CHAPTER 17
Nica POV
Muli kaming nagkaharap ng ex boyfriend ko. Hindi ko inaasahan na same school pala kami. Naiinis ako, ngayon na nga lang kami nagkita tapos mang iinis pa siya. Ang kapal ng face!
*Flashback*
Nasa likod ako ng school kasi may eco-club kami. May meeting yung team namin para sa darating na eco-campaign.
Ako nga pala si Veronica Kate Moreno, Nica for short. Dapat 1st year college na ako kaso nag stop ako nung pumunta kami sa US last year. Halos kakalipat ko palang dito sa school. Dati narin ako dito kaso na-bully ako ni Neneng, yung ex-girlfriend ng kaibigan ko, kaya umalis ako. However, naka-recover naman na ako kaya okay na ako.
“Miss Nica, ano po ang plano para sa campaign? Alam ko po kasi yung kalaban natin, si Hazel Lancaster, yung girlfriend nang former president ng eco-club, si Augustus Waters.” sabi ng isa kong member
Binigyan ko sila ng mga folder na naglalaman ng mga names, platforms at iba pang details para sa event.
“This is not about competition, it’s about willingness to serve the environment and the people. Win or lose it doesn’t matter, because a true leader accept the result and continue to serve.” Ngumiti ako sakanila at ganoon din naman sila. May mga nagsabi pa na isa daw ako sa pinaka-magaling at malakas ang loob sa club na ‘to. Well, hindi naman masyado. Sadyang gusto ko lang ‘tong ginagawa ko.
Sa kalagitnaan ng pagdidiscuss namin biglang sumulpot out of nowhere si George Romeo Anderson, ang ex-boyfriend ko.
“Hey! What’s up ex babe? I heard you’re here kaya agad akong pumunta dito.”
Tinignan ko ang mga kagrupo ko at sinabing mag-break muna sila. Nang makaalis na sila, inayos ko yung pinag-upuan namin.
“So, kamusta ka?” tanong ko kay Romeo habang nagliligpit.
“Still hot. You? Still nerd?”
Tinignan ko siya ng masama, “I’m not nerd and you are not hot! Ang kapal mo talaga!”
Napatawa siya, nilaro laro niya yung toothpick na nasa bibig niya, “Seriously, ganyan ka parin hanggang ngayon? I thought you’ve changed pero hindi parin pala. Anyway, what brings you here?”
“What? Here? This is my former school, remember?”
“Ah! Yes, oo nga pala. Dito pala tayo sa school nagkakilala. I’m sorry.”
“Tss. Eh ikaw? What brings you here?”
Naglakad lakad siya sa may likuran ko at sandaling huminto at idinikit yung labi niya sa balikat ko. Napa-pikit ako pero agad akong umiwas sakanya, “Anong ginagawa mo?” tanong ko rito.
Hinawakan niya ako sa may braso at hinarap niya ako sakanya, “I just miss you.”
Tinitigan ko siya sa mata then after a seconds tumawa ako ng napaka lakas, as in like galak na galak.
“Why? May nakakatawa ba?”
“Y-you miss me? Since when? Hindi ko alam na marunong ka pala magbiro.”
“Do I look like I’m joking? I’m serious!”
Napatawa ulit ako dahil sa sinasabi niya. Umalis na ako at iniwan siya doon. Whatever!
*End of flashback*
Pagkaalis ko pumunta agad ako dito sa may gym ng school, dito kasi naghihintay yung bestfriend ko, si Nikki. Kaso wala pa siya dito, pabebe talaga ‘yun. Kaya napagisip isip ko na pumasok nalang sa basketball court, katabi lang din naman ng gym iyon.
Pagpasok ko nakita ko si Patrick na nakaupo sa may dulo ng bleachers. Agad akong lumapit dito, “Uy pat! P.E niyo ngayon?”
Umiling lang siya. Mukha siyang problemado at matamlay ang mga mata niya, “Bakit ganyan mukha mo? May problema ba?”
Umiling ulit siya.
“Chenungalers ka! Ano problema mo?”
“Si Neneng kasi eh…” napatigil siya ng biglang may tumawag sakanya mula sa entrance ng court. Napalingon kami parehas.
Oh my gosh! S-si Lloyd ba ‘to?!
No! It can’t be!
0 thoughts on “Bakit Nabuntis Si Neneng?”