Download Story.

close

Diary Of A Nymphomaniac

Written By: foxybeee       |       Story Status: Completed
Posted By:
foxybeee

CHAPTER 12

DIARY OF A NYMPHOMANIAC

 

Ano? Nananaginip ba ako? Tama ba ang narinig ko? Kailangan ko bang iumpog ang ulo ko? Tangina. Gusto ata akong patawanin nitong si Altus e! Sa dami naman ng lolokohin mo bakit ako pa? Tang ina lang diba? Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o lalo akong maiinis sa lalaking nasa harapan ko.

Hinagilap niya ang mata ko at kitang kita ko sa kanyang mga mata na totoo siya sa mga sinabi niya sa akin. Hindi ko alam, ano ang dapat kong gawin? Diba’t desidido ka na Priya? Hindi porket sinabi niyang pakakasal siya sa iyo ay matutuwa ka at lalambot ka na agad  sa kanya. Hindi tama ‘yan!

Nagkunot ang noo ko at agad na binawi ang sarili sa pagkakasabi niya nun. Tumayo at inilingan siya. Ang itsura niya ay para bang tinatanong ako kung anong nasabi niyang mali sa akin. Inilingan ko siyang muli.

“Nagpapatawa ka talaga, Altus? Gusto mo akong pasakalan?”

Natatawa akong naglakad papunta sa aking Drawer upang kumuha ng damit, kailangan kong umalis sa araw na ito, lalo na’t kailangan kong kitaain ang kaibigan ko. Hindi pwedeng nandito lamang ako at nagmumukmok.

“Why not? Kung hindi ka pa handa ay handa akong mag-antay.” He said na para bang okay lang ang lahat. 

“At siguradong sigurado ka na may hihintayin ka talaga? Altus! Come on! Nasa kasalukuyan na tayo! Mukhang napagiiwanan ka na ng panahon ah? Masyado pa akong bata at ikaw naman ay masyadong busy sa buhay mo? Ngayon ay nag ooffer ka na papakasalan mo ako? Nahihibang ka na ba? At ano sa tingin mo ang isasagot ko? Na papakasal din ako sayo? NO WAY!”

Kitang kita ko ang pagtatangis ng kanyang panga. Para bang gusto niyang manuntok, napahilamos siya sa kanyang mukha, Ano tatagal ka pa kaya sakin kung ganito ako araw araw? Siguro ay hindi dahil lahat ng gusto mo ay madali mo lang nakukuha. Humakbang siya papalapit sa akin. Sinusuri ang bawat kilos ko, ang mga mata ay matalim na direktang nakatingin din sa akin, hindi ako magpapatalo sayo! Hmp!

“Then give me a good reason, a reason that can be acceptable why you don’t want to be married to me?” He look serious and lethal right now, his eyes are darted to mine. 

Ang boses niya ay punong puno ng pagmamakamaawa napatikhim ako nang hawakan niya ang siko ko kumukuha ng lakas mula sa akin at ang aking lakas ay tuluyan nang nawawala hindi ko na din alam dahil mawawala na yata ako sa sarili kong katinuan.

“I believe that you should love that person truly and deeply when it comes to marriage! Marriage is a big deal to me! You should be selfless, more understanding, caring, loving enough until the end that you come up to the point you don’t want to lose that person that’s why you’re tying it into a marriage, and to my point… I’m exactly not into you that mean I don’t love you that I would agree to your marriage proposal!”

Kitang kita ko ang sakit sa mga mata niya. Tangina ang galing mong magsinungaling Pranpriya! Just to push him away you’ve come up to this point? Pero tama naman diba? Kung ang isang mali ay hindi mo itatama ng mas maaga mas malaking apoy ang malilikha sa kasalukuyan. I’m sacrificing my youth and my own child for his freedom! To let him play and be happy all the way without thinking that he had already a child at the very young age!

Dang! Kung may best actress award siguro ay ako na ang nag-uwi ng tropeyo!

“Then why don’t you try me?” He challenge me. 

He pleaded, lalong humigpit ang kanyang hawak sa aking siko. Tangina, onti nalang bibigay na ako sa kanya. Miss na miss na din kita altus, at gustong gusto kitang pakasalan, gustong gusto kong maging asawa mo. Halos maiiyak na ako pero hindi ko iyon pinakita sa kanya, iniwaksi koi yon. Hindi ka pwedeng panghinaan sa harapan niya!

That would be your greatest downfall!

 
“Ano? Hibang na hibang ka na ba talaga at namimilit ka na ngayon ng babae para lang pakasalan ka? No way! I won’t fucking do that! Hindi ako magpapakasal sayo o kahit na kanino! Now leave me alone!”

