Download Story.

close

Bakit Nabuntis Si Neneng?

Written By: missayaaa       |       Story Status: Completed
Posted By:
missayaaa

CHAPTER 13

Neneng POV

“HA?! SINONG BUNTIS?!”

Patay narinig ni daddy!!

“Y-yung kaibigan ng kaibigan ko po dad! Wala po ‘yun!” Bwiset naman itong chix ni daddy, ang lakas ng boses tapos hindi pa marunong magpalusot. Nganga amputa!

Sht!! Ang sakit parin ng puson ko. Gosh! I’m gonna die na ba?!

“Kath, pinapunta mo daw itong kaibigan mo dito?” pumasok si daddy kasama yung naka mahabang puting damit na babae at may naka sabit pa na stetoscope sa leeg niya, mukhang doktora siya.

Pinaalis ulit nung chix ni daddy si daddy palabas ng kwarto. Yung totoo? Mukha naman silang mabait ah. Wala naman siguro itong mga gagawing kabalbalan saakin. At isa pa, pag may nangyari saakin lagot sila kay daddy at sa mga kuya ko. Huh!

“Confirmed ba?” tanong nung mukhang doktora, si Kath, sa chix ni daddy. Tamango naman ito sa kanya. Tumango din naman yung Kath sakanya. Wew! Mga sabog ba to?

“Hija, ilang weeks na ‘yan?” marahan na itinanong saakin nung Kath.

Napakunot noo ako, “Ha? Yung alin?”

Napangisi siya saakin, “Alam mo kung ano ang tinutukoy ko.”

Tinutukoy? Yung pagbubuntis ko kaya? Pero bakit niya alam? Bakit nila alam? Anong klaseng mga tao ba ang nasa harap ko ngayon? Nasobrahan ata ‘to sa pagka-sabog eh!

“Hindi ko alam sinasabi mo. Wala akong alam diyan. Ouch! Yung p-puson ko!” napahawak ulit ako sa puson ko. Ang sakit sakit na naman.

Napangisi nanaman niya at pinadiretsyo ako ng higa. Kinapa kapa niya rin yung bandang tiyan ko at pinindot pindot. Hindi ko alam, pero puta nawiwierdohan na ako sa ginagawa nila ah! Mga sabog ba to o mga albularyo? Mangkukulam o mga ghost hunters? Tae na!

“Aamin ka ba o kami magsasabi sa daddy mo?” pagbabanta ni Kath sa akin.

Tinaasan ko siya ng kila “Kapal! Close kayo?! Sus!”

“Aamin ka o hindi?” sabat naman nung chix ni dad.

Aamin nga ba ako oh hindi? Teka, bakit ba ako nagpapaniwala sa dalawang ‘to?!

“Pag sinabi ko ba sainyo, may magagawa kayo?”

Nagkatinginan silang dalawa. Ang weird talaga! Sino ba tong mga to?

“May magagawa ako.” sabi nung Kath. “Nakita ko ang records mo sa school and nakita ko na galing ka doon two weeks ago. Kaya pag nanganak ka, ibibigay mo saakin yung anak mo at sasabihin ko sa asawa ko na, anak namin ‘yan.”

Napakunot noo ako “Ha? Bakit? Bakit di nalang kayo gumawa ng sarili niyo? Bakit idadamay niyo pa yung anak ko diyan?”

Nagkatinginan na naman sila, sabay tingin saakin “Maniwala ka. Alam ko na ayaw mo rin sabihin sa daddy mo ang pagbubuntis mo.”

“Bakit naman ako maniniwala sainyo? At diba ikaw, chix ka lang naman ni daddy bakit ka nangingielam saamin?”

Napabuntong hininga silang dalawa.

Dalawang buwan.

Hindi na ako masyadong nakakapasok dahil sobrang sakit na talaga ng puson ko. Halos every hour napapahiga nalang ako kasi ang sakit sakit. Ayaw kong magpadala sa hospital dahil alam kong malalaman nila daddy at nila kuya na buntis ako.

Pero hindi ko na kinaya. Isang araw nag pe-P.E kami sa court ng natumba nalang ako at may lumabas na dugo sa ilalim ng palda ko. Nagpanic ako at dali-dali akong dinala sa clinic, pero wala naman doon yung doctor na nagtingin saakin dati kaya no choice kundi sa hospital talaga ako dinala.

Kaya eto ako ngayon, nakahiga sa emergency room. Kasama ko si Patrick, siya ang nagbuhat sa akin mula sa school hanggang dito sa hospital.

“Excuse me, wala pa ba yung doktor na titingin sa kanya?” tanong ni Patrick doon sa nurse.

“Nandito na po.” biglang bumukas yung pinto ng ER. Laking gulat ko ng iniluwa ‘nun ay si Kath, yung kaibigan ng chix ni daddy. Wtf!

“Sir, hindi na po kayo pwede dito. Sa labas nalang po kayo.” sabi nung nurse kay Patrick. Sinunod naman nito yung nurse. Naiwan kami ni Kath at nung nurse dito sa loob ng ER.

“Ayaw mo kasi maniwala noon na tutulungan kita eh! Ngayon, tignan mo kung ano ‘yang nangyari sa’yo! Pag nanganib pa ang buhay ng anak mo, doon ka lang tatakbo dito? Lintek na bata ka!” para siyang nanay kung magsalita sa akin.

May kung ano-ano silang ginawa saakin nung nurse. Hindi ko na alam, dahil nakatulog na ako.

Patrick POV

Halos limang oras na akong nasa labas ng operating room. Ano na kaya nangyari kay Neneng? Nung nilabas siya kanina sa ER tulog siya eh. Ang sabi nung nurse kailangan daw siyang operahan. Kamusta na kaya siya? Sana ligtas siya.

Makalipas ng ilang minuto, lumabas na yung doktora na kasama kanina ni Neneng sa loob. Agad ko itong sinalubong, “Dok, kamusta na po si Neneng?”

Tinanggal niya yung mask niya “Buhay siya, pero patay ang bata.”

“P-po? B-bakit?”

“Kasabay kasi ng pagbubuntis niya ang pagtubo ng tumor sa servix niya. Hindi nakayanan ng katawan niya ang ganoong sitwasyon. Mahina rin ang kapit ng bata, kaya hindi narin nakayanan.” huminga siya ng malalim “In the positive way, natanggal na namin yung tumor sa servix niya. Ligtas na siya.”

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko dahil sa nalaman ko. “Pwede ko na ba siyang tignan?”

Tumango ito “Sige, mag suot ka ng mask.”

Pumasok ako at doon hindi ko na napigilan ang pag tulo ng luha ko ng makita ko ang taong pinaka mamahal ko na nakahiga, walang malay at walang kaalam-alam sa mga nangyari sakanya.

Lumapit ako sakanya at hinawakan ko ang kamay niya, “Sorry…” napayuko nalang ako dahil sa pag-iyak ko.

Mahal ko si Neneng kahit ano pa ang sabihin nila. Kahit pa ganito ang nangyayari sakanya. Hindi ko siya iiwan.

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19

0 thoughts on “Bakit Nabuntis Si Neneng?

close