Big Shot #1: Ricky ❣ Chapter Twenty two ❣
Voicemail
Sa dalawang beses na pagkakaudlot ng moment naming dalawa ni Ricky, malinaw ang mensaheng gustong iparating ng tadhana samin, fate is not on our side.
Good thing, I’m damn stubborn. I won’t let fate dictate me.
The picnic went well but unfortunately, not THAT WELL. Ricky had been courteous… Too courteous for my liking.
Naputol yung pagmumuni muni ko nang makita kong kasalukuyan na kaming nasa tapat ng bahay ko. Time just flies too fast.
My heart sank.
Nang pagbuksan ako nito ng pinto, bahagya ko tong nginitian.
Bigla ay parang pinagsisihan kong hindi sinabi dito yung totoong score between me and Wyatt.
Napatingin ako dito ng maramdaman kong sumagi yung braso nito sa braso ko.
Tahimik akong napatingin sa kamay nito. May bigla nalang pumasok na idea sa aking isipan.
May isang maliit na parte ng isipan ko ang nagsasabing, ‘magtigil ka’ samantalang, may malaking parte ng isipan ko ang nagsasabing, ‘gora lang’. At sinunod ko yung huli.
Kinuha ko yung isang kamay ni Ricky at mahigpit na pinagsalikop yung mga kamay namin. Right at this moment, it seems like the most perfect thing to do.
Gulat na salitan tong napatingin sa mukha at kamay naming magkadaop.
Naramdaman ko yung pamumula ng mga pisngi ko. “What?” Patay malisya na tanong ko dito.
Mula sa kabiglaan, napalitan ng megawatt smile yung nakapaskil sa mukha nito.
The warmth of his smile sent waves of tingling sensation on my nerves.
Muli akong napa sulyap sa kamay naming dalawa.
My friends namang nag ho-holding hands, right?
So I shut my mind from logic.
We’re happy at yon ang importante.
Kinuha ko yung susi sa bulsa ko. “Would you like come in?” Tanong ko dito habang tinuturo yung pintuan sa tapat namin.
Hinigpitan nito yung pagkakahawak sa kamay ko at balewala na kinuha yung susi sakin.
At kahit kaliwang kamay yung ginagamit nito para buksan yung pinto, mabilis nitong nabuksan yung pintuan ng hindi bumibitaw sakin.
Muli ay napangiti ako. Marahan kong pinisil yung kamay nito.
At muli ay biniyayaan ako ni Ricky ng heart stopping smile nito.
My smile grew wider as I shook my head.
Damn! We’re acting like teenagers!
Umupo ito sa sofa. Akala ko aalisin na nito yung pagkakadaop ng mga kamay namin pero nagulat ako ng hinila ako nito.
I yelped in surprise at napaupo sa tabi nito. “Ricky!” Saway ko dito kasabay ng pagtampal ko sa balikat nito.
Natatawa na binitawan nito yung pagkakahawak sa kamay ko at hinuli yung kamay kong pinagtampal dito.
Akala ko, makalipas ang ilang segundo eh aalisin na nito yung pagkakahawak sa kamay ko pero nagulat ako na imbis na alisin, mas lalo nitong hinigpitan yung pagkakahawak sakin. Nag iba lang pala to ng kamay na gustong hawakan.
Napatitig ako sa mga mata nito at para na namang may dagang naghahabulan sa dibdib ko sa kaba.
I’m looking at him, wide-eyed nang dahan dahang bumaba yung mukha nito sa mukha ko.
All I could do was to hold my breath as I stared at him.
He stopped exactly in front of my face. Ilang segundo tong nanatili sa ganoong posisyon habang salitang tinititigan yung mata at labi ko.
Napalunok ako kasabay nang pamumula ng buong mukha ko.
He gave me a warm smile at pagkatapos, marahan nitong hinalikan yung noo ko.
Napangiti na din ako sa sweet gesture nito dahil ilang minutong nanatili yung labi nito sa noo ko.
Pabuntunghininga na siniksik ko yung mukha ko sa leeg nito at saka ko naramdaman yung mabilis na pagtibok ng puso ni Ricky. Mas lalong lumawak yung ngiti ko.
Nakakatuwang isipin na hindi lang ako yung naapektuhan sa nangyayari. Pruweba yung mabilis na pintig ng puso nito.
Hindi pa kami nagtatagal sa ganitong posisyon ng biglang tumunog yung telepono na nakalagay sa kabilang side.
At dahil malayo sa kinakaupuan namin yung telepono. Wala ni isa samin ang kumilos.
“I have a voicemail.” Paos kong usal dito habang nanatiling nakasiksik yung mukha ko sa leeg nito.
“Good.” Hinigpitan nito yung pagkakahawak sa balikat ko. “I’m still not ready to let you go yet.” Mahina at double meaning na dagdag nito habang hinahalikan yung tuktok ng ulo ko.
Napangiti ako pero mabilis ding napalis yung ngiti sa labi ko ng malakas na pumailanglang yung boses ni Wyatt. “Are we still on tomorrow? You’re not answering your phone. Call me.”
Oh! Shit!
Mabilis akong napatuwid ng upo at napatitig dito. Nakita ko din yung pagtuwid ng likod nito.
Another damn interruption!
Gusto ko nang sabunutan yung buhok ko sa sobrang inis and that’s when I finally blurted..
“Wyatt is not actually my boyfriend!”
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29
2 thoughts on “BIG SHOT #1: RICKY”
Special chapter?
Sure po. After ko ma update yung SL and Adien😉