Hinaklit ko ang braso ko sa kanyang pagkakahawak at mabilis na nilagpasan siya, Priya! Ayusin mo ang utak mo hindi pwedeng ganyan ka! Kailangan mong magmatigas. Lumabas ako ng aking kwarto at agad naman siyang sumunod sa akin.

No, no baby. I need you to be freed from any barriers.

“Then, I won’t stop.. I won’t stop pursuing you, so you can fall for me—“

“Bahala ka sa buhay mo! Gawin mo ang gusto mo! Wala akong pake! Wala ka ding mapapala sa huli!”

Hinarap ko siya, ang mga mata niya ay nagsusumamo naghahanap ng pagmamahal, mamulamula na ito at ang kanyang bibig ay naka awing tila ba pinoproseso pa ang sinabi ko, habang nakatingin sa akin.

Altus, you don’t have to pursue me, because I’m all yours, you don’t need to make me fall inlove with you because I’ve already did, I fall hard that I need to stand on my own.

“Okay, let’s get this straight then? Altus, are you in love with me?”

Napapikit siya ng mariin at ng imulat niya ang kanyang mga mata ay agad siynag tumango, hindi makapaniwala saglit pa akong natameme sa sinabi niya at kalaunan ay tinawanan ko siya, napasapo ako sa aking noo. Tangina! Pinaglalaruan mo ba talaga ako?

Tinignan ko siya ng punong puno ng pandidiri bago binigkas ang mga salitang hindi ko dapat sabihin sa kanya ang mga kasinungalingan ko.

“Hindi mo pina-iisipan lahat ng desisyon mo. What would you say to your parents when you introduce me to them? Eto si Priya, I met her in my bar, barged in my office and made love with me, she’s my fuck buddy, now you’re offerring me marriage and here I am asking if you really love me and you can’t fucking answer me. Pwes, hindi ko kailangan ang pagmamahal mo! Leave! Now!”

Hindi na siya umimik at dahan dahang umalis sa bahay ko. Hindi ko na napigilan lahat ng luha ko sa aking mata. Sapo sapo ang aking mukha ay humagulgol ako ng malakas, anak tama ba ang ginawa ko? Napahawak ako sa aking tiyan, kapag ba nalaman mo na hindi ko hinayaan ang daddy mo na magpakasal sakin ay magagalit ka?

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sobrang sakit na ng dibdib ko, ang mga mata ko ay masakit na din sa kakaiyak. Hindi ko na alam, gulong gulo na ako.

“Altus, mahal na mahal kita…” I whispered softly as I sadly smiled.

Gumagala ang mga mata ko sa buong paligid habang sunisimsim ang aking coffee. Maganda naman ang buong lugar, naapreciate ko din ang magaang ambiance ng restaurant, nakatunganga ako habang nasa aking harapan ang aking pagkain mukhang naparami ata ang pagkaing nai-order ko ah?

Nasabi na din sa akin ng doctor na dahil sa batang dala ko ay magcracrave ako ng magcrave sa mga pagkain at, higit sa lahat ay magiging sobrang maselan din ako sa mga bagay bagay. Tinawag ko ang waiter upang mag-order ulit. Agad naman itong pumunta sa akin sabay ngiti.

“Ma’am, do you need anything?”

“I want fried shrimps and blackberry cake and give me a glass of water”

Ngumiti siya at tumango tango pa. “Anything else Ma’am—“

“Wait”

Pigil ko sa kanya ng makita si Jennie na pumasok, kumaway ako kaya naman agad niya akong nilapitan. Nginitian ko siya, samantalang ang tingin niya ay ang nasa aking lamesa, maybe wondering sabay balik ng tingin sa akin ng masama at bumaling sa waiter upang kuhain ang menu sa kanya.

“Ang tagal mo, kaya nauna na ako” Reklamo ko sa kanya.

Umismid lang siya at hindi na ako binalingan dahil busy siya sa pagtingin sa menu. Hmp! Ang taray taray naman! Ngumuso siya bago bumaling sa waiter at ibinigay duon ang menu.

“Pasta El Pimento, Avocado shake, Braso De Mercedes and a glass of water”

Tumango ang waiter at bumaling sakin.

“Okay, your orders will be served in 10 minutes”

Nginitian ko nalamang ito ng maka alis naman ang waiter ay agad akong bumaling sa aking kaibigan ang kanyang kilay ay nakataas na, habang ang isang siko ay nakatuon sa lamesa bilang suporta sa kanyang mukha na sapo sapo ng palad niya. Alam ko ang galawan ng isang ito.

