Download Story.

close

Diary Of A Nymphomaniac

Written By: foxybeee       |       Story Status: Completed
Posted By:
foxybeee

CHAPTER 15

DIARY OF A NYMPHOMANIAC

 

Kanina pa kami tahimik, habang naka sakay sa aking sasakyan si Jennie ay hindi manlang makatingin sa akin, ganun din naman ako. Huminga ako ng malalim at muling sumulyap sa kanyang kinauupuan. Seryoso ang mukha niya at para bang anumang oras ay masasapak niya ako pag nagsalita ako.

Tumikhim ako ng tumunog ang aking cellphone, agad kong kinuha yun sumulyap naman siya sa akin, ang mga mata ay nakabantay sa akin at waring iniisip kung sino ang nagtext sa akin. Nang magtama an gaming mga mata ay inirapan niya lang ako. Hindi ko naman siya masisisi eh. Kasalanan ko naman.

From: Domo
Ate Priya? Nandito na ako, I’ll order for you and your friend.

Hindi ko na siya nireplyan at agad na itinabi ang cellphone ko. Kailangan ko na siyang kausapin, mali man ang ginawa ko ay hindi parin dapat siya magalit sa akin.

“Jennie, pupunta tayo sa aking kapatid”

Hindi siya nagsalita at tumango lamang sa akin. Inamin ko na kasi sa kanya na buntis ako kaya nagtatago ako for 2 months syempre nagalit siya kasi bakit hindi ko daw sinabi sa kanya ng maaga sumabay pa ang pagkakasabi ko na isa akong anak mayaman at may kapatid akong mga big time mas lalo siyang nagalit na para bang tinantraydor ko siya. I feel sorry for her, even though we knew each other for the past years pero tinago ko pa din ang totoo kong identity.

Hindi ko naman binago ang pangalan ko pero ang mas lalong nakagalit sa kanya ay bestfriend ko siya pero pati ang pagbubuntis ko ay hindi ko manlang ipinagkatiwala sa kanya. Dirediretso ang byahe namin dahil less traffic naman at duon kami ulit magkikita sa restaurant na kung saan una kong kinita ang aking bunsong kapatid.

Agad kaming pumasok sa VIP Room na kinuha ni Domo para sa amin. Nang makita niya kami ay kumaway siya, nilingunan ko naman si Jennie na kunot noong tinignan ako ng makita niyang nginitian ko din ito. Nang makaupo kami ay ilang na ngumiti ang kapatid ko sa kanya dahil sa itsura niya.

“Jennie, this is my youngest sister, Oenone just call her Domo” I smiled. “Domo, this is my bestfriend Jennie”

“You didn’t inform me that were meeting a celebrity, Priya” she sounded embarassed and excited at the same time 

Napakagat ako ng labi dahil sa tinuran niya at inaasal niya nilungon ko ang kapatid ko at nagseryoso ang kanyang mukha. Damn! Napalunok ako ng bumaling sa kanya ang ugali niya talaga ay hindi maganda kaya naman wala akong magawa hindi niya pa naabsorb ang lahat lahat.

“Jennie” Pahiwatig ko sa kanya.

“Let’s talk about it later Ate, let’s eat first!”

Tumango at kumain na kami, medyo naging magaan ang usapan namin dahil nagkamustahan lamang kami at kung ano ano pa. Nang matapos kaming kumain ay muling kinabahan ako dahil sa nararamdaman kong tension na namamagitan sa amin.

“Domo, sinabi ko na kasi kay Jennie na.. buntis ako” ani ko sa maliit na boses. 

Tumango tango naman siya sa akin at sumimsim sa kanyang inumin, ang kulay ng buhok niya ngayon ay iba siguro na rin ay parte ng kanyang trabaho mukha rin siyang pagod pero walang pinagbago dahil maganda parin siya.

 
“Priya, bakit ngayon mo lang sinabi ang lahat ng ito sa akin? Naiintindihan ko eh! Na masyadong active ang sex life mo! Pero por dios por santo naman hindi ka manlang gumamit ng proteksyon!” 
She looks so pissed. 

Mahina ngunit mariing turan niya, napakunot noo naman ang kapatid ko. Hindi nga pala niya alam na naging sex addict ako. Tangina naman. Sumasakit na ang ulo ko sa bagay na ito. Nahihilo na ako.

“Anong ibig mong sabihin?” Tanong ko sa kanya.

“Ah! Hindi mo ba nasabi sa kapatid mo na active na active ka sa sex? Jusko naman! Alam mob a kung sino ang ama ng batang iyan? At ilang buwan na iyan? Sagutin mo nga ako! May fiancée ka na Priya alam ba niya ang bagay na ‘yan? Ano?” 

Dirediretso niyang sabi sa akin at para bang lalo akong kinain ng upuan ko dahil sag alit niya sa akin. Nagpalipat lipat ang tingin ko sa aking kapatid na ngayon ay laglag ang panga dahil sa sinabi ni Jennie at siya naman na namumula na dahil sa tinagong galit sa akin.

