Download Story.

close

BIG SHOT #1: RICKY

Written By: ROugeLips       |       Story Status: Completed
Posted By:
ROugeLips

Big Shot #1: Ricky ❣ Chapter Twenty five❣

Final chapter

 

“For us.” Turan ni Ricky habang itinataas yung kopita na hawak nito.

Napapangiti na dinikit ko din yung hawak kong kopita sa hawak nito. Us huh?

Masarap palang pakinggan yung salita na yon lalo na pagkatapos ng ginawa nito kanina sa grocery store.

Napapangiti pa rin akong tahimik na sumimsim sa kopita ko bago ko yon ibinaba sa lamesa.

“What’s the reason of that smile?” Nakangiting puna ni Ricky sa pag ngiti ko. Ibinaba din nito yung hawak nitong kopita sa lamesa.

Nagkibit balikat lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

Natigilan lang ako nang tumayo to at lumibot sa likuran ko.

Bago pa ako makapag react, malambing na ako nitong niyakap mula sa aking likuran. “Are you also happy, Rain?” Bulong nito sakin.

Tuluyan ng lumawak yung ngiti sa labi ko at mabilis na tumango dito kasabay ng pagpisil ko sa mga brasong nakapalibot sakin.

I’m happy….extremely happy….

At sasabihin ko na sana dito yon when suddenly, he kissed me feverishly.

At kahit nabigla man ako, I responded to his advances wantonly.

Only Ricky can make me feel this way. Yung feeling na laging parang may naghahabulan na butterfly sa sikmura mo?

Mahina akong napaungol when he nipped my lower lip.

Nagulat nalang kami nang mag vibrate yung lamesa. Reluctant namen na pinaghiwalay yung mga labi namin. I giggled when Ricky moaned in protest.

Sabay naming tinignan yung dahilan kung bakit nagba-vibrate yung lamesa. Nang makita ko yung phone nito at caller ID ng tumatawag dito. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at tuluyang nawala yung ngiti sa labi ko.

Kunot noo naman na tinanggal ni Ricky yung pagkakayakap nito sakin at sinagot yung tawag ni Tin.

Ilang minuto din yung tinagal nang usapan nila. Hindi ko alam kung ano yung gusto ni Tin dahil puro one liner lang yung mga sagot ni Ricky.

Hindi ko alam kung dahil concern to sa pwede kong isipin kaya ganon yung mga sagot nito o dahil ayaw lang nitong malaman ko yung pinag uusapan nila.

Either way, nawalan na ako ng gana.

Tin can do that to me.

Pagkatapos nitong makipag usap kay Tin, binalingan ako nito. He gave me a worried look. “She said that she needs me.”

Again! With that annoying excuse! She always needs you. Gusto ko na sanang isigaw dito.

“Just give me a minute to deal with her. I’ll——-“

Pinutol ko yung pagsasalita nito. “Just go.” I was surprised na ang kalmante ng boses ko, kabaliktaran nang nararamdaman ko ngayon.

Nanghihina akong tumalikod dito. “Lock the door when you leave.” Mahinang usal ko habang naglalakad palabas ng dining room.

Nararamdaman ko yung panginginig ng tuhod ko habang naglalakad ako paakyat ng kwarto ko.

Nanghihina na patagilid akong humiga sa kama ko kasabay ng pagpatak ng mga luha ko.

Samot saring emosyon yung bumangon sa dibdib ko.

Of course. Tin will always come first.

Damn it! I’m still in the same damn cycle again!

At dahil busy ako sa pag se-self pity, hindi ko napansin yung pagbukas ng kwarto ko, all I’m aware of is the breaking of my heart kaya nagulat ako nang lumubog yung bandang likuran ng hinihigaan ko.

Napaupo at gulat akong napabaling dito. “Ricky.” Hindi makapaniwalang usal ko.

Malungkot tong ngumiti. He raised his hand to wipe my tears at pagkatapos, marahan nitong hinaplos yung pisngi ko. “I’m not going to make the same mistake again Rain.” Nilapit nito yung mukha nito sakin at dahan dahang hinalikan yung noo ko. “Stop making assumptions. I just need to call someone to take care of her.”

Nakaramdam ako ng kaginhawaan sa pinahayag nito.

Pinahid ko yung mga luha ko at pasinghot na humawak sa balikat nito. “Pero paano si Ate? I thought, she needs you.”

Nangingiti na hinalikan nito yung pumatak na namang luha sa mga mata ko. “And I need you.” Mabilis nitong hinalikan yung labi ko. “I called your mom to deal with your sister.”

Saglit akong napatanga dito at pagkatapos, umapaw sa kaligayan yung puso ko. Finally, I’m no longer a second choice.

Dinampian ulit nito ng halik yung labi ko pero this time, nagtagal yung pagkakalapat ng labi nito sakin. Hinawakan nito yung magkabila kong pisngi at hinuli yung mga mata ko. “Alam kong matatagalan bago ka muling magtiwala sakin pagkatapos ng lahat ng nangyari and I deserved that. But I promised you Rain, as long as I’m alive, I promise to take care of you and put your needs above everything else.” Makadamdaming pahayag nito.

Nag umapaw naman yung saya sa dibdib ko dahil damang dama ko yung sincerity ni Ricky. Pero bago pa ako makasagot, hinalikan nitong muli yung labi ko and this time, buong puso ko tong tinugon.

Pagkatapos, pinagdikit nito yung noo namin. Love is reflected in his eyes. “I love you Rain. I really really love you.”

I sighed and padaplis kong hinalikan yung labi nito at sa mahina at nanginginig kong boses sinabi ko ditong, “Mahal din kita. Always have and always will.”

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29