Download Story.

close

BIG SHOT #1: RICKY

Written By: ROugeLips       |       Story Status: Completed
Posted By:
ROugeLips

Big Shot #1: Ricky Chapter Eighteen

Intoxicating

Six hours later………..

“What am I doing here again?” Nakasimangot na tanong ko kay Seth habang iniinom ko yung alak na hawak ko.

“Drowning your misery?” He replied in a teasing manner with full smirk and all. “And because I’m a good company?”

Inirapan ko to. “Funny.”

Nilibot ko yung mga mata ko sa paligid namin. Kasalukuyan kami ngayong nasa resto bar. Pagkatapos ng sangkatutak na pangbabara at pananaksak nito sa pagkababae at puso ko, hindi ko alam kung ano yung sumapi sakin kanina at sumama-sama pa ako dito ngayon. I must be crazy!

Really, really crazy!

“Oh come on Rain. I know, you like me.”

I rolled my eyes. “Less and less every time you open your shitty mouth.”

Tumawa lang to sa panunuya ko. He knows I didn’t really mean it. Sa kabila ng walang filter na bibig nito, hindi ko din alam kung bakit I can’t bring myself to hate him.

Pagkatapos kong maubos yung double shot na hawak ko, may nilagay ulit to na bagong shot ng tequila sa harapan ko.

Taas kilay akong tumingin dito. “Are you trying to get me drunk?”

Seth just shrugged his shoulders and gave me a lopsided smile. “Don’t worry. You’re safe with me. You’re not my type.”

Napapailing na naglagay nalang ako ng iodized salt sa wrist ko. “That’s not an answer.” I licked the salt. “And for the record, you’re not my type either.” I smirked and gulped the shot in one go. “You’re way too pretty for me.”

But to my surprise, mas lalong lumawak yung pagkakangisi nito. “Thank you. I will take that as a compliment.” Natatawa na kinindatan ako nito habang tinutungga din nito yung hawak nitong alak.

Imbis na mainis ako dahil hindi ko nakuha yung ini-expect kong reaction dito, natawa nalang ako sa naging sagot nito. Medyo nag iinit na kasi yung pakiramdam ko sa mga shots na nainom ko.

“She’s good.”  Pagbabago at tukoy ko sa babaeng kumakanta sa stage na gitara lang yung gamit.

Tumatango tango na tumingin din si Seth sa may stage. “She’s hot.”

“Typical male reaction.” Nakaingos kong panunuya dito bago ko tinungga ulit yung panibagong shot na hawak ko.

Napapikit at napangiwi ako dahil sa mabilis kong pagtungga sa single shot na hawak ko.

Bago ko pa makuha yung lemon sa lamesa, may naglagay na nito sa bibig ko. Kasabay nang paghagod nito sa likod ko.

“I’m ok now. Thanks.”

Nang mag angat ako ng tingin pagkatapos kong ilagay yung balat ng lemon sa platito, nakita ko si Seth na nakangisi sakin habang yung isang braso nito nakatukod sa lamesa at yung isa naman eh nakasampay sa bakanteng upuan sa tabi nito.

Kaninong kamay yung humahagod sa likod ko ngayon?

Kunot noo na napatingin ako sa gilid ko at napasinghap ako nang malakas nang makita ko si Ricky. “What the–“ Nasamid ako sa sarili kong laway. “What are you doing here?”

Tinigil ni Ricky yung paghagod nito sa likuran ko. “We’re supposed to have a drink here. Nang hindi ko nakita si Seth sa may field after my practice, sumunod nalang ako dito.” Umupo to bakanteng upuan sa tabi ko habang nilalabas yung phone nito. “Ade is with Embry. He’s driving her home.” Tumingin to sakin at tipid na ngumiti. “Now that you’re here. I’ll send him a message to bring Emz.”

Naging abala to sa pagta-type ng message para kay Ade kaya nagkaroon ako nang chance para titigan yung mukha nito.

Hindi ko alam kung dahil ba sa dim light o dahil sa mga shots na nainom ko, pero parang mas lalo yatang gumagwapo si Ricky sa paningin ko ngayon.

Kagat labi kong sinuri yung buong mukha nito.

Perfect long eyelashes. Kitang kita ko yung mahahabang pilik mata nito dahil sa ginagawa nitong pagyuko.

Perfect skin. Ni hindi yata tinutubuan yung mukha nito ng pimples dahil miski isa, wala akong nakikita na pimple mark.

Perfect nose. Sarap kagatin ng tungkil ng ilong nito sa tangos.

Perfect lips. Mas lalo akong napakagat labi. Kung yung ilong nito masarap kagatin. Yung lips nito, ang sarap sarap papakin!

Pero nanlaki yung mga mata ko nang tumaas yung tingin ko at nakasalubong ko yung mga mata nito.

Pero imbis na mahiya o iiwas ko yung mga mata ko dahil nabuking ako nito sa ginagawa kong pagtitig dito, tinaasan ko lang to ng kilay kahit na sabihin pang sobrang lakas ng heartbeat ko.

Halata naman yung pagkagulat ni Ricky sa kalmado kong reaksyon pero nanatiling tikom yung bibig nito at tahimik lang nitong ininom yung alak na binigay ni Seth habang nanatili tong nakatitig sa mukha ko.

Nang hindi na nakayanan ng puso kong makipagtitigan dito, ako na yung unang umiwas ng tingin. “What?” Maang maangan akong kumuha ng chocolate na dala-dala ni Seth. “You’re nice to look at.”

Napaubo at nagmamadali na binaba ni Ricky yung hawak nitong alak. “How many shots did you take?”

I frowned. “Three?” Napatingin ako sa lamesa. “Wait. Four?”  Binilang ko yung shot glasses sa harap ko. “Oh shit! Five!” Natawa ako pagkatapos. “No wonder, I feel different.”

“And now, you’re eating chocolate?” Umiling to. “Sweet and alcohol are not very good combinations, Rain.”

I snorted.

Napailing nalang si Ricky habang kinukuha yung chocolate bars sa lamesa. Matalim tong tumitig kay Seth. “Keep these out of her sight.”

Ngumisi lang si Seth. “You’re supposed to say, “Thank you Seth. You’re the best cousin in the whole world.” Mas lalong lumawak yung pagkakangisi ni Seth nang natigilan si Ricky. “And I supposed to say, “You’re welcome, asshole.”

Kahit na sabihin pang umiikot na yung paningin ko sa kalasingan, alam ko pa rin yung ginagawa ko o kung ano yung nangyayari sa paligid ko.

Alam ko yung ginagawang panunukso ni Seth.

Alam ko na nag aalala sakin si Ricky.

Alam ko na mas lalo tong gumagwapo sa paningin ko.

Alam ko na gusto kong mapalapit dito.

I’m craving for physical contact.

Despite my drunkenness, I could tell that I was treading on dangerous ground.

Danger signs keep popping in my mind but I decided to ignore it.

Nararamdaman ko yung pagririgudon ng puso ko sa kaba at antisipasyon.

Just this night.

Nararamdaman ko yung pamamawis ng mga kamay ko.

Just this one night.

Nararamdaman ko yung panunuyo ng lalamunan ko.

Just this one particular night.

After facing so much internal battle, I finally gave in. Mabini kong sinandal yung ulo ko sa balikat ni Ricky.

No one feels the way he does. He is intoxicating.

I shifted upward and nuzzled my face in the crook of his neck.

He smells intoxicating.

I sighed in contentment.

Everything about him is so intoxicating.

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29