Download Story.

close

Diary Of A Nymphomaniac

Written By: foxybeee       |       Story Status: Completed
Posted By:
foxybeee

CHAPTER 20

DIARY OF A NYMPHOMANIAC

 

 

Tulog na tulog siya sa aking tabi habang ako naman ay hindi makapagpahinga dahil sa aking mga iniisip, alam na niyang buntis ako at paano niyang nalaman na siya ang ama ng dinadala ko? Hindi pwede ang bagay na ito. Hindi ako makakapayag. Napapikit ako ng mariin nang maramdaman ang kanyang galaw umungol siya at inilagay ang kanyang kamay sa aking tiyan. Ramdam ko na ang kanyang hininga sa aking tainga. Kinikilabutan ako sa bawat galaw niya.

“You should sleep now that would be unhealthy for our baby—”

“Altus, hindi mo anak ang dinadala ko”  I cut him off, hindi ako sigurado kung si Altus ba ang Ama or si Zach, tho Zach doesn’t know anything about the baby afterall. 

Hindi ko idinilat ang mata ko baka malaman niya pang nagsisisnungaling ako sa kanya. Naramdaman ko ang pag-ahon niya sa higaan bahagya kong iminulat ang aking mga mata natagpuan ko nakatingin siya sa akin. His hawk like eyes piercing through my soul, kailanagn kong gawin ang bagay na ito upang may mapatunayan ako sa aking sarili. Patawarin mo ako.

“Stop lying to me, this is my baby” giit niya. Ramdam ko ang sakit sa kanyang boses.

Umiling ako ng sunod sunod at mabilisang tumawo. Hindi pa man ako nakakaalis sa kama ay hinatak niya ako pabalik sa kanyang bisig, ngayon ay nakapatong na ako sa kanyang matigas na hita. My breathing hitched ginapos niya ako sa mga matitipunong bisig niya walang balak na pakawalan ako.

“Please, tell me, that you are bearing my child” madiin ang bawat bigkas niya na lalong nagpakaba sa aking sistema.

“Altus, hindi mo anak ang nasasinapupunan ko hindi ikaw ang ama nito! Nakipagtalik ako sa ibang lalaki habang nagkikita tayo! Nagpapakasasa ako sa sarap hindi ba’t ganun ka din? Hindi lang naman ako ang babaeng naikakama mo habang nagsasama tayong dalawa hindi ba? Hindi ikaw ang ama nito ‘yan ang sigurado ako—kaya itigil na natin ang kasal” Pinipigilan ko ang mga luhang nagbabadyang umagos, masakit man na sabihin sa kanya ang mga kasinungaling ito kailangan ko. Kailangan kitang saktan kahit na ayaw ko.

Mapatawad mo sana ako. Mas lalong humigpit ang yakap niya rinig na rinig ko ang malalalim niyang paghinga. Gusto kong umalis sa kanyang bisig upang hindi na ako masaktan pa pero ng maramdaman ako ang mabibilis na patak ng luha sa aking balikat ay nanigas ako sa aking kinauupuan. I froze at the moment he shed a tear for me, he’s hurting. Altus Mercadi is hurting all because of me because I’m lying to him.

Now that he’s hurting hindi ko mapigilang yakapin siya. Mahal na mahal kita Altus kailangan kong gawin ang bagay na ito para matigil na ang kahibangan ko. Kailangan kong isakripisyo ang pag-ibig ko para hindi ka na masaktan pa ng lubos. Hindi tumigil ang mabilis na pagbuhos ng kanyang luha napasinghap ako ng para siyang bata na nangangailangan ng aruga ng isang bata.

Kinukuyamos niya ang suot kong damit niya, habang walang tigil na umiiyak sa aking bisig, he’s small curses made me tear also. Ang piit na ungol niya sa pag-iyak ang nagsasabi sa aking masakit ang mga salitang binitawan ko sa kanya.

“No. I’m the father of your child..” nangingig na sabi niya. “We’re getting married, you’re not going anywhere—with my baby. Please Priya, don’t leave.. don’t leave me. I’ll do anything, please.. please..” Ang mga luha ko ay mabilis na nagbagsakan. I’m crying because of all the pain I’ve caused for him.

Hinanap ko ang kanyang mukha at pinatitig siya sa akin. His eyes are soaked because of so many tears, his nose is red, and his lips are trembling. I saw how much pain I registered to him. His body is cold as ice, nanginginig ang kanyang kalamnan. He’s in deep pain all because of you Pranpriya! Tipid ko siyang nginitian.

Buo na ang desisyon ko. Dahil sa mga sinabi niya, siguro nga tama ang gagawin ko tama nga siguro ang mga bagay na desisyon ko. Umiling siya, inaakalang may sasabihin pa akong mas lalong magpapakasakit sa kanya.

