Download Story.

close

My Professor Mafia Boss Is My Husband

Written By: Sweet_Angel-27       |       Story Status: Completed
Posted By:
Sweet_Angel-27

κ§πŠπ€ππ€ππ€π“π€ 1꧂

ππ˜π‹π€ππ˜π„π‘ ππŽπ•

Nandito ako sa harap ng bahay namin. Dahil sabado ngayon so means walang pasok pero ayon nga wala ang asawa kong magaling sa lahat-lahat ng bagay.

Ang sakit ng treatment o pakikisama niya sa akin na para bang hindi ako nag eexist sa paningin niya, sabagay pinilit lang naman siya na pakasalan ang isang tulad kung isip bata, pero masisisi niyo ba ako kung ganito na talaga ako.

Anyway nasaan na naman kaya nagsusuot ang yawang iyon. Haller weekend ngayon, siguro binibwisita na naman niya ang mga babae niya.

Tsaka lagi kong iniisip ang bagay na ito na kung kailan niya kaya ako mamahalin tulad ng pagmamahal ko sa kanya.

Maganda naman ako, gold pa mata ko partida rare lang kaya ang mata ko, sexy, medyo matangkad, tsaka totoong nagmamahal sa kanya. Tsked.

Hayst buhay talaga, nagmamahal lang naman ako. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko.

Yung tipong ang sakit-sakit na, na para bang nalulunod ako dahil wala man lang sasagip sa akin, yungtipong pinapatay ka ng paulit-ulit sa tuwing kasama niya ay iba at hindi ikaw iyon. Feel me.

Kahit Kiss nga lang sa pisngi okay na okay na ako, kuntento na ako, basta bigyan niya lang ako ng time kahit saglit lang naman, dahil asawa pa rin niya ako.

Yes time lang naman ang hinihiling ko. Alam niyo ba na kahit ‘HI’ o ‘HELLO’ wala rin akong natatanggap mula sa kanya. Ansakit, ansakit-sakit lang talaga.

Hmmm kaysa magmumuni-muni ako dito at inaalala ang mga nangyayari sa akin ay tinatawagan ko nalang si Mae. Kasi gusto ko muna gumala sa Mall, para hindi ako nabobored at iba-iba ang mga iniisip ko tsaka baka mabaliw lang ako dito.

“Hello!”-bungad ko sa kanya dahil wala pang isang minuto ay sinagot na niya.

“Bakit? Napatawag ka!”-bungad niya sa akin. Wow lang, tsked napakasungit, parang pa laging galit sa mundo hayst buhay talaga naman.

“Tsked, Mall tayo!”-sabi ko sa kanya, habang kumukuha ako ng damit ko sa walking closet ko, para sa susuotin ko.

“Sige ba basta libre mo, you know naman na wala akong money, ang saklap ng buhay ko, namamalimos sa mga taong umaayaw sa kagandahan ko,”-mahabang saad niya, the hell. Hindi ang pagdadrama niya ang unang pumasok sa isip ko, kundi ang libre. Mukha talagang libre ang isang ito sarap niyang ipahalik sa pwet ng kabayo. Char lab-lab ko kaya ang bespren ko.

“Ok fine, ililibre kita and susunduin na kita to your apartment,“-sabi ko sa kanya habang nagpapalit ng damit, tsaka gusto kung may makasama lang ako. Napapangiti pa ako ng maalala ko na ako pa talaga ang driver niya, ang hayop Hahaha char.

“Yes thank you bespren,”-sagot niya sa akin sabay tawa pa ang gaga. See napaka plastik niya char.

“Walanghiya, pero ikaw pa malakas ka kaya sakin. Ang plastik mo Alam mo ba ‘yun,”-sabi ko sa kanya habang tumatawa pa, at ganun din siya.

“I know, I know, huwag mo ng ipapaalala, anyway see you bebz,”-sabi niya sa akin, see alam niya na plastic siya Hahaha.

“See you too!”-pinatay na ang tawag. Tiyaka nakatingin sa mahabang salamin sa harapan ko, at ngumiti. And I’m alone now, oo nag-iisa na lamang ako, my parent left me, I have husband but he never care nor love me. Masakit. Napangiti muna ako, habang nakatingin sa salamin at tinititigan ang malungkot kong mga mata.

