Download Story.

close

Diary Of A Nymphomaniac

Written By: foxybeee       |       Story Status: Completed
Posted By:
foxybeee

CHAPTER 21

DIARY OF A NYMPHOMANIAC

 

Jennie’s POV 

Sinamaan ko ng tingin ang kaibigan ko bago ako pumasok sa loob ng kotse kung saan ako ihahatid na simbahan. Masaya ako para sa kanya, pero hindi ba biglaan na pumayag siya na magpakasal kay Altus? Pero hindi ko siya pwedeng pagdudahan wala naman akong nakitang mali sa ginagawa niya kanina kaya magiging masaya nalang ako para sa kanilang dalawa.

Nang makarating ako sa cathedral ay nandun na silang lahat. Nakapila na sila, ngitian ko sina Zachary. James at ilan sa mga kaibigan ko. Maya maya ay darating na din si Priya dahil magkasunuran lamang kami. Agad akong umakyat sa staircase kung saan sinalubong ako ng Lola at Mama ni Altus. Ngumiti sila sa akin at binigyan ako ng isang yakap.

“You look beautiful, Hija” bungad sa akin ng Mama ni Altus.

“Nasaan na si Priya, hija?” Agap ng Lola niya.

Nguimiti ako bago sumagot sa kanila.

“Thank you ho, Tita. Papunta na ho siya Madame”

Tanging matamis na ngiti lang ang natanggap ko sa matandang Mercadi inilibot ko ang aking mata kahit na simple lang ang venue ay hindi matatawaran ang ganda at pagka marangya ng pagkakaayos nito. From the color of its golden theme, it symbolizes so much. Magandang theme pala ang nude? Kakaiba din ang taste ng kaibigan kong lokaret eh.

Napalunok ako ng makalapit ako kay Zachary. I know him well, he liked Pranpriya a lot hindi ko nga alam kung paanong naatim ng isang ito na makita ang babaeng minahal niya dahil sex buddies sila. Nailing ako ng hinalikan niya ako sa pisngi hilig niya na talaga ang mga ganitong bagay ha? Bahagya akong natawa sa ginawa niya habang siya naman ay nagkunot ng noo sa akin.

“Bakit ka tumatawa, Jen?” Ngumuso ako at umiling nalang.

“Ang gwapo mo pala sa nude na suit hahahaha!” pang aasar ko sa kanya. 

“Alam mo, nakakabigla lahat ng nangyari? I never thought that Priya would marry this fast.” he commented, ngumuso ako dahil sa sinabi niya. 

“Sus, sabihin mo binabalak mo kasing jowain frenny ko e sa kasamaang palad di napunta sayo!” pang-aasar ko pa sa kanya. 

Mas lalong sumama ang tingin niya sa akin at ngumiwi pa lalo. Alam kong ayaw niya ng ganyang mga kulay at sa mga bwelta ko sa kanya, nung ibinalita nga sa kanya ni Priya na imbitado siya sa kasal nito at ipinakukuha ang sukat ay medyo nag-aalangan pa siya hmp! Hindi naman siya makakahindi sa kaibigan ko kaya ano pa bang magagawa niya lalo na ng nalaman niya ang isusuot niya. Tinapik tapik ko siya at bahagya siyang umiwas dahil narin sa pandidiri niya sa akin. Kalaunan ay tumawa nalang kaming dalawa.

Natigil ang usapanan naming ng lumabas si Altus kasama ang kanyang kapatid at dalawang kalalakihan. Ang isa ay matured na kung titignan, hindi naman nalalayo ang isa ngunit sa tantya ko ay masyado pa itong bata ngunit ang bulto ng katawan nito ay maganda na iisipin ng makakakita na talagang nasa tamang edad na ang pinakabatang kasama niya. Napangiti ako habang kumaway kay Altus. Nakita niya ako kaya naman agad siyang naglakad papalapit sa akin.

He’s wearing dashing metallic silver with a white bow tie. His hair is well disheveled hindi parin nagbabago ang stoic niyang pagmumukha tanging ang bestfriend ko lang ang nakakapagpabago sa itsura ng kenkoy na ito. Alagaan niyang mabuti ang bestfriend ko kung hindi ay mapapatay ko talaga siya. Di baling ako na ang magparaya sa aming dalawa, mas mahal ko si Priya kaya gagawin koi to para sa kanya.

“Altus! Ang gwapo natin ah!” Masigla kong sabi sa kanya.