“Please, stop tormenting me. I love you so much, I’m deeply smitten to you don’t leave me just that. I breathe for you. Priya you are everything to me. I won’t lose you this time. Please I’m begging you don’t leave me. Marry me.. I promise you that I would be a good man to you and to our baby.. please my heart is aching” he cried again, napahilamos siya sa kanyang mukha at sabay sabay na umiling.

“I’m inlove with you, too. I-I will. I will marry you”

Tinanggal ko ang kamay niyang nakasapo sa kanyang mukha at binigyan siya ng isang halik na hindi niya makakalimutan. You have to indulge any moment from now on, Priya.

“Nakausap ko na ang kapatid mo, handa na ang chopper na sasakyan mo papunta sa simbahan kung saan ka ikakasal sigurado ka na ba sa desisyon mo Priya?”

Pinagmasdan kong maige ang mukha ng aking kaibigan. She looks very beautiful in her white long gown. I made her my Brides made. Her hair is pushed up. She’s wearing a light make up. She looks very beautiful. Tumango ako sa repleksyon ng salamin. I’m going to get married today. Napangiti ako sa mga imaheng naglalaro sa aking isipan.

“I Never thought that you’d marry him you had a plan on abandoning him on your wedding day. But look at you? The tides of the mind do really changes because of the bullshit feeling of love” She smirked and hugs me behind.

Tumawa ako sa kanyang ginawa. Baliw talaga ang isang ito. Tinapik ko ang kanyang braso na nakabalot sa aking balikat. She just shrugged at sininmangutan ako.

“I was wrong Jennie, Altus love me so much that even he’s hurting too much he would shield me just to protect me. Mahal na mahal niya ako Jennie hindi ko siya kayang saktan kaya naman pakakasalan ko siya” I answered.

Nakatingin lamang siya sa akin, at ako naman ay nakatingin sa kanya sa repleksyon ng salamin. She’s eyeing me, para bang binabantayan ang bawat kilos ko. I smiled weakly. Nilingon ko ang relos ko, isang oras nalang ay ikakasal na ako sa taong mahal ko. Ako lang ang sasakay sa chopper kasama ang hired driver ni Altus.

I will arrive at the church using his chopper. Any minute from now ay makikita ko na siya at magkakasama na kami. Napangiti ako.

“Hindi ka naman nagpaplano ng katangahan hindi ba?” tanong sa akin ng kaibigan ko.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya, habang naidial ang number ng aking kapatid na si Domo. Umiling ako sa kanya.

“Baliw ako kung gagawin ko ang bagay na’yon”

“Dapat lang dahil kung gagawa ka ng katangahan ay F.O na tayo”

“Tumigil ka nga Jennie! Ikakasal na nga ako at lahat lahat ay nakikipagbangayan ka pa sa akin!” Tumawa kaming parehas at tumigil din ng sinagot ni Domo ang tawag ko. I put it in a loud speaker.

“Hello, Ate?”

“Domo, ang tagal mo namang sagutin yung tawag ko!”

“Sorry, I’m in a photoshoot right now”

Napakunot ang aking noo.

“Saan naman ‘yan?”

“Around Caticlan ate”

“You should be here in your Ate’s wedding!” nagulat ako sa sinabi ni Jennie. Natigilan din si Domo sa kabilang linya.

“I’m busy, Jennie I wish you a good wedding ate. Mauuna na ako!”

Pagkababa niya ng tawag ay sinamaan ko ng tingin ang aking kaibigan. Nababaliw na talaga ang isang ito. Alam naman niya na busy masyado ang kapatid ko. Hindi talaga makakasama ang isang iyon at alam ko naman yun at naiintindihan ko.

“Ni isa sa pamilya mo ay walang pupunta, ako at ang ilan sa mga ka-close mo lang ang pupunta sa side mo. Ngayon mo din mamemeet ang pamilya ng Mercadi ng buo! Buong Angkan nila ay pupunta sa First born na si Altus! Napaka big hit mo!” Ngumiwi siya at umiling iling.

Hindi ko inimibitahan ang pamilya ko. Tanging si Domo lang ang nakakaalam sa kasal ko. Ayokong mamerwisyo pa ng mga magulang dahil alam ko naman na hindi nila gusting ikasal ako.

Maya maya pa ay tinawag na si Jennie dahil aalis na sila para makapaghanda na sa simbahan. Nginitian ko siya habang siya naman ay masama ang tingin sa akin. Nababaliw na talaga ang isang ito. Ngumiwi ako, kumaway ako ng makaalis ang sasakyan nila. Lumapit sa akin ang piloto at nginitian ko siya.

“Ma’am tayo na ho” Tumango ako at ginagap ang mahabang gown ko.

Tinulungan niya pa akong makasampa sa chopper nang makasampa ako ay napangiti ako ng mapait. This is it Priya. Eton a yung pinakaiintay mong araw. Nang makasakay na ang piloto ay tumango siya at pina-andar na ang chopper.

I love you, Altus.

 

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32