“Tama na Nylan, I know your strong, so smile na,”, sabay ngiti ng mapait. What’s wrong with me? Tsked ewan.

Pumanhik na lang ako sa loob ng kusina na tahimik, tahimik kasi walang katao-tao sa tahanan namin tsaka para makapag bihis na rin ako at mailigpit ang tasang pinag inuman ko ng kape.

Pagkatapos kong hugasan ang tasa ay kinuha ko na ang towel ko at pumasok na sa banyo para maligo, susunduin ko pa ang dakila kong kaibigan.

~Ibibigay ko naman ang lahat
Buong puso’t kaluluwa
Ngunit ako’y binaliwala
Pinagpalit mo sa iba~

~Hindi na ako, iibig pang muli
Ayaw ko ng masaktan pang muli
Tama mo na sa akin
Ang mag-isa sa isang tabi~

~Hangga’t hindi ko pa kayang
Magmahal, magmahal pa ng iba
Hahahaha owooohhh ohhh~

Kumakanta ako sa loob ng banyo habang naliligo, heto kasi ang nagpapakalma sa akin sa tuwing malungkot ako. Tsaka pampatanggal lang ng stress, ayaw ko kayang ma-stress ng dahil sa mga kaganapan na nangyayari sa akin ngayon.

Pagkatapos kong maligo ay dumiretso ako sa aking kwarto, oo kwarto ko dahil magkaiba kami ng kama ang galing diba, tsaka ayos na din ito para iwas you know. Tsked.

I choose short at damit na off-shoulder. Ngayon ko lang napansin na hapit na hapit ang magaganda, makikinis at mapuputi kong legs. Ang sexy ko naman talaga pero hindi man lang niya nakikita. Bahala na nga siya sa buhay niya.

Naglalagay lang ako ng lipgloss at pulbo sa mukha and nag flat shoes lang ako kasi hindi naman ako masyadong maliit. Katamtaman lang kumbaga hanggang balikat nga ako ng asawa ko kuno.

Tinignan ko ulit ang ayos ko sa salamin. Kitang-kita ko pa ang lungkot ng aking mga mata. Ewan ko ba, naging ganito na ako ng mawala ang mga magulang ko sa puder ko.

Kahit ayaw ko ng banggitin na ang mga magulang ko, pero miss na miss ko na sila. Kahit wala na sila ay talagang inasikaso nila ang pagpapakasal ko, sa taong hindi naman talaga ako mahal.

Tsaka kitang-kitang ko pa ang maganda kong mukha na nagrereflect sa salamain, kaya ngumiti nalang ako ng pilit. Bago ako tumayo para kuhanin ang wallet, cellphone tsaka inilagay sa sling bag ko at syempre kinuha ko na rin ang susi ng kotse ko sabay takbo. Dahil 2:00Pm. na pala ng hapon.

Pinaandar ko na ang sasakyan ko, at pinaharurot na iyon, napapatingin pa ako sa paligid ko habang nakatutok sa daanan, marami na talagang nagbago. Yung malinis na tanawin ay naging marumi na. People change, and world changed too.

Nang makatapat ako sa guard house ng subdivision namin ay binusinahan ko ang guard at lumabas naman ito kaya ngumiti ako sa kanya.

“Manong guard pwede po bang pakisabi na lang po sa asawa ko na mag ma-mall ako sandali,”-sabi ko sa guard na nagbabantay sa gate.

“Sige po Mrs. Goggins makakaasa po kayo,”-sagot naman niya sa akin, kaya napangiwi ako ng tinawag niya pa akong Mrs. Goggins, kikiligin na sana ako, pero hindiΒ  ko nalang tinuloy, wala naman dapat ikakilig. Kasi nga di naman niya ako gusto.

“Salamat po,”-sabi ko nalang tsaka sinarado ang mirror ng kotse ko.

Bumusina muna ako bago ako umalis sa lugar kung nasaan siya, at kumaway naman ito pabalik sa’kin.