Tipid lang ang ngiting ibinigay niya sa akin. Tumingin ako sa mga kasama niya kaya naman iyon ang naging hudyat niya upang ipakilala sa amin ang kanyang mga kasama. Tumikhim muna siya bago bumaling sa kanyang mga kasama. Ngumiti ako ng tipid.

“This is Aissen, my brother”

Napanganga ako! Kaya naman pala hawig na hawig silang dalawa! Never pa talagang nagkamali ang instincts ko! Naglahad ito ng kamay sa akin agad ko namang inilahad din ang aking kamay. Masyado siyang formal kaysa sa kanyang kapatid. Tipid din siyang ngumiti.

“This is Volmintus Lamuniere and this is his younger brother Louoverent”

Lamuniere? I heard theire family name several times hindi ko lang maalala kung saan. Naglahad din ang dalawa ng kamay sa akin kaya naman walang pagaalinlangan ko iyong tinaggap. Tumikhim muna ang nakakatandang Lamuniere at nagsalita.

“I’m his bestfriend—”

“Tss.” Anas ni Altus.

“I’m Cassiosnaiae Jenesis, Priya’s bestfriend, Jennie for short”

“Pleasure to meet you,” he said in a gentleman manner

Umiling iling ito at ngumiti nang tipid bumaling ako sa nakababatang Lamuniere hindi siya masalita huh? Bahagyang natigil ang lahat ng dumating na ang Chopper na sinasakyan ng aking bestfriend. Everyone is anticipating her presence. Buti nalang at hindi gumawa ng katangahan ang isang ito. Hmp. Agad kaming luminya ngunit hindi na natuloy ng hindi makapaniwala sa nakita.

“WHAT THE HELL IS HAPPENING?!” Sigaw ng mama ni Altus. Agad na nagpanic silang lahat.

Hindi ko na din napigilan ang nangyari ata agad na dinaluhan ang pinagkakaguluhan nila. Lumaki ang mata ko ng makita ang isang babae na nakasuot ng isang traje de boda, ngunit hindi iyon ang bestfriend ko. Hindi ko maramdaman kung anong totoong nangyayari. Agad kong ginagap ang loob ng chopper na lumapag sa balwarte ng Simbahan.

“Where’s my bride?” Kalmado ngunit mariin na turan ni Altus.

Agad na bumaba ang driver ng chopper at nakayukong lumapit kay Altus. Hindi ko alam kung sasampalin ko ba ang babaeng nasa harapan ko at sisipain ko ba ang driver! Nasaan ang bestfriend ko? Bakit ang babaeng ito ang nasa harapan namin. Anong nangyayari? Hindi ko na napigilan pa at agad na lumapit sa Driver at binigyan ito ng malakas na suntok sa mukha.

“Is this kind of a weird joke?! Where’s my bestfriend!? Sino ang babaeng ito? Hindi siya ang bestfriend ko! Saan mo dinala ang bestfriend ko? Saan! PUTANGINA PRANPRIYA STALANI! Is this some of your fucking jokes? Hindi ito nakakatuwa! Lumabas ka na! Punyeta ka baka masabunutan pa kita! Nasaan ka ba!” Sigaw ko. Nagpipigil ng iyak. 

Wala na akong pake kung mukha akong palengkera o warfreak sa harap ng madaming tao, this is not the right time to fucking joke. Punyeta ka talaga Priya, nasaan ka bang gaga ka? Ano na naman ba itong pinasok mo? This will taint your name for the rest of your life!

Hinawakan ni Zachary ang braso ko upang kalmahin ako pero hindi yata makatutulong ang bagay na iyon sa sitwasyong ito! Halos lahat ay tahimik lamang na nakikinig sa amin. Lumapit ang matandang Mercadi at ginagap ang paningin ng Driver.

“Nasaan ang ikakasal?” Puna ng mama ni Altus. She looks so scary right now. 

“Son, maybe your bride run away?” nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ng Matanda. Hindi ako makapaniwalang masasabi niya ang bagay na iyon. 

Umiling ako ng ilang beses, hindi yan totoo, kilala ko ang kaibigan ko, kahit ngayon manlang yun na lang ang huli kong pinanghahawakan, paniniwalaan ko siya dahil kaibigan ko siya, susuportahan ko siya, kung ano man ang nangyari alam kong may dahilan at may explanation si Priya sa nangyayaring ito. Agad akong umapila.