“Domo, yun ang naging libangan ko sa mga nakaraang taon sana naman maintindihan mo ako at tungkol dun sa ama ng batang dinadala ko kilala ko siya Jennie” I explained. 

Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi at agad na ininom ang juice na nasa aking harapan. Nanlaki ang mata nito at tinampal ang braso ko. Si Domo naman ay nailing lang sa pinag-uusapan.

“Ilang buwan na ‘yan? At sinong ama?” Tanong ng aking kapatid. 

“2 months and 3 weeks, si… Altus ang nakabuntis sa akin—“

“Kaya ka ba niya pakakasalanan? E gago pala siya eh! Porket naka disgrasya e pakakasalan niya ng ganun ganun nalang! Ang kapal kapal ng mukha! Kaya naman pala biglaan ang lahat lahat! Tama ang kutob ko eh! Tama!” Tanong ni Jennie at para bang offended siya, that is what I am talking about pero hindi alam ni Altus na buntis ako. 

Nasapo ako sa aking noo. Goodness, hindi na ba matatapos ang stress sa buhay ko.
“Hindi ganun, Jennie… hindi niya alam na buntis ako at siya ang ama, pasensya na talaga”

“Ate, his decision has good side, he’ll marry you even though he didn’t know about you bearing his child” Ani ni Domo habang kumakain, para bang wala lang sa kanya ang bigat ng sitwasyon ko. Well, she’ll never know. Hindi naman siya ang nasa posisyon ko. 

“Wait-Wait! Hindi ko maproseso eh! Bakit hindi mo siya pakakasalan at bakit hindi mo pa sinasabi sa kanya?” Naguguluhang tanong ng kaibigan ko, hindi na siya makakain dahil nga naka focus na siya sa akin. 

“Jennie! Alam mo naman ang nakaraan ko hindi ba? Baka isipin niyang hindi niya anak ang dinadala ko! Kaya ayokong ipaalam sa kanya!” And I don’t know I am not that sure if it’s his, that day Zach and I had contact with each other!

“Paano mo naman… wait nga nakipag-sex ka ba sa iba nung–“

“Oo, it was when I was with Zach doing some reasearch papers…” I said straigtly 

“Oh my gosh…” She shooked her head. 

Napabuntong hininga sila sa sinabi ko. Hindi ko na alam kung ano pa ang sasabihin o ano pang idadahilan sa kanila para lang hindi na sila magalit sa akin. Mygoodness! Paao ko ba lulusutan ang bagay na ito? Ayokong malaman ito ni Altus.

“Sa tingin mo ba hindi niya mahahalata ang bagay na ‘yan? Alam mo bang pinasusundan ka niya! My goodness! Pranpriya ano ang solusyon mo sa bagay na ito? Sa susunod na mga araw ay lolobo na talaga ang tiyan mo! Sa tingin mo ba hindi niya mahahalata ang bagay na ‘yan? Isang tawag lang ng kanyang mga inutusan ay matutunton ka niya!”

“Not unless we owned the property” Ani ni Domo at inayos ang sarili niya, patapos na sa pagkain niya. 

Napabaling ako ganun na din si Jennie sa sinabi ng aking kapatid, pero.. hindi ba’t galit sa akin sina Mama at Papa? Tatanggapin ba nila ako lalo na’t buntis ako? Na nadisgrasya ako? Matatanggap ba nila ang nakaraan ko? Kakayanin ba nila? Or baka magalit lamang sila sa akin?

“What do you mean?”  Tanong ni Jennie sa aking kapatid. 

“Uuwi kami ng Iloilo ni Ate Priya, pauwi na din galing Spain si Ate Tyreen all because I’ve informed them that you contacted me, Mother and Father are so excited and eager to see you after a decade” Aniya, she’s too composed. Napalunok ako sa offer niya. 

Talaga? Gusto nila akong makita? Hindi na sila galit sa akin? Hindi na muli akong palalayasin? Napatango lamang ako sa sinabi niya. I also missed them, maybe this is the right time to align everything, to make up with my parents and be with them, at least they will accept me right? 

“Bago kayo umuwi ay ayusin mo muna ang gusot mo dito, Priya.. pinangakuan mo si Altus ng kasal anong plano mo sa bagay na iyon?” Ani ni Jennie. I smiled at her. 

“Totoo ba ‘yon Ate?” Domo asked and I immediately nodded at her. 

Ang malalamig na pawis ay kusang dumadaan sa aking noo, kinakabahan ako, tang-ina naman oo! Inubos ko ang juice na nakalagay sa aking baso bago sumagot sa kanilang mga tanong.

“I have plan”

Ngayon, hindi na ako magrerregret at magiging masaya ako sa magiging desisyon ko. Napangiti ako ng mapait.

 

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32