Download Story.

close

Bakit Nabuntis Si Neneng?

Written By: missayaaa       |       Story Status: Completed
Posted By:
missayaaa

CHAPTER 15

Romeo POV

Ang saya naman ngayon! Mukhang hindi pa maabutan ng daddy ni Neneng ang apo niya. Wahahaha! Inatake amputa! Ang tanda na kasi eh. Ayan tuloy! Buti nga!

“Bro! Kamusta?!” napalingon ako sa may pinto ng makita kong pumasok sa loob si Jeff, yung tropa ko.

“Ayos lang. Ikaw ba?”

Umupo siya sa may sala, “I’m fine. I’m fine. Ikaw kamo, kamusta na kayo ni…sino ba ‘yun? Veronica? Tama ba?”

Napahinto ako at napalingon sakanya “What? Matagal na kaming wala ni Ver. Bakit mo naman natanong ‘yan?”

“Balita ko kasi dapat daw magpa-pari yung recent boyfriend niya kaso hindi natuloy at umuwi dito sa Pinas. Gusto mo hanapin ko yung boyfriend niya?”

Napakunot noo ako “For what? Matagal ko naman ng nakalimutan si Ver. Hindi mo ba alam na may bago na ako ngayon?”

Nanlaki yung mata niya at nabuo ang pagka-excite sa expression ng mukha niya “And who’s that lucky girl?”

“You’ll see,” kumindat ako sa kanya at tumawa. Napatawa rin naman siya.

Patrick POV

Umuwi ako sa bahay para kumuha ng gamit at mga damit. Ako muna kasi magbabantay sa daddy ni Neneng at pati narin kay Neng. Sa hospital narin na iyon ikinonfine si Neneng para mas sure na magaling na siya.

Nadatnan ko sa sala na nakahiga sa sofa si Lloyd, mukhang lasing ‘to kagabi kaya dito na nakatulog. Talaga ‘tong pinsan ko!

Paakyat na sana ako ng biglang ihagis ni Lloyd yung bote ng alak sa direksyon ko, “Gago amputangna! Alam ko na! Alam ko na kung bakit iniwan ako ni Veronica! Alam ko na!”

“Lloyd ano nangyayari sa’yo? Anong alam mo na?”

“Romeo…Romeo ang pangalan ng pinagpalit niya sa’akin! Tangina! Mahanap ko lang kung sino siya, makikita nalang niya ang sarili niya sa kabaong!” nagsisisigaw siya at pinagbabato yung mga gamit na mahawakan niya.

Sinong Romeo?

Hindi kaya, iisang Romeo lang ang nagpapagulo ng buhay namin lahat?

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19

0 thoughts on “Bakit Nabuntis Si Neneng?

close