Ngumuso ako at muling ininom ang kape ko. Hindi ko alam pero matetensyon ba ako? Papagalitan niya ba ako dahil hindi ko siya hinintay? Tsk!

“Pranpriya, are you okay?”

Yan na ang mga mata niya na masuring pinanonood ako habang hinihiwa ko ang donut sa aking plato, sinubo ko muna iyon at binigyan siya ng isang matamis na ngiti at tumango tango pa sa kanya. Assuring her that I am totally fine. Shit.

“Are you in your period, kaya ganito kadami ang nai-order mo?” Kunot noo niyang sabi. Umiling ako. “Then, why are you like this?”

“Why am I like this? Masama bang kumain ng madami, Jennie? Nagcra-crave ako eh!”

Giit ko, hindi na muna ako nagsalita at ganun na din siya. Pilit na inoobserbahan ang ginagawa ko, ang mga kilos ko. Hindi ko alam kung aamin na ba ako sa kanya o hindi pa mapagkakatiwalaan ko naman siya pero parang hindi pa ako sa mga bagay bagay. Nang naubos ko ang donut ko sa aking pinggan ay ang siyang pagdating ng waiter.

Pagkalapag niya ng mga pagkain sa harap namin ay natuwa ako dahil siguro sa shrimp! Agad niya namang tinanggal ang mga pinggan na wala nang laman sa aming lamesa. I glanced at my bestfriend, she’s sipping on her avocado shake why looking at me intently.

“Why? I called you, for you to accompany me and catch up!” I beamed.

“Isang buwan ka ng hindi pumapasok, lahat ng professor natin ay hinahanap ka madami na din ang nagtatanong sa akin kung nasaan ka ba o ano ang pinagkaka abalahan mo? Pranpriya, look at you! Your gaining weight! At tignan mo, ano itong suot mo?”

“Atleast natapos ko ang thesis, yun ang mahalaga.”

Naiiling siyang umayos sa kanyang upo at agad na pinakealaman ang pagkain niya. Napatingin naman ako sa aking damit. I’m wearing a loose hoodie with a cat in print to it, and jeans and a pair of flat boots.  Anong mali sa suot ko?

“Ayos naman ang suot ko ah?”

Binalingan ko siya. She’s wearing a crop top paired with a high waist maong skirt and sneakers. She looks like a city chic. So classy and fancy.

 
“Ayos lang ang suot mo? This isn’t your style Priya! Never in my life na nakita kitang ganito, and you’re not even wearing a make up! Mukha ka ng losyang! At tignan mo pa ang mga kinakain mo, puros pampataba! Ma cholesterol! So much sugar! Aren’t you maintaining your model figure huh?”

Halatang halata na sa kanyang tono na naiinis siya sa mga inaasal ko. I know her, kilalang kilala niya ako kaya naman hindi ako makapag rason ng kung ano ano sa kanya. Kinakabahan ako! Tang ina! Hindi ko siya pinansin at agad na kinain ang mga nasa aking harapan.

I can’t be depressed because of what she’d said, alam kong nananaba ako, alam ko ding medyo mukha na akong losyang at kaya naman ako nagsusuot ng mga ganitong damit ay dahil medyo nagkaka baby bump na ako. Hindi iyon pwedeng makita! Delikado ako!

“Aren’t you gonna attend in school?” Atat niyang tanong. “Nung nakaraang buwan ay may naghahanap sayo, he’s famous, rich and… hot. Is he one of your fuck buddies? Zachary was fuming mad at him! You know why? Because that Mr. Mercadi of yours punched Zachary straight to the face, my goodness!”

Napagitla ako sa sinabi niya, hindi ko alam kung lulunukin ko ba ang kinakain ko o iinom ng tubig, sa huli ay agaran ko ding nilunok ang kinakain ko para makapagsalita na sa kanya. Umiiling iling naman siya sa akin. 

“Wait, why did he do that to Zachary?”

“Because he found out that Zach is also one of your fuck buddies”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. What the hell? Bakit niya ginawa iyon kay Zach! Hindi tama ang bagay na iyon! At ano naman sa kanya kung fuck buddy ko si Zach, pero nung pumunta naman siya sa condo ko ay parang ayos lang naman sa kanya. Ni hindi nga siya nagalit sa akin!

Pinangakuan ka pa nga niya ng kasal Priya diba? So, ano iyon? Is he going for a revenge? At bakit naman? Dahil nalaman niyang may mga fuck buddies ako? Eh ano naman sa kanya? Eh siya nga e! Bwiset siya!

