Download Story.

close

BIG SHOT #1: RICKY

Written By: ROugeLips       |       Story Status: Completed
Posted By:
ROugeLips

Big Shot #1: Ricky ❣ Chapter Three ❣

Painful truth

I slid into the driver’s seat and tossed my shoulder bag at the passenger seat. My entire body was tense. I sighed and leaned my head against the steering wheel.

After a few minutes of silence, I heard a beep.

I ignored it and closed my eyes.

Another beep caught my attention.

I sigh exasperatedly and take my iPhone out of my pocket.

”I’m here sis. Where are you?”

Sis, huh?

I gripped my iPhone tighter as another memory of the past flashed in my mind.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko. “Kukuha lang ako ng tubig sa kusina.” Nag-aalalang sabi ko sa kanila dahil sa ginagawang paghagulgol ni Ate.

Tumango lang si Ricky nang hindi man lang ako sinusulyapan. Busy to sa paghagod sa likod ni Ate.

Masyado silang malapit sa isat-isa.

Tapos sobrang higpit pa nang yakap ni Ate kay Ricky.

Snap out of it Rain. Your sister is broken-hearted. Stop thinking about yourself. Stop your petty jealousy.

With that in mind, tinalikuran ko na sila para kumuha ng tubig sa kusina.

Medyo natagalan ako sa pagkuha ng tubig nang makita ko na walang tubig sa ref.

Bakit ba laging walang tubig tong ref. nato?

Binuksan ko nalang yung water dispenser at hinintay na mawala yung kulay blue na ilaw sa taas.

Nang makita ko na malamig na yung tubig, nagmamadali akong naglagay ng tubig sa basong hawak ko at naglakad pabalik sa sala.

Napahinto ako sa pagpasok nang marinig ko yung galit na boses ni Ate.

Napakunot noo ako at akmang hahakbang na papasok ng may marinig ulit akong nagsalita.

“But that’s the truth. I’ve been in love with you since the first time I saw you Tin. I can make you forget him. Just give me a chance to try.”

Muntikan ko nang mahulog yung basong hawak ko sa narinig ko.

“You’re my sister’s boyfriend.” Naguguluhan na sagot nito.

“We’re not really together.” Mahinang sagot ni Ricky pero parang bomba na tumatak sa isipan ko.

I feel numb. Humakbang akong papasok sa sala.

Nakita ko na magkayakap silang dalawa.

Nakita ko na lumayo si Ate kay Ricky nang masulyapan ako nito sa bukana.

“Rain!” Nanlalaki yung mga matang bulalas ni Ate habang humahakbang papalapit sa kinakatayuan ko.

I gave her a smile, pretending I didn’t hear their exchange. “Drink this Ate. You need this.”

Hindi ko alam kung paano kong napanatili na hindi umiyak o manginig sa harap nila. Ni hindi ko nga alam kung paano ko pang na-pwersa yung sarili ko na ngitian sila.

“Thank you.” Mahina na sabi nito habang inaabot yung basong binibigay ko.

Ricky is staring at me with a blank expression on his face. Ni wala man lang akong nakitang regret o guilt sa mga mata nito.

At sobrang nanikip yung dib-dib ko dahil don. Hindi ko alam kung dahil sa heartache o self-pity.

Silence followed.

Finally, Tin broke the silence. “I’ll just go to my room.” She whispered. Mailap yung mga mata nito sakin.

Tahimik na sinundan ko lang to nang tingin habang umaakyat si Ate papunta sa kwarto nito.

From the corner of my eye, nakita ko na humakbang si Ricky.

I’m sure. He’s going to follow her.

I swallowed hard as my eyes tear up.

Bakit hindi man lang sya makapaghintay? Hindi ba talaga importante kay Ricky kung ano man yung pwede kong maramdaman?

Alam ko naman na hindi nya ako mahal. Pero kelangan ba talaga ipagsupalpalan pa nya yon sa pagmumukha ko?

Two month.

Dalawang buwan kong niloko yung sarili ko na may patutunguhan tong relasyon nato.

All my emotions poured into me and I can’t mask it any longer. I grabbed his arm nang mapadaan to sa tapat ko. I looked at his face. “Please don’t.” Nahihirapan kong pakiusap dito.

I’m already crying. Kahit anong pigil ko patuloy lang sa pagbagsak yung mga luha ko.

Ngayong araw lang yung hihingiin ko.

Don’t leave me!

Choose me!

Kahit ngayong araw lang, ako naman ang piliin mo.

Ako naman ang tignan mo.

Ako naman ang isipin mo.

He sighed. “I’m really sorry. She needs me.” Sagot nito ng hindi man lang ako tinitignan habang inaalis yung pagkakawak ko sa braso nito.

But I also need you.

Nanghihina akong napaupo pabalik sa pwesto ko habang walang patid yung pagtulo ng mga luha ko.

I feel like screaming and throwing things. Maibsan lang yung sakit na nararamdaman ko.

I want him to stop. I can still freaking forgive him kung babalik lang to.

My heart is still longing for him, still want him to turn around and choose me.

Awang awa ako sa sarili ko. At the same time, I feel embarrassed. Bakit ko nga ba inakala na malapit na din nya akong mahalin?

When the truth is, Ricky never even tried to love me. Dahil napakadali lang para dito na talikuran at iwan ako.

Pinahid ko yung mga luha ko. It keeps falling pero patuloy lang ako sa pagpahid.

I muster all the strength I have, not to run after him.

I watched his back.

I watched him walk away from me.

At kahit sa huling sandali, hindi man lang ako nito nilingon o sinulyapan.

Pero hindi pa don natapos yung katangahan ko.

I freaking stayed.

I fvcking waited.

I waited for hours, hoping he would change his mind at bumalik sya sakin.

 Pero sabi nga nila kahit anong tiis at tyaga mo, kung hindi naman para sayo hindi talaga para sayo.

Alam ko naman yon.

I just learned it in a hard way.

He’s never been mine and that’s the painful truth.

 

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29