Download Story.

close

BIG SHOT #1: RICKY

Written By: ROugeLips       |       Story Status: Completed
Posted By:
ROugeLips

Big Shot #1: Ricky ❣ Chapter Twenty four ❣

Courting

“Should I make chocolate mousse for dessert? Black chocolate is good for you.” Baling nito sakin habang in inspeksyon yung dark chocolate na hawak nito.

Kasalukuyan kaming nasa grocery store para mamili ng mga kelangan para sa dinner at stock sa bahay dahil according to Ricky, hindi healthy yung mga nakalagay sa fridge at cabinet ko.

Napangiti ako. “I love chocolates.”

Kinindatan ako nito. “Chocolate mousse then.” Habang nilalagay yung chocolate sa pushcart.

Habang nagtutulak to ng pushcart, kumukuha to ng mga items sa nadadaanan namin.

Pinagsasabihan ako nito na dapat eh kumakain ako ng healthy dahil kung anu anong sakit yung mga inisa isa nito na pwede kong makuha sa mga pagkain na nakita nito sa fridge at cabinet ko.

Imbis na mainis sa pagiging nagger nito, kinikilig at tumatango tango nalang ako dito.

Natigil lang to sa pagsasalita ng mapunta na kami sa meat section, huminto to. “What do you want for dinner? Beef?” Tumigil to at tinuro yung kabilang aisle kung saan nakalagay yung mga seafoods. “Or shrimp?”

“Beef.” Mabilis na sagot ko. “I want beef with oyster sauce kaya bumili na tayo dito ng lahat ng ingredients dahil walang gamit sa bahay.”

And that’s what we did. Matagal din kaming naglibot libot sa may grocery store dahil kung anu ano yung pinagkukuha nito.

Halos mapuno na yung pushcart namin ng pumila kami sa cashier’s counter at don may tumawag dito. “Ricky!”

Nanigas ako sa kinakatayuan ko habang si Ricky, nilingon yung babaeng tumawag dito.

Kahit na hindi ko lingunin yung tumawag dito, I can recognize that voice anywhere.

I grew up with her. It will be impossible to forget her voice.

I try to calm my nerves. Saka ko napansin na napakapit pala ako sa braso ni Ricky kaya dahan dahan kong inalis yung pagkakahawak ko dito.

“Tin.” Rinig kong sambit ni Ricky. Tsaka ako bumaling kay Tin. I tried to keep my expression neutral. Sakto namang napatingin din to sakin kaya nagkasalubong yung mga mata namin.

“Rain!” Gulat na sambit nito. “What are you doing here?” Pinaglipat lipat nito yung tingin saming dalawa ni Ricky.

Why I have this feeling na parang hindi naman genuine yung pagkagulat nito?

Bago pa ako makasagot, inunahan na ako ni Ricky. “I’m doing some grocery duties for Rain.” Sagot nito habang inaakbayan ako.

Nakita ko yung pagdilim ng mukha ni Tin pero mabilis din yon na nawala kaya napatingin ako kay Ricky kung nakita nito yon pero sakin pala nanatiling nakatitig si Ricky.

Tipid ako nitong nginitian, kasabay nang pagpisil sa balikat ko saka to bumaling kay Tin. “Finished your business bago pa dumami yung tao dito sa cashier’s counter.” Turo nito sa basket ni Tin na iisa lang ang laman.

Napatingin din si Tin sa basket nito saka tumingin saming dalawa ni Ricky. “Hindi nyo ba ako pwedeng hintayin para pagkatapos ko dito we can grab something to eat.” Naka pout yung labing pang e-engganyo nito.

No way, roadway! Pero kahit nagmamarakulyo yung loob ko, nanatiling tikom yung bibig ko.

Naramdaman ko yung muling pagpisil ni Ricky sa balikat ko. Saka ko napansin yung pagiging rigid ko. Napabuntong hininga nalang ako to calm my nerves.

Magsasalita na sana ako nang naunahan na naman ako ni Ricky. “Sorry but we already have plans for tonight.” Malumanay na sagot nito.

Gulat na napatingala ako dito dahil hindi ko ini-expect na hihindian nito si Ate. Nakatingin din pala to sakin kaya nakita ko yung pag aalala sa mukha nito.

“Can I tag along? I have nothing to do.” Pukaw ulit ni Tin, using her innocent face. “Pwede naman akong mag grocery, some other time.”

I almost roll my eyes nang bumalik yung tingin ko dito. Can she just stop?

“Sorry Tin but I want to monopolize Rain’s attention.” As if naman attention ko yung gustong kunin ni Tin. Pagpuputok ng butse ko bago talagang nag sink in sakin yung sinabi nito. Kaya gulat ulit akong napatingala dito kasabay ng pagririgudon ng puso ko. “We’re celebrating.” Dagdag ni Ricky ng hindi pinapansin yung ginagawa kong pagtitig dito.

“Celebrating what?” Tanong ni Tin kasabay ng tuluyang pagkawala ng ngiti sa mga labi nito.

“Of my underserved second chance.” Ricky beamed and with a warm smile, he blurted out. “I’m courting your sister.”

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29