Download Story.

close

Bakit Nabuntis Si Neneng?

Written By: missayaaa       |       Story Status: Completed
Posted By:
missayaaa

CHAPTER 14

Patrick POV

“Bitawan niyo ako! Tangina niyo naman! Mga hayop kayo!”

Dumating ako sa hospital ng madatnan ko na nagwawala si Neneng, habang hawak siya ng mga nurse sa kamay at paa niya. “Ikaw! Ikaw ang pumatay sa anak ko! Walang hiya ka! Isusumpa kita!!” sigaw niya kay Doc. Kath.

“Doc, ano po nangyayari dito?” Lumapit ako kay doc.

“Nagising siya, sakto chini-check up ko siya. Tinanong niya yung baby niya at sinabi ko ang totoo. Ayan, nagwala na.”

“Anong gusto mo mag party ako?! Ungas ka pala eh!” galit na galit na sabi ulit ni Neneng kay doc.

Lumapit ako kay Neneng. Sinundan niya ako ng masamang tingin. “Neng…” magsasalita palang ako bigla na siya umiyak at yumakap ng mahigpit sa’akin.

“Patrick! Yung anak ko! Wala na siya! Wala na Patrick!!” humagulgol siya kaya naman niyakap ko siya pabalik. Tinignan ko si doc Kath, “Mag uusap lang po kami doc. ” tumango naman ito at lumabas na ng room kasama yung mga nurse.

Pagkalabas nila, agad kong hinarap si Neneng “Huminahon ka Neng, walang may kasalanan nito. Wag ka na umiyak.”

“Hindi Patrick, kasalanan ko ‘to!”

“Hindi Neneng! Walang may sala nito, kundi ako.” napayuko ako.

Hinawakan niya yung kamay ko “Wala kang kasalanan. Hindi natin ginusto ‘to. Gago kasi yung tropa mo! May lihim palang pagnanasa saakin, hindi pa sinabi.”

Napakunot noo ako “At kung nalaman mo na may gusto siya sayo, papatulan mo siya?”

Umiling siya “Hindi.” napabuntong hininga siya “Hindi naman siya gwapo at isa pa, kahit naman ganito ako ikaw parin ang mahal ko.”

Biglang nabuhayan yung katawang dugo ko, “Ulitin mo nga!” para akong kinikiliti ngayon.

“Uulitin ko pa narinig mo na nga.”

“Sige na please.”

Huminga siya ng malalim, hinawakan niya ang magkabilang pisnge ko at inilapit niya yung mukha niya sa mukha ko, “Ang sabi ko—” Nadismaya ako dahil biglang tumunog yung cellphone niya. Lintek ay! Panira ng moment!

“Hello kuya?” Biglang napatingin siya saakin “HA?! SAANG HOSPITAL? SIGE PUPUNTA AKO!”

“Anong nangyayari Neng?”

“Si daddy daw sinugod sa St.James Hospital, inatake daw.”

“Bakit daw?”

“Do I look like I know?!”

“Teka anong ginagawa mo? Bakit mo tinatanggal yung swero mo?!”

“Ano pa ba?! Edi pupuntahan ko si—“

Biglang bumukas yung pinto ng kwarto at iniluwa ‘nun ay si doc. Kath at may kasama pa siya isang babae.

“Neneng! Ang daddy mo nasa hospital!” sabi nung isang babae.

“Alam ko! Hindi mo kailangan sabihin!”

“Alam mo din ba kung bakit siya inatake?”

“Bakit?”

Nilapitan siya nung babae na kasama ni doc. Kath, “Dahil kay Romeo.”

3rd Person’s POV

Busy ang magkakapatid na sila Van, Sam, Gab kasama rin ang daddy nila pati ang new girlfriend nito sa may sala para sa pagpaplano nila sa darating na 17th birthday ni Neneng nang bigla nagtatakbo yung maid nila, “Sir! Sir! May lalaki po sa labas, hinahanap po si maam Neneng.”

“Edi papasukin mo.” sabi ng daddy nila.

“Dad, malay mo naman kung sino ‘yun. Sino daw ba siya yaya?” sabi naman ni Gab.

“I’m Romeo. Your future son and brother-in-law.” nakapasok na pala sa loob ng bahay si Romeo.

Tumayo ang mag-a-ama at nilapitan si Romeo, “Anong sinasabi mo?” tanong ni Van.

“Hindi niyo pa ba alam? Buntis kaya si Neneng!”

Napatawa ang daddy nila “Seryoso ka ba hijo? Alam mo kahit tatamad tamad ang anak ko  hindi hindi niya gagawin ang mga ganoong bagay.”

Napatawa si Romeo, “Hindi niyo nga kilala ang anak niyo. Oh eto, tignan niyo ang medical result niya sa hospital ng school namin.” kinuha ng mag-a-ama ang folder na naglalaman ng med. result ni Neneng. “Positive di ba?” napa-ngisi si Romeo.

“This is impossible! Hindi pwede—” napatumba nalang bigla sa sahig ang daddy ni Neneng.

Napangisi at lumakad na palabas si Romeo, “Bye dad. See you at hell!”

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19

0 thoughts on “Bakit Nabuntis Si Neneng?

close