Download Story.

close

BIG SHOT #1: RICKY

Written By: ROugeLips       |       Story Status: Completed
Posted By:
ROugeLips

Big Shot #1: Ricky ❣ Chapter Twenty one❣

Sinking boat

Eto yung situation that most women would dread. Yung mapagitnaan ka ng ex at “pretend” boyfriend mo. Lalo na kung yung “pretend” boyfriend mo eh walang ginawa kung hindi ang ngumisi bago umalis at yung “ex” mo, nanatiling tahimik. At sa kasamaang palad, until now nanatiling tikom yung bibig ni Ricky.

At ang ginawa ko? Tinikom ko din yung bibig ko.

Hindi dahil sa naiinis ako na pagkatapos ng mga nagawa nya at pag mo-moment namin kanina eh may gana pa syang umarte ng ganito kung hindi dahil, di ko alam kung ano ba ang “dapat” kong sabihin dito.

Dahil honestly, ayokong basta basta nalang sabihin dito yung totoong sitwasyon namin ni Wyatt.

Dahil kahit sabihin pang gusto ko ulit na magsimula kami. All those years of compiled bitterness and betrayal, hindi yon basta basta mawawala ng ganon ganon lang. Laging may epektong kaagibat yung mga ganong sitwasyon. In my case, it’s fear. Fear of being in the same sinking boat again.

At least, this time, I have Wyatt na magsasagwan para sakin.

Nagpakawala ako ng malakas na buntong hininga.

Fear sucks.

I snapped out of my thoughts when suddenly, Ricky brutally stopped driving.

Napatingin ako dito. He raised both hands to wipe his face. “Fvck! I can’t say that I didn’t deserve that.” He raked his hand into his hair.

Napataas nalang yung kilay ko at bago pa ako makapag react, nagsalita ulit to. This time, nabawasan ng konti yung frustration na narinig ko sa boses nito. “I deserve to be treated way worse than that.”

Pinasadahan ulit nito yung buhok nito. Halata sa mukha nito na hindi to mapakali habang ako, nanatili lang na nakatingin dito.

“I am monstrously selfish and unfair to feel this way and for that I’m sorry.”

Kinuha nito yung kamay ko at pinaloob sa mga palad nito. “I’m sorry that I’m messing this chance….” He gives my hand another squeeze. “..this friendship because of my jealousy. But I want to bare myself to you.”

He dropped my hand but his eyes still holding mine. “You might hate me for repeating this but I’m still in love with you.” Tumigil to na para bang tinatantsa nito kung ano yung magiging reaksyon ko. Nang hindi ako nagsalita, nagpatuloy to. “Don’t ask me to stop. Katulad ng sinabi ko, just let me love you. Sapat na sakin yon.”

Nanatiling tikom yung mga labi ko dahil pano pa ko makakapagsalita gayong ang lakas na nang pintig ng puso ko?

Pagkalipas ng ilang minuto kong pag kalma sa sarili ko, napangiti nalang ako.

Sadya talagang bilog ang mundo dahil imagine kung gaano sya ka guarded noon, sya namang kina open nito ngayon.

He was about to say something ng may mapansin akong pumaparadang motor sa kabilang kalsada kung saan ako nakaharap at kung saan nakatalikod si RIcky.

Nanlaki nalang yung mga mata ko nang makita ko na pulis yung papalapit samin.

“Oh god, no!” Nanlulumo na bulalas ko na na misunderstand naman nito.

” I know it’s not right…..” Hinawakan ko yung braso nito para sana pigilan to sa pagsasalita pero pinaloob lang nito sa mga palad nito yung kamay ko. “I know that you’re in a relationship.”

“This is not the—–” Sa pangalawang pagkakataon, ininterrupt na naman ako nito.

“I also know that it’s a selfish act but I’m not going to apologize for loving you dahil sa loob ng…..”

Nilagay ko nalang yung kaliwa kong kamay sa bibig nito just to make him stop. “Sa pulis ka magpaliwanag!”

“Ahh, ok…” He sounded hurt kaya tinuro ko nalang dito yung pulis na pakatok na sa bintana nito.

Nang binalingan ni Ricky yung pulis, hindi ko maiwasan na manghinayang sa moment na naman na nasira.

Napahugot nalang ako ng malalim na paghinga.

Story of my life.

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29