Download Story.

close

Diary Of A Nymphomaniac

Written By: foxybeee       |       Story Status: Completed
Posted By:
foxybeee

CHAPTER 14

DIARY OF A NYMPHOMANIAC

 

 

“My goodness! Pranpriya, you are one of those students, I’ve treasured! You should be thankful to that! I was so disappointed that you won’t attend the second semester? Why?”

Nasa office ako ngayon ng Professor ko, si Doctor Smythe, parang tatay na din ang turing ko sa kanya kaya naman ay hindi ko mapigilang masaktan sa mga sinasabi niya, alam kong nakakapanghinayang nga naman ang mga natutunan ko at second semester na din kaya nakakapanghinayang ngang talaga.

“Your friend told me that you’re busy doing something, its private hija, kaya hindi na ako nakiusisa, pero you didn’t compromise to us! Ni hindi ka nagparamdam at ngayon lang ulit! You’re running for flying colors hija! Masasayang iyon? Hindi ka na ba talaga hahabol?”

Ramdam ko ang panghihinayang sa kanyang boses, kahi ako ay nanghihinayang din!

“Pasensya na po talaga kayo Doctor Smythe pero may mas mahalaga po akong dapat gawin” I said. 

“Hindi, ayos lang yun hija, ako na ang bahala! Buti nalang at nadalaw ka dito! Madami na ding naghahanap sayo kaya naman namromroblema na din kami. Nakapagpasa ka naman ng thesis last sem kaya thesis nalang ang ipasa mo sa akin at gagraduate ka ngayong sem na ito, still with your flying colors!” He sounded so proud, that made me happy. 

Napangiti ako at nagpasalamat sa kanya. Hindi ko mapigilang matuwa dahil sa sinabi niya sa akin! Yes! Thank you lord! Pagkalabas ko ay nag aabang na sa akin sina Jennie at Zach, agad ko silang nginitian! Naikwento ko na din sa kanila kung ano ang sinabi sa akin ni Doctor Smythe at parehas silang natuwa sa ibinalita ko.

“Jusko! Salamat talaga at paborito ka ng panot na yun! So Thesis nalang talaga ang problema mo no?”

Tinanguhan ko siya at sinubo ang kinakain kong ice cream! Tuwang tuwa ako dhil sa kinakain ko. Si Zach naman ay pinakikinggan lang kami at minamatyagan.

“Okay na ako sa Thesis Zach, salamat ha?”  I said sincerely thanking him. 

“Wala lang iyon, Priya! Basta ikaw!”

Nginitian ko siya at nailing na tinigan si Jennie. Nang pumasok sila sa sa kani-kanilang klase ay agad kong natanggap ang text, naitext ko siya kagabi upang makipagkita sa akin. Ngayon ay binabasa ko na ang text niya sa akin.

From: Domo
Okay, I’ll be there in a minute.

Hindi na ako nagsayang pa ng oras at agad na umalis ng school. Agad kong pinihit ang manibela sa restaurant na napagusapan naming dalawa, medyo natraffic pa ako at medyo kinakabahan pa ako dahil sa mangyayaring ito, matagal ko na din siyang hindi nakikita kaya naman sabik na sabik ako.

Nang makarating ako sa Restaurant ay agad akong naigiya nito sa isang VIP Room, big time na siya sa ngayon ah? Wow, ako lang siguro ang medyo napag iwanan na. Pero ngumiti ako ng makita ko siya sa loob.

Ang likod niya, ay masyadong naka expose sa akin, medyo revealing ang kanyang damit at ang porselanang kutis niya ay wala pa ding kakupas kupas ang dati niyang buhok na mahaba na may kurba sa mga tulo nito ay wala na dahil sa pinagupitan niya ito, at hanggang balikat nalamang ito. Nilingon niya ako at nginitian.

Agad akong umupo sa kanyang tapat, sinusuri ang kanyang mukha. Ang mapupungay na mata niya, matangos na ilong at ang kanyang magandang labi na nag-angat sa kanya sa lipunan. I’m so proud of her.

“Kamusta ka na, Domo?”  Ani ko sa akin kapatid. 

“Tsk, as usual busy pa din ako.” Patutsada niya sa mataray na tono. 

Napawi ang ngiti ko dahil sa lamig ng kanyang boses, ganyan nja ba siya ngayon? Hindi ko alam pero mas malakas ang kabog ng aking dibdib, kaya ko bang sabihin sa kanya na buntis ako?

“Buti naman at nakahanap ka ng paraan para magkakita tayo, Thank you Dom-“

“Stop calling me Domo, Oenone will do” She reprimanded. 

“Pasensya ka na talaga, I just want to tell you something private”

Tumango tango siya at sumimsim sa kanyang wine, hindi ko alam kung dapat na ba akong magsalita o hindi pa, hiniwa niya ang steak na nasa kanyang pinggan at ng maisubo iyon ay nagtaas siya ng kilay sa akin bago nagsalita.

“Mom and Dad, they’re both in good condition, I visited them last time they’re still in Iloilo with Ate Tyreen you don’t have to worry that much, and me? I’m still good Ate”

Tinitigan ko siyang maige, hindi ko mapigilang mangiti dahil sa itinawag niya sa akin, I thought nakalimutan niya na ako! Hindi ko napigilang maiyak sa kanyang harapan she just warmly smiled at me.

“I’m so sorry Domo, I’ve been not a good sister to you! I’m so sorry!”

“Ate, It’s okay! I missed you so much, hindi naman kita kayang tiisin! It’s been a decade since you last contacted me!” She sounded so sweet. 

Ramdam ko ang tampo sa kanyang boses gusto kong magsalita ngunit ang aking lalamunan ay nanunuyot na. Lumapit siya sa akin para yakapin ako, isang yakap ng kapatid na muli mong nakita at dinamayan ka pa. She’s 10 when I’ve left my real state. Iniyak ko sa kanyang balikat lahat lahat she’s hushing me. Pinatitigil ako sa pag-iyak.

“Domo… I’m… pregnant”

Natigil siya sa paghimas sa aking likod sa sinabi ko, lumayo siya sa akin at mas lalo akong natakot ng makitaan ko siya ng pagkalito sa kanyang ekspresyon. No, I hope she understands my situation! Please, please.

“What? Ate…”

Tumango ako, para kumpirmihin ang sinabi ko. Nakangiti siyang niyakap akong muli. Lalo kong iniyak sa kanya ang lahat ng problema ko. Sa bawat oras na dumadaan ay hindi niya ako pinabayaan naramdaman kong magkaroon muli ng kapatid na dadamay sayo sa oras ng pangangailangan habnag wala ang mga magulang, madami kaming napag-usapan. Medyo gabi na din ng makauwi ako sa bahay.

Hindi niya na ako hinatid dahil may tabaho pa siya mamaya. Pagkapasok ko ay nabitawan ko ang bag na dala dala ko ng makita si Altus na nakaupo sa aking sofa, nang makita niya akong pumasok ay agad siyang tumayo at lumapit sa akin.

Nagulat ako sa kanyang ginawa nang magsalita siya.

“You were with that guy last time!”

“What?”

Naiiling akong pinulot ang bag ko at dumiretso sa sofa para matanggal ang sapatos ko, pagod ako at gusto ko nalang matulog pero heto siya at pinepeste ako! Putaragis! Sumasakit na din ang sintido ko at ang mga mata ko ay pagod na din dahil sa sobrang pag-iyak! Baka mahalata pa niya.

“You avoided me for 2 months, tapos mababalitaan ko na nakikipagkita ka sa ibang lalaki?” Nag-igting ang kanyang panga ng hinagilap niya ang siko ko para maiharap sa kanya.

Napagtanto ko ang kanyang tinutukoy kaya naman agad kong binawi ang aking siko at nagsalita na.

“Ano naman kung may kinikita akong ibang lalaki? What the hell? Sino ka ba? Ano ba kita?”  I said questioning him being mad at me right now. 

I saw hurt in his eyes but I avoided it. Nagtiim bagang siya bago muling nagsalita.

“Pranpriya! You’re my fiancée, for goodness sake!”  He blurted out that made me shock. Pilit akong ngumiti, nakikipaglokohan nga talaga ang isang ito. 

Pagkatapos ng araw na ‘yon. He never said he love me. I even asked himm and now he’s being unreasonable and making me look like the bad person? Tangina lang fiancee mo mukha mo. 

Umiling ako hindi sumasang-ayon sa kagustuhan niya sa akin. He muttered soft curses. Hinawakan niya ang bewang ko kaya naman bigla akong napapitlag kitang kita ko ang gulat niya at ang pagtataka dahil sa ginawa ko, shit? Naramdaman niya kaya?

“Pwede ba Altus? Lubayan mo na ako! Leave me alone!” Napahawak ako sa aking bewang, pumikit ako ng mariin. And I feel like my chest is tightening up. 

“I’ll leave once you agreed to me” He said firmly.  Matapang niyang sabi sa akin. Nilebelan ko ang tingin niya sa akin. Nagtatakang tinignan ko siya. 

“Agree to what?”  iritadong tanong ko sa kanya. I don’t want to deal with stress please. 

“To marry me” He said without any remorse. 

Nailing ako, okay fine. But don’t expect too much!

“Kung ready kang ipakilala ako sa parents mo na pokpok ako at ilang lalaki na ang nakatikim sa akin bago ka, kaya din kitang ipakilala sa mga magulang ko, that you were not in love with me but you’re forcing me to marry you for unknown reason. If you are okay with it, I am not. But if you want to push it, I will marry you. In one condition…” I bravely said it. 

“Anything you want baby…” He said 

“Let our parents decide.” 

“Okay”  He agreed easily. 

“Let’s see, then.” I crooked a smile before turning my back on him. 

Yun lang ang sinabi ko at agad kong isinarado ang kwarto ng aking kwarto para hindi na siya makapasok. Agad kong tinext ang kapatid ko upang magkita ulit kami. I can’t afford to this!

Be strong, Priya.

 

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32