Download Story.

close

Bakit Nabuntis Si Neneng?

Written By: missayaaa       |       Story Status: Completed
Posted By:
missayaaa

CHAPTER 11

Patrick POV

“Narinig niyo na ba yung balita? Grabe talaga si Neneng ‘no.”

“Oo nga bi! Kawawa din si Patrick.”

“Bakit bi?”

“Ang ama daw ng dinadala ni Neneng eh si Romeo. Eh, di ba bestfriend ‘yun ni Patrick since elementary? Gosh!”

“Paano mo nalaman na si Romeo?”

“Sabi nung estudyante na nasa hospital din nung time na nasa hospital si Neneng.”

Para akong napako sa kinakatayuan ko ng marinig ko ang mga babaeng nag uusap dito sa may canteen. Parang babagsak yung katawan ko. Totoo kaya? Pero bakit? Bakit si Romeo pa?!

“Hey Pat. Alam mo na ba?” bigla akong inakbayan ni Nica.

“Ang alin?” Matumal akong naglakad papasok sa building kasama si Nica.

“Bakit ganyan mukha mo? Malungkot ka? Di ba dapat masaya ