CHAPTER 13
DIARY OF A NYMPHOMANIAC
“Nahihibang ka na ba talaga Priya? Nagrerklamo na si Doctor Smythe sa akin! Ikaw pa naman ang paborito nun at hindi ka na daw ba talaga papasok pa? Asan ka ba ngayon? Bakit hindi ka manlang dumalaw sa school! Ako ang pinagkakaguluhan dito!”
Hindi ko pinansin ang mga sinasabi niya ng makalabas ako ng aking kotse, it’s been two months sino nga namang hindi magtataka sa pagkawala ko diba? The worst thing is medyo halata na din ang bump sa tiyan ko, although hindi pa ito ganoon kalaki pero sa pangangatawan ko ay mahahalatang buntis ako! Mukha na nga akong losyang dahil sa pagdadala ko dito sa batang ito eh!
Papunta ako sa Oby-gyne ko dahil may weekly schedule ako sa kanya, well hindi pwedeng hindi ako magpapasched dahil first time ko ito at wala akong katuwang na ina para tulungan ako! I would be a disgrace in the family.
“Pasensya ka na talaga Jennie, I’ll drop by some other time okay? Paki sabi din yun kay Doctor Smythe okay? Pasensya na talaga! I need to go—“
“Ano? Makakarating it okay Altus!”
Binaba niya na iyon bago pa ako makapagsalita. Naiiling na napapikit ako ng mariin. Simula nung nag dinner kami ay lagi niya nang binabalita kay Altus lahat ng ginagawa ko at kung saan ako pupunta, nakakahalata na nga din ako na laging may nakasunod sa akin pero sadyang magaling ako magtago.
Pagkapasok ko ay agad kong nginitian ang Assistant ng Doctor ko. She’s Dra. Liu mabait siya sa akin kaya naman naging kumportable ako sa kanya. I smiled at her assistant as she guided me to the room. Napaupo ako sa sofa ng makita si Dra. Liu, she smiled at me sweetly.
“How have you been, Priya?”
“Dra. Liu, hanggang ngayon ay maselan pa din ang pang amoy ko at ganun na din sa pagkain natural lang ba ang bagay na iyon?”
Hindi ko alam pero kinakabahan ako dahil sa sisasagot niya! Baka nanganganib ang baby ko? Anong dapat kong gawin? Napapikit ako ng makaramdam ng kakaiba.
“Natural lang ‘yan, Priya don’ worry that much the baby is safe last time we check is matatag ang kapit niya sayo. About naman sa pagiging maselan mo it’s okay because it’s your first time having a baby, It’s part of the pregnancy. Do you drink your vitamins most of the time?”
Napangiti ako. Thank you, akala ko kung ano nang mangyayari sa baby ko, napahawak ako dito at ngumiti, I’m being emotional right now! Tumango ako sa kanya, wala akong sinuway na bagay na sinabi niya sa akin for the sake of my Baby. Hindi ko iyon sinuway.
Nag kwentuhan pa kami ng saglit ng nagpaalam na ako sa kanya, dahil may pupuntahan pa ako. I want to go shopping today, ang dami kong damit pero halos lahat ng iyon ay hapit na hapit sa akin, hindi ko na pwedeng isuot pa ang mga iyon dahil delikado na ako nab aka may makakita sa akin at malaman pa nilang buntis nga ako.
I’m wearing loose shirt, jacket, shorts and rubber shoes. Hindi na ako pwedeng mag sandals dahil baka madulas pa ako at mawala pa sa akin ang baby ko. Hindi ako makpapayag sa bagay na iyon. Kailangan ko na din bumili ng mga bagong damit, sapatos.
Lately din ay bumalik na sa dati ang hubog ng katawan ko, nag wowork-out ako at sabi naman ni Dra. Liu ay ayos lang daw iyon basta wag masyadong magpapaka pagod ng sobra dahil baka mapasama, ang problema nalang ay masyadong losyang na ako, kahit na maglagay ako ng make up ay mahahalata mo iyon, kung tititigang maige mukha akong may sakit.
Pumasok ako sa isang Make up store at agad namang may nag-assist sa akin, nginitian ko siya at dumiretso sa lipstick section. Namiss ko nang mamili masyado na din akong nagfofocus sa batang nasa sinapupunan ko.
“Ma’am bagay po sainyo itong Matte Red namin maganda naman po ang lips niyo!”
“Talaga? Pwede ko bang itry?”
Tumango siya kaya naman kinuha ko iyong naimuwestra niya sa akin at agad ko iyong inilagay sa aking labi, natuwa ako sa kinalabasan kaya naman kinuha ko ito kasama ng isang nude lipstick, nakabili din ako ng kulang sa make up kit ko at agad na nilisan ang lugar.
Nang makita ko ang paborito kong store ay agad akong pumasok duon. Madami akong napamili na mga palda at mga shorts na komportable sa akin, mas madami nadin ang binili kong damit na medyo malaki ang size sa akin, syempre para sa baby ko!
Kakain na ako, iginala ko ang mga mata ko para sa posibleng restaurant na pwedeng kainan, ngunit siyang Antique Store ang nakita ko kaya naman agad akong pumasok duon para makita ang loob, hindi ako napapadpad sa lugar na iyon kaya naman hindi ko alam.
“Good morning Ma’am, welcome po”
Nginitian ko siya at pumasok na ako sa loob. Ang ganda, hindi ko mapigilang mapigilang mangiti ng makita ang isang Chandelier sa itaas niyon, para bang galing pa ito nung mga nakaraang siglo, muling iginala ko ang mga mata ko ng makita ang isang bagay na pumukaw sa aking pansin ay ang isang kwintas.
Agad ko itong kinuha at lalo akong na-amazed ng makita ang pagbagsak ng snow sa hugis bulb na disenyo ng pendant nito, pares ng silver na kwintas. Kapag binaliktad mo ito ay babagsak ang snow sa kabilang bahagi, para bang dalawang mundo, ang isa ay madilim at mapayapa ang isa naman ay puno ng pighati at sakit.
Agad na lumapit sa akin gang isang babae ng makitang kinuha ko iyon sa lalagyanan. I turned to her and smile.
“Ma’am you have a good eyes with things po!”
“Ang ganda nito”
“That necklace is what we called the Oracle of Sacred Passion”
Nagkunot ang noo ko, may ganito pa palang pangalan ang bagay na ito?
“Oracle of Sacred Passion?”
“Medyo mahiwaga po ang necklace na ‘yan Ma’am kasi simula nung nagtrabaho ako dito ay ni hindi manlang yan nabili Ma’am, tanging ngayon lang po iyan, nabili at kayo po ang maswerte sabi po ay namimili daw po ang Oracle of Sacred Passion ng magmamay-ari sa kanya, swerte daw po iyan, kung titignan niyo po yung dark part ng bulb sa ilalim may nakasulat po dun, hindi po namin sure kung Kanji or Chinese character po”
“That’s an interesting story” I smiled
Hanggang ngayon ay hindi ko pa din maalis sa isip ko ang naikwento niya sa akin, hindi pa nga natapos dun ang kwentuhan namin kung hindi lang tumunog ang sikmura ko ay hindi pa ako aalis sa Antique shop na yun.
Nagyon ay kumakain ako ng isang buong chicken, yun ang gusto ko kainin ngayong araw na ito. Habang kumakain ako ay hindi ko na manguya ng maayos ang kinakain ko ng marinig ang isang pamilyar na boses. Shit!
“Pranpriya? Pranpriya!”
Nilingunan ko siya at pilit na ngumiti sa kanya, this is just coincidence! God! Hindi na niya ako pinag-antay pa na magsalita at agad na dinaluhan ako sa aking kinauupuan, hindi niya pinansin ang pagkaing kinakain ko dahil siguro sa tuwa niya sa akin.
“Zach!”
Pinilit kong magtunog excited sa pagkikita namin pero mukhang nahirapan ako. Agad kong sinubo ang pagkain ng wala na akong maisip pa na sabihin sa kanya.
“How have you been? I’ve been texting you but you didn’t even answered!” he sounded off.
“Pasensya ka na ah? Medyo busy lang kasi ako ngayon” Pagpapalusot ko. I hope he buy it.
Napatango tango siya sa sinabi ko at bigla akong nginitian! Tangina.
“Hinahanap ka sa school lalong lalo na ni Doctor Smythe! Gusto mong pumunta bukas? Sasamahan kita—“
Natigilan siya at ako dahil bigla niyang kinuha ang kinakain ko, sinamaan ko naman siya ng tingin.
“Hindi ko alam na ganito ka pala kalakas kumain! Puros cholesterol ito, Priya ah? Grabe ka!”
Humalakhak siya sa sinabi niya kaya naman natawa na din ako, namiss ko siya pero hindi siya dapat makahalata!
“It’s been two months at ang dami na ng pinagbago mo! We should catch up!”
Tumango tango naman ako sa kanya, hindi ko alam pero namiss kong makipag usap sa mga taong dati ay halos araw araw kong nakikita! Gosh, this is so insane!
I need to worry less, from now.
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32
0 thoughts on “Diary Of A Nymphomaniac”