Download Story.

close

BIG SHOT #1: RICKY

Written By: ROugeLips       |       Story Status: Completed
Posted By:
ROugeLips

Big Shot #1: Ricky ❣ Chapter Twenty three ❣

Card

Kasalukuyan akong may tinatapos na report sa sala ng may marinig akong sunod sunod na pagkatok sa pintuan.

“Ms. Rain?” Tanong nang napagbuksan kong delivery boy.

Natigil yung tangka kong pag sagot ng mapatingin ako sa hawak nito. Bigla yung pag atake ng kaba sa dibdib ko kaya napatango nalang ako dito habang hindi ko inaalis yung pagkakatitig ko sa mga rosas na hawak nito.

It was the most beautiful flower arrangement I have ever seen.

Nabaling sa delivery boy yung atensyon ko ng muli tong nagsalita. “Paki sign nalang po.” Sabi nito habang may inaabot saking papel.

Binalik ko dito yung papel at pagkatapos inabot na nito sakin yung bulaklak. Habang naglalakad papasok ng bahay, kinuha ko yung card na nakasuksok sa mga rosas at binasa yung nakasulat don.

Rain,

Last night was perfect and the happiest time of my life. Thank you for giving this underserved fool a second chance. Can’t wait to see you again.

Always missing you,

Your Ricky.

Yes, you read it right. Hindi naging disaster yung nangyari kagabi. Contrary to what I predicted, Ricky didn’t get upset because of my lies. In fact, he looks relieved.

Muli kong binaling yung atensyon ko sa hawak ko.

Parang may mainit na humaplos sa puso ko. Kinikilig na niyakap ko yung mga rosas habang paulit ulit kong binasa yung card nito.

Pagkalipas siguro ng kalahating oras, saka ko naisipan na ilagay sa vase yung mga rosas.

I picked up my phone and composed a quick thank you message for Ricky.

Ilang segundo lang pagkatapos kong i-send yung message, nag reply na agad to kaya mas lalong lumawak yung pagkakangiti ko.

Did you like it?

I love it. Sagot ko. Especially the message. Pilyang dugtong ng isipan ko.

Feed me if you really like it.

Napapailing na tinaas ko yung kilay ko habang nag ta-type ng reply. I don’t know how to cook. Pagsisinungaling ko dito.

Alam kong alam nito na nagsisinungaling ako pero eto yung sinagot nito. I’ll cook for us. All you need to do is to look pretty beside me.

Natatawa na sinagot ko yung message nito. I’ll wear my sweatpants and old shirt.

Mabilis yung naging reply nito. You’ll still be pretty even if you’re wearing a sack. I want to see you and be with you. Please say yes?

Kinikilig at paimpit akong napatili habang paulit ulit kong binasa yung reply nito.

How can I say no to that?

Kaya kagat labi nalang akong sumang ayon dito bago ko tuluyang binaba yung phone ko.

Nakangiti at kinikilig ko paring sinusulyap sulyapan yung vase na nasa center table habang pinagpapatuloy ko yung tina-type ko sa laptop ko.

Surprisingly, madali kong natapos yung report ko na dati eh inaabot ng ilang oras.

Nakapangalumbaba kong niyapos yung petals ng rose habang ni re-rewind sa isapan ko yung message ni Ricky.

“Everything is going well.” Wala sa huwisyong usal ko. Or so I thought.

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29