Download Story.

close

Bakit Nabuntis Si Neneng?

Written By: missayaaa       |       Story Status: Completed
Posted By:
missayaaa

CHAPTER 16

Neneng POV

Papasok palang ako sa pintuan ng kwarto ni daddy sa hospital ng biglang bumukas na agad ito ng napakalakas, “WAG MO IPAPAKITA SAAKIN ‘YANG—” Natigilan si kuya Sam ng makita niya ako. “Oh, nandito na pala ang magaling kong kapatid! Ano, kamusta ang pamangkin ko diyan sa tiyan mo?!”

Napatulala ako sa mukha ni kuya. B-bakit niya alam? Biglang kinabog yung dibdib ko. Hindi kaya dahil sa nalaman ni daddy na buntis ako, kaya siya inatake?

“Wag ka pumasok dito. Gising na si daddy, baka atakihin ulit.” isinara ni kuya Van yung pinto.

“K-kuya…” halos mag makaawa na ako kay kuya Sam na papasukin ako pero ayaw niya talaga.Iyak na ako ng iyak. Kasalanan ko nga! “I’m sorry, hindi ko sinasadya…aksidente ang lahat.”

“Wow naman! Aksidente? Sige nga, tell me, paano ka nasagasaan ng lalaking ‘yun? Nakahubad siya ng mabangga ka niya at aksidenteng naipasok niya diyan sa ‘ano’ mo yung ‘ano’ niya? Ganoon ba ‘yun Neng?!” halos masampal na ako ni kuya dahil sa sobrang galit niya.

Nahihiya ako! Hindi lang sa pamilya ko, kundi pati narin sa sarili ko! Ang gaga-gaga ko! Hindi ko dapat pinatulan si Romeo! Hindi dapat ako naglasing kasama siya. Ang tanga tanga ko!!

“Kuya Sam! Si Daddy!” biglang lumabas si kuya Van sa kwarto ni daddy. Nataranta kami ni kuya Sam, mabilis na tumawag ito ng doctor at mabilis din naman itong rumisponde.

Iyak ako ng iyak habang nakikita kong niri-revive si daddy. Diyos ko, patawarin niyo ako sa kasalanan ko. Inaamin ko na nagmali ako. Ako nalang po ang parusahan niyo, wag na ang pamilya ko.

Isang mahabang tunog ang bumalot sa buong kwarto. Isang tunog mula sa isang aparatong nakalagay sa katawan ni daddy. Isang tunog na nagsasabing…..wala na siya.

“Time of death, 11:11 AM. I’m sorry po.”

Nakita ko kung gaano kasakit sa mga kuya ko ang nangyari. Kung dati sila ang pinaka-malakas na lalaki na nakilala ko, sila ngayon ang pinaka-mahina at walang kasigla-siglang tao na nakikita. Halos mahimatay na sa kakaiyak si kuya Gab dahil sa nangyari.

Napaatras ako ng bumwelta ng kamao saakin si kuya Sam, pero agad niya itong napigilan na lumapat sa mukha ko, “HINDI KO ALAM KUNG ANO ANG KULANG PARA GAWIN MO ‘TO SAAMIN! PERO TANDAAN MO, SIMULA NGAYON WALA KA NG KAPAMILYA! HARAPIN MO MAG-ISA ANG DESISYON NA GINAWA MO! UMALIS KA NA!” ipinagtulakan niya ako palabas, pero pinigilan siya ni kuya Gab.

“Ano ba Sam? Tumigil ka! Sa tingin mo ba gusto ito ni daddy?! Nagkamali si Neneng, pero diba dapat tayo ang dadamay sakanya? Tayo nalang ang pamilya niya, tatalikuran pa natin siya dahil lang sa nagkamali siya? Hindi ka perpekto Sam, aminin mo ‘man o hindi nagkakamali ka rin! Wag natin siya husgahan dahil sa nagkamali siya, tanggapin natin siya dahil kapatid natin siya!” halos mabingi na ako sa sigawan na naririnig ko sa harap ko.

Ako may kasalanan nito! Ako dapat ang sisihin! Ako dapat ang namatay, di dapat si daddy!

Kailangan ko mahanap si Romeo, siya ang may kasalanan nito!!

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19

0 thoughts on “Bakit Nabuntis Si Neneng?

close