Napapailing nalang ako habang bumabyahe ako papunta sa apartment ni Mae. Alam kung nakasimangot at inip na inip na ang gagang iyon. Kayak mas binilisan ko nalang ang pagpapatakbo.

Malayo palang ako ay tanaw ko na ang bruha, halatang kanina pa SIYA naghihintay kasi para siyang ewan na binubulong sa hangin, kumbaga ay pulubi sa lagay niyang nakaupo sa may bangketa, kulang nalang ang alak at sigarilyo sa harap niya.

Kaya ng makalapit ako sa sa kanya ay binusinaan ko pa siya na nagpatalon sa kaniya ng gulat kaya binaba ko na yung bintana ng kotse ko.

“Gaga kanina ka pa diyan?”-tanong ko sa kanya dahil nakabusangot siya habang nakatingin sa akin ng nakakatakot, na akala mo ay sasakmalin na niya ako.

“Oo kanina pa, Filipino time talaga,”-sabi niya sa akin at padabog na naglakad paikut at hindi lang yan ang ginawa Niya dahil sinabayan niya ng paghirap ng tingin sa akin tapos sumakay na siya sa passenger seat. Napailing nalang ako, dahil sa inaasta niya. Kasi alam kung kasalan ko naman yun.

“Alam mo bebs ang swerte ko talaga sayo,”-tatawa tawang sabi ko na lang pampalubag loob ko sa kanya, dahil alam kung nagtatampo siya sa akin.

“Alam ko, kaya manahimik ka na diyan at malalate tayo sa appointment natin,”-sabi niya, ang sungit-sungit amputs. Tasked.

“Pfffftttt.. sungit”-natatawang sabi ko
Sabay pinaharurut ang sasakyan ko patungo sa mall. Nang makarating kami ay pinark ko sa parking lot ng mall bago kami lumabas at pumanhik sa loob. Ramdam ko pa ang malamig na tumatama sa akin na galing sa Air conditioner ng mall.

Ang laming parang lamig ng pagmamahal niya sa akin. Punyetang yawa.

“Kamusta na pala kayo ng asawa mo?”-biglang tanong niya habang naglalakad na kami papasok sa mall. Well siya lang naman ang nakakaalam kung sino ang asawa ko, at ano ang sekreto ko.

“Ayon, ayos lang, dati padin,”-malungkot na sabi ko tiyaka ngumiti sa kaniya.

“Hayaan mo na, nandito lang naman ako para sayo, support kaya kita sa ano mang bagay na nangyayari sayo, alabyoo”-sabi niya sweet niya talaga.

“Alabyoo too….but you know what bebz, bakit ganun, ano kaya ang kulang sakin, at ni hindi niya kayang tignan kung ano talaga ang totoong nararamdaman ko para sa kanya, alam mo iyon ang manhid niya,”-sabi ko sa kanya habang naglalakad-lakad lang kami sa loob ng mall.

“Walang kulang sayo bebz, kumbaga nga full package ka na, siya lang naman ang bulag sa inyong dalawa, kaya huwag mo na siyang iisipin ang mga bagay na iyan, nandito tayo para magpalamig ng ulo, so let’s go!”-natatawang sabi niya, habang ako ay malungkot na nakikinig sa kaniya habang tumatango.

“Tsaka nakikita ko pa siyang nakikipaglandian sa ibang babae pero pinabayaan ko lang siya, kasi mahal na mahal ko siya. Kahit niloloko niya ako ng harap-harapan mahal ko parin siya di ko yata kaya kapag nawala siya,”-naiiyak na sabi ko sa kanya

“Ssshhh tahana someday marerealize niya na mahal ka niya talaga pero huli na pala. Pabayaan mo siya kung ano gusto niyang gawin sa buhay niya dahil once na nawala ka sa piling niya, siya ang nawalan dahil pinakawalan niya ang totoo at seryosong nagmamahal ng tulad mo,”-sabi niya sa akin habang tinatapik-tapik ang likod ko.

“Yun nga bebs, pinapabayaan kuna siya kahit nasasaktan ako ng ganito, nagpapakamartyr na ako, kasi nga mahal na mahal ko ang damuhong iyon, almost 1 year na kami he-he-he,”-sabi ko ulit sa kanya.