“Hindi tatakbo si Priya! Kausap ko siya kanina! Excited na siyang pakasalan si Altus! We even looked at the bright future of them! Kaya hindi magagawa ng bestfriend ko na tumakbo at takasan ang taong mahal niya at ang Ama ng anak niya! Hindi tanga ang kaibigan ko!” Hindi ko na napigilan pa ang mga luha ko at sunod sunod na itong naghabulan sa aking pisngi.

“Then where is she?” Altus Mom asked me, bigla akong natameme, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko, dahil wala din akong ideya kung anong nangyayari. 

“S-sir… wala po akong ideya, pagkadating ko po sa Chopper ay nandun na ang bride, ang akala ko ho ay siya ang ikakasal sa inyo. Mukhang nagkamali ho ako—”

Agad na pinutol ng babaeng naka wedding gown ang sinasabi ng Driver. Hindi kaya’t nagkapalit sila? Kung ganoon ay nasaan ang kaibigan ko? Lumingon ako sa paligid at nakitang madaling abala may mga kausap sa telepono siguro ay pinaghahanap na si Pranpriya. We must find her!

“Omygod! I was sleeping, nagising lang ako ng lumapag ang chopper! This isn’t my chopper afterall!” histerya ng maarteng babae.

“Maybe your bride has been switched to her?” Puna ni Volmintus.

“If that’s the case, then where will your chopper go with my bride?” Nagtiim bagang si Altus nagpipigil ng kanyang galit.

I saw so much pain in his eyes. Nagalala siya ng sobra at ganun din ako. What if? This is her plan? No! That won’t happened dahil alam kong desidido na siya na pakasalan ang lalaking nasa harapan ko. Inayos ng babae ang kanyang buhok bago sumagot sa katanungan ni Altus.

“My chopper will go to Caticlan—”

“Ibig sabihin nasa himpapawid pa sila Kuya! You can turn the chopper back” Tumango ako sa suhestyon ng kapatid ni Altus.

“To my estimation maybe they have reached Bacolod now. That’s way too fast dahil halos parehas tayo ng time ng kasal—”

Natigilan kami ng agad na lumapit ang batang Lamuniere hawak hawak ang kanyang telepono habang may kausap sa kabilang linya. Hindi ko maintindihan ang kabang nasa aking dibdib hindi ko matantya ngunit parang sasabog ang laman ko.

“L, what is it?” Agad na tanong ng kapatid ni Altus.

Hindi ko maintindihan ang tension sa pagitan nilang dalawa, sa hindi malamang dahilan ay para bang kinabahan ako sa ibabalita niya. Ibinaba niya ang teleponong kanina ay hawak, may halong lungkot at pangamba ang nasa mukha ng binatilyo. Pumikit ako ng mariin, please lang, Please lang Priya. 

“It was on the breaking news, a chopper crashed before reaching bacolod, and the rescuers identified that there is someone inside and it was her, Pranpriya Agustine Stalani was declared dead before reaching the hospital…”  he broke the silence. 

Napaatras ako sa narinig. No! No! No! Napatutop ako sa aking bibig. Everyone was shocked because of the news. Hindi pwede iyon! Hindi! Nanginginig na sinagot ko ang tawag ng kapatid ni Priya. This is all a dream. Ang mga luha ko ay mas lalong nadagdagan. No, that won’t happen! Kailangan ko ng gumising sa kabaliwang ito.

“Hello! Jennie! How was the wedding? Nagsta-start na ba? Can you took a video of my Ate and his Groom? I can’t go to my Ate’s wedding!” she beamed in excitement. 

Lalo akong nanlumo dahil sa narinig ko sa kanyang kapatid. Ang mga taong kausap ko kanina ay nag-iiyakan na din. Napasinghap ako, naririnig nila ang sinasabi ni Domo dahil naka loudspeaker ito. Si Altus naman ay nakayuko lang at kitang kita sa kanyang mukha ang sobrang emosyon na kahit ako ay hindi ma explain iyon. 

“Jennie! Alam kong nagtatampo ka sa akin dahil sa hindi ko pagdalo sa kasal ng Ate ko! Wag mo namang ipagkait sa akin ang isang video ha? May regalo ako sa kanya! Pakisabi ha! Bilis naaa! Hoy!” Pangungulit pa ng kapatid ni Priya sa akin. 

“D-domo…” Hikbi ko. Natigilan siya sa kabilang linya.

“Shit! Are they sharing vows? My gosh! Wag mo akong inggitin—”

“D-Domo..” I called her again, my tears are gushing down and my sobs escaped kaya nakahalata na siya.

“Ate Jennie? What happened? Anong nangyayari dyan? Nasaan ang ate ko? Bakit ka umiiyak? May masama bang nangyari? TELL ME!” Sigaw niya sa kabilang linya.

“Priya is… dead”

Hindi ko na napigilan pa ang pag-iyak ang kasunod nun ay ang pagluhod ko sa aking mga paa. Hindi maari ang bagay na ito. No! Naririnig ko ang boses ni Domo sa kabilang linya. Everyone is mourning. This event have to be so much happiness to my bestfriend. She can’t go that easy.

Agad kong hinanap ang Driver at hinatak si Altus.

“NO! SHE’S NOT DEAD, I DON’T BELIEVE THAT NEWS, EVERYTHING IS ODD, ALTUS WE SHOULD FIND HER, I SHOULD SEE HER BODY NOW, KAILANGAN KONG MAKITA NA PATAY NA SIYA BAGO AKO MANIWALA, KAILANGAN KONG MAKITA NA HINDI NA SIYA HUMIHINGA BAGO AKO MANIWALA NA WALA NA SIYA, HINDI AKO NANINIWALA SA PUNYETANG BALITA NA ‘YAN!” I cried out loud. 

1 year later…

Humithit ako sa aking sigarilyo at agad na ibinuga iyon. Ngumuso ako dahil sa naisip. Tanginang arte! Inupos ko ang sigarilyo at bumaling sa kanya. Tss. Mas maganda pa rin ako sayo no! Hinampas hampas ko siya pero wala akong response na nakauha.

Bahala siya dyan. F.O na talaga kami. Inayos ko ang buhok ko dahil natataboy ito ng malakas na hangin. Ngumiti ako ng bahagya at huminga ng malalim. I feel hallow, while looking at her, still can’t believe my own eyes. 

“You’re still beautiful yet…. You’re dead”

Napawi lahat ng saya ko at napalitan ng sama ng loob.

“Hindi mo naman sinabi sa akin na iiwan mo kami ng biglaan! You even bought your baby with you! Napaka selfish mo talagang gaga ka! Edi sana sumakay na din ako dun sa chopper at kasamang namatay! Para naman may kasama ka bitch! Ang daya daya mo! Paano naman kaming mga naiwanan mo ha? Bakit mo naman kami ginaganito! Nakakagago ka lang eh! Isang taon na ang nakalipas ngunit hindi pa din ako makamove on! Alam mo bang lulong na sa Alak ang lalaking pinakamamahal mo? Yet he is still on the top! Napababayaan niya man ang sarili niya pero hindi ang negosyo niya. He even paid for the largest painting portrait at gaga ka! Ikaw ang nasa portrait! Bakit naman kasi iniwan mo kami ng ganun ganun nalang? Masaya ka na ba dyan?” Ngumiwi ako dahil ang tanga tanga ko upang makipagusap sa isang patay na pero paano naman kung pinakikinggan niya ako? Tsk. “Alam mo bang niligawan ako ni Zach? Akalain mo yun! Hindi ba’t patay na patay ang isang iyon sayo? Tsk sakin din naman pala ang bagsak niya kaso sayong eh! Ayaw ko sa kanya masyado akong pa VIP! Sayang at hindi mo masasaksihan ang mga magiging anak ko! Even my wedding you bitch! Baliw ka talaga!” naiinis na usal ko sa kaibigan. 

Tumalikod ako at impit na umiyak. I miss you, ikaw lang ang kaibigan kong iniwan ako bago ako ang nang-iwan. Masakit man na iwanan mo kami, kasama na ang taong mahal na mahal mo. Pero parte to ng buhay eh. Kailangan naming magpatuloy habang ikaw nakahimlay na dyan at wala ng pinoproblema pa.

Kahit na masakit na maiwan alam kong mas masakit ito sa Parte niya Priya, masakit na masakit iyon para sa kanya. Kung pwede nga lang na hilingin ko na bumalik ka ay hiniling ko na. Pero mukhang hindi mangyayari ang bagay na yon. Kailangan naming magpatuloy ng wala ka.

Paalam, Priya. Wag kang mag-alala itatabi ko ang Diary mo.

 

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32