“Pranpriya, boyfriend mo ba yung si Mr. Mercadi?” Mataray na turan niya. Umiling agad ako sa kanya. “Then, why is he acting like that towards you huh? Do you like him? Last time he talked to me and he needs your address because the two of you argued on something and did you both settled it down, Pranpriya? It seems like one of your fuck buddies is meddling with you fucking life huh? And you did nothing to do with him, nor stop him from being so possessive to you? That’s new to me, mind explaining?”

Halos mapalunok ako ng sunod sunod sa mga tanong niya sa akin. Tangina naman kasi eh? Kung sabihin ko na kaya sa kanya na nabuntis ako ni Altus pero hindi niya alam na buntis ako at anak niya ang dala dala ko.

Napakagat ako sa aking labi at nagsalita.

“He’s one of those possessive fuck buddies, and lately he offered me… marriage”

Laglag ang panga niya at nakatingin sa akin, ang mga mata ay biglang bigla dahil sa panlalaki nito. Sabi ko na e, kung idugtong ko na nabuntis niya ako?

“He.. what?”

Tila ba hindi pa siya nakaka recover sa bagay na iyon. Napapikit ako at inulit ang sinabi ko.

“He offered me marriage”

“What? Wait what the hell? He’s one of those famous Manila Bachelors and now he’s offering you a marriage even though you and him are both fuck buddies here? Damn! Tinanggap mo naman ba ang offer niya?”

Ngayon ay nakikita ko ang silaw ng ngiting tinatago niya. So gusto niya si altus para sa akin? Dahil ba mayaman, gwapo at may pangalan ito? But.. umiling ako sa kanya kaya naman padarag niyang ibinagsak ang kubyertos kaya napatuwid ako sa aking kinauupuan. Tangina, nagiging magulatin na ako ah!

“Ano? Bakit naman hindi?”

“Jennie, hindi ko siya mahal at isa pa masyado pa akong bata at fuck buddies kami alam niya ‘yon, no strings attached just lust”

Napakagat ako sa aking mga sinabi. Tangina. Ang galing mong magsalita ng mga kasinungalingan Priya, panindigan mo yan! Umiiling iling siya at muling binalingan ang pagkain ko. Babanat na sana ako sa batang nasa sinapupunan ko kaya lang nagsalita siyang muli.

“Maybe this is the right time to settle down, Priya? Leave that life and get tied to him. I think he liked you?”

Umiling ako, hindi yan totoo.

“I bet he’s not. Ano ka ba naman Jennie! Syempre hindi, I want to enjoy my life and I don’t care about his feelings towards me.. all I want to him is his hard shaft inside me”

“Makakahanap ka din ng katapat mo”

Walang preno kong sabi sa kanya at nginitian siya, nailing siya at para bang sinusuri parin ang kilos ko. Nahanap ko na ang katapat ko Jennie, and he’s Altus. Napangiti ako ng mapait habang sinusubo ang shrimp at bumabaling sa paligid.

Ilang sandal pa ay tumunog ang telepono niya, sumulyap muna siya sa akin at ipinakita ang screen duon. Altus Mercadi is calling her? But why? Bakit naman siya tatawagan ni Altus? Napakunot ang noo kko dahil duon, aqgad niyang sin-wipe iyon at nai-loud speaker.

Tang ina anong binabalak niya?

“Yes, hello?”

“I heard you’re with my fiancée?”

“Yes, we’re eating lunch as of the Moment, Altus”

“Where is she? Is she okay?”

“She’s in the bathroom, right now. She’s all okay, bakit hindi siya ang tawagan mo o kaya naman ay bisitahin mo siya? Gusto mo ba siyang makausap? I’ll put her, once she’s here”

Napailing ako sa sinabi niya. I said no, with a voice. Umiling din siya. He’s checking on me. Damn!

“No, that’s fine. Thank you”

“Okay, bye”

Binaba niya na iyon at nawalan na ng tinik ang dibdib ko dahil sa ginawa niya. She smirked at me habang ako naman ay naka pout.

“He calls me often, just to check if his fiancée is okay. I didn’t know that you’re engaged huh?” She’s mocking me. I smiled sweetly.

 

“I’m no one’s fiancée, Jennie.”

 

“But he declared it, Priya. You’re one hell of a lucky”

Tila ba napalunok ako duon. Oo, sobrang swerte ko sa kanya pero hindi pwede, wala akong magagawa. All I want him is to free by the obligations he’ll faced with me.

 

I’m his Biggest Karma. 

 

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32