“Halika ka nga dito,”-sabi niya sa akin kaya lumapit ako sa kaniya, naramdaman ko nalang na niyayakap na niya ako ng mahigpit na mahigpit.

“Wag kang mawawalan ng pag-aasa mamahalin ka rin ng gagi mong asawa, pero huli na dahil may mahal kana palang iba, pang Wattpad lang char, pero I know na di mo na kayang magmahal ng iba. Because sa tuwing tinitignan kitang nakatingin sa kanya ay kumikinang ang mga mata mo, hayst kaya ayaw kung magmahal dahil nakakamatay ang sobrang pagmamahal,”-sabi niya sa akin habang pinupunasan ang luha ko.

“Sana nga bebs, magdilang anghel ka sana,”-sabi ko sa kanya sabay bitaw sa pagyayakapan namin. Nasa may pinaka terrace kasi kami ng mall, yong open siya at nakikita mo ang mga naglalakad sa 1st floor.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad-lakad. Tiyaka kapag may nakita kaming typed namin o nagustuhan namin ay binibili namin ito agad-agad. Ganito lang ang ginagawa namin sa Mall.

At dahil sa nag-eenjoy kaming dalawa ay di ko namamalayan yung oras 7:00 P.m. na pala ng gabi, lagot ako nito, pero who cares?

Hindi naman siya nag-aalala sa akin. Pero uuwi na ako pagkatapos namin kumain gutom na kaya ako. Kaya niyaya ko ang kaibigan ko para kumain sa isang fast-food dito sa loob ng mall.

“Bebs kain muna tayo bago umuwi,”-sabi ko sa kanya.

“Hayst nakaramdam din sa wakas akala ko may balak bilhin ang buong mall na ito,”-sabi niya sa akin na ikinatutuwa ko hahaha

“Bakit hindi wahahahaha,”-sabi ko sa kanya habang napapailing pa.

“Oh siya bebs kumain na nga lang tayo. Kasi umaarburuto na naman ang kahanginan mo. Tsked di ikaw na mayaman sa bagay mayaman din asawa mo hayst, kanina may paiyak-iyak epek pa, iba talaga hahaha,”-sabi niya kaya hinila ko nalang siya sa isang kainan na nakita kong malapit sa amin.

Nag-order na lang kami ng fried chicken, rice, adobo, ice cream and juice. Sharap-sharap naman.

Habang kumakain kami ay biglang nag vibrate yung cellphone ko. Senyales na may text message kaya tinignan ko kung sino ito. Nang makita ko ang pangalan ng asawa ko ay binuksan ko ito.

From: Mr.ko
Where the fuck are you Nylanyer?

Yan ang nakalagay sa message niya pero diko nalang pinansin. Bahala siya sa buhay niya. Susubo na sana ulit ako ng magrinig na naman ang cellphone ko senyales na may tumatawag.

See tumatawag ang gago, may himala bang nangyayari ngayon, kasi ngayon lang naman niya ako hinahanap char But still diko parin pinansin, kasi nga ayaw ko siyang kausapin nagbubuga pa naman iyon ng apoy kapag galit.

10 missed call na, ang bilis naman.

“Bruha sagutin mo na kasi,”-sabi ng bestfriend ko na kanina papala nakatingin sa akin.

“Nah ah, hayaan mo siya, di kami close,”-badtrip kung sinabi sa kanya tapos ipinagpatuloy ang pagkain. Pero nag vibrate ulit ang cellphone ko kaya binuksan ko ang message niya.

From: Mr.ko
What the fuck Nylan answer my fucking call. Damn it.

Again, ang saya piling ko he cares about me na.

From: Mr.ko
What time is it Nylan. Fuck it.

Worried ba siya sa akin? Tsked bahala siya sa buhay niya, later ko nalang siya kakausapin. Pagkauwi ko.

Nang matapos na kaming kumain nagpasya na kaming umuwi. Dahil baka daw may sasabog na sa galit hahaha, natawa ako sa sasabog, baka ibang pasabog char. Hinatid ko muna si Mae sa bahay nila. Bago ako umuwi ng bahay namin.

~~~~~

Pagdating ko sa bahay 8:30P.m. na pala. At pagbaba ko pa lang ay naaninag ko na siya na masamang nakatingin at pinapanuod Ang bawat hakbang ko dahil ayon siya sa may pinto. Kinakabahan ako ng slight lang.

“Where have you been?”-tanong niya sa akin sa cold na boses.

Diyan-diyan lang, sinabi ko naman kay manong guard na sasabihin sayo kung saan ako pumunta hindi ba?”-sagot ko sa kanya at bubuksan ko na sana ang pinto ng hablutin niya ang kamay ko at sinanding sa may pader.

“I’m asking you Nylan, so you better answer me, fuck, halos halughugin ko lahat ng mall pero wala ni isang Nylanyer Ferrer-Goggins ang nakita ko,”-sabi niya sa akin habang ang lapit-lapit ng mukha niya sa mukha ko. Grabe.

“Diyan-diyan nga lang ako galing, ang kulit mo naman,”-sabi ko sa kaniya at bubuksan ko na sanaΒ  ulit ang pinto ay hinila na naman niya ako tsaka siya na mismo ang humila sa akin papasok sa loob ng bahay at pinuwesto pa niya talaga ako sa likod ng pintuan then diretso lock pa ang peg. Kinakabahan na talaga ako.

“Fuck Nylan, fuck fuck,”-sabi niya, na ikinaningkit ng mata ko sa kanya.

“Minumura mo na ako, kanina ka pa, pati sa text at ganun parin, nakakasakit kana,”-sabi ko sa kanya. Habang naiiyak na. Pero bigla nalang niya akong niyakap at take note yakap na mahigpit.

“I thought nilayasan mo na ako, na nagsasawa ka na sa akin, I thought may kumuha sayo, maraming bagay ang pumapasok sa isipan ko, natatakot ako, na baka ikaw ang kunin nila laban sa akin,”-sabi niya sa akin, naguguluhan ma pero grabe di niya talaga bagay mag tagalog, pero may pa thought, thought pa siyang nalalaman, bakit di siya magtanong sa guard para sinundan niya ako hindi ba. Hayst.

Di nalang ako umimik. Para wala ng gulo
Pero wow ah nag worried siya dahil wala ako sa bahay. Tiyaka wait lang, timeout dahil gusto ko pang ma feel ang 6 packs abs niya yummyyy char. Ano ba tong iniisip kung kalokohan at kabulastugan. Kabastusan na ata hahaha

“Kumain kana ba?”-pag-iiba ko ng usapan, dahil ang seryoso niya makatingin. Habang magkadikit ang noo namin. Ang lapit-lapit niya sa akin.

“Not yet,”-sabi niya pero nakayakap parin siya sa akin. Habang magkadikit ang noo namin. Ramdam na ramdam ko pa ang mainit niyang katawan, at mainit niyang hininga na tumatama sa batok ko. Gosh ano ba itong nangyayari sakin.

“B-bitawan mo na ako, at kumain kana bumili ako sa Drive thru,”-sabi ko sa kanya kahit naiilang ako sa kanya. Pero bumitaw naman siya sa akin. Kaya nakahinga ako ng matiwasay.

“Okay,”-sabi niya lang.

“By the way, hmmm saan ka galing maghapon?”-tanong ko sa kanya habang inaayos ang binili ko.

“School, meeting,”-sabi niya lang. Ang ikli niyang sumagot.

“Ah okay,”-sabi ko nalang sa kaniya at tinapos ang pag-aayos sa hapag kainan.

“Kumain kana punta lang ako sa taas magpapalit lang ako saglit,”-sabi ko ulit sa kanya. Pero tinitignan lang niya ako ng head to toe, narinig ko pa ang sunod-sunod niyang mura.

“Next time don’t use that kind of clothes if I’m not around, fuck them all who saw you wearing that kind of clothes, hmm or sisirain ko ang mall na iyon,”-sabi niya sa akin habang kumuyom at umiigting pa ang panga niya sa galit. Yan na naman tayo, galit mood again.

“O-okay f-fine s-sorry,”-nauutal ko nalang sagot, sabay takbo sa aking kwarto. Eh baka magagalit na naman talaga siya.

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52