Download Story.

close

Bakit Nabuntis Si Neneng?

Written By: missayaaa       |       Story Status: Completed
Posted By:
missayaaa

CHAPTER 12

Neneng POV

Ano ba naman ito diba, tangin—

Biglang hinugot ni kuya Van yung earphones ko, “Papansin ka! Problema mo kuya?” Sigaw ko sa kanya.

“May nabalitaan ako tungkol sa’yo!” Sabi niya tapos nakasimangot siya.

Napaayos ako ng upo. Tinignan ko siya na para ‘bang wala akong alam sa sinasabi niya. Tinaas ko pa noo ko para hindi mukang guilty.

Hindi naman kasi sa ayaw ko malaman nila pero paano ko sasabihin? Lalo na kay daddy! Alam ko na mahilig siya sa babae pero sinasabihan niya ako lagi na dapat magtapos ako ng pag-aaral. Tapos malalaman niya na buntis ako?

“Na ano?” Nakakunot noo ako kay kuya.

“Na…” nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko “Buntis ka daw.”

Holy shit!

“Kuya, I can explain…” Tangina ng nagsabi sa kuya ko! Patay na ako neto! I’m super dead!

Napatulala siya sa akin. Nagkatitigan kami at parang may bumalot na kung anong hiwaga sa pagitan namin ni kuya. Makalipas ang ilang segundo ng pagtititigan, bigla siyang tumawa ng malakas.

“Bakit ka tumatawa?! May nakakatawa ba doon?” seryoso akong nakatingin sa kanya. Seriously, di parin nagsi-sink in sa utak ko kung bakit tumatawa siya.

Biglang pumasok sa kwarto si kuya Sam at kuya Gab. Makikita mo sa mukha nila ang paghahalo ng pag-aalala at galit.

“Bakit?” sabay naming tanong ni kuya Van.

“Si daddy nandiyan na, may kasamang babae.” pabulong na sabi ni kuya Sam. What the! May bago na naman kaming step mother for a week. There is no new about that!

Agad kaming lumapit sa may pinto ng kwarto atsaka binuksan ito ng dahan-dahan. Nag iwan kami ng maliit na space lang para di kami makita ni daddy at nung new chix niya. Sumilip ako at doon ko nakita ang isang babae na kahalikan ni daddy sa may sala. Nakasuot ito ng black fitted dress at naka stocking pa ng black. Yung totoo? Pokpok ba to? Saan naman lupalop nakuha ‘to ni daddy?

“Ang hot…” napa ismid ako dahil sa sinabi ni kuya Van. Kadiri to, maniac ay!

“Sa tingin niyo saan nakuha yun ni daddy?” tanong ko kila kuya.

“Baka sa nakilala niya sa resturant tapos nilapitan niya at binigyan ng wine tapos nagkindatan lang sila then snap! Inuwi na siya ni daddy.” sabi ni kuya Gab. Puro pagkain talaga to si kuya!

“Hindi! Sa tingin ko nagkakilala sila sa bar. Nagkasayawan sila at nauwi na sa kwartuhan.” sabi naman ni kuya Van. Puro kalibugan alam neto!

Napatingin kaming lahat kay kuya Sam na tahimik lang na naka upo sa kama ko. Seryoso talaga to sa buhay. Kawawang kuya Sam.

“Kuya Sam, ok ka lang—-ahhhh!” Yung puson ko! Yung puson ko! Not now! Not now!

“Bakit?! Anong masakit sayo?” pag alalang tanong ng mga kuya ko.

Umiling ako pero namimilipit parin ako sa sakit ng puson. Tangna! Bakit ngayon pa?! Please not now! “Ahhhhhh!!” napaupo na ako sa sahig habang hawak hawak yung puson ko.

“Dad! Si Neneng!” narinig ko ang pagtawag ni kuya Van kay daddy. Unti-onti ang nakaramdam ako ng mga yabag papunta saakin. Fuck! Di pwede malaman ‘to ni daddy or kahit nila kuya. I’m sure mapapatay nila si Romeo, pag nagkataon.

“Neng! What’s happening to you?” lumapit saakin si daddy at ganoon din yung new chix niya.

“Kunin mo yung bag ko, meron ako doong first aid kit.” sabi nung chix ni daddy kay kuya Gab. Pinabuhat niya ako kay daddy papunta sa kama. Pinahiga niya ako at pinataas yung damit. “Saan ang masakit sayo?” tinuro ko yung puson ko. Kinapa niya ito at pinindot pindot kaya napamura ako kasi mas lalong sumakit. Tangina!

Napakunot noo ako, first aid kit?!

Napatingin siya kila daddy, “Labas muna kayo, mag uusap lang kami.”

Nagtaka ako kung bakit pinalabas nito sila daddy at kuya. Kaya kahit namimilipit ako sa sakit ng puson tinanong ko parin siya “B-bakit mo sila pinalabas? Anong balak mo?”

Instead na sagutin niya ako sa tanong ko, tumayo ito at nilabas ang cellphone niya tapos tinawagan siya. After niya makipag usap sa kausap niya sa telepono, bumalik siya sa pag tingin saakin sabay hawak ulit sa puson ko, kaya napa aray nanaman ako “Sigurado ka ba na puson ang masakit sayo? Baka naman…”

“Sa tingin mo magbibiro ako?! At mukha ba akong nagbibiro ha?! Tsk! Nasaan na ba kasi sila daddy? Ang weird mo rin eh noh!”

Umiling iling siya, “Buntis ka ba?”

“HA?! SINONG BUNTIS?!”

Patay! Narinig ni daddy!

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19

0 thoughts on “Bakit Nabuntis Si Neneng?

close