akin. “It’s for you and your baby”

Tumango ako at agad na binuksan ang regalo niya sa akin sa laking gulat ko ay muntikan ko ng mabitawan iyon. It was inside the glass, iyon ay certificate na kung saan ipamamana niya sa anak ko ang isa sa mga Kompanya naming. Napa-iyak na ako sa regalo niya. She’s assuring my daughters future. Hindi pa ako nakakabawi ay binuksan na ni Domo ang regalo niya para sa akin. Mas lalo akong napaiyak ng makitang car key iyon na may kasama pang isang key.

“This one is the key for your child’s BMW and this key is for your house in Maldives!” Napatayo ako at niyakap ang dalawa kong kapatid.

“Omygoodness! Thank thank you so much! I love you girls!” Nakangiti kong saan bumaling ako kina mommy at daddy at ginawa din ang ginawa ko sa aking mga kapatid.

Nang iangat ko ang tingin ko ay naramdaman ko na naman ang kakaibang sakit sa akin ulo, ngayon mas masakit na yun at hindi ko na mapigilan ang mapaiyak. Agad na nagpanic ang mga kasama ko at inagapan ko ngunit hindi na sila umabot ng wala na akong maramdaman at madilim na ang lahat. Wala na akong maalala, then everything went black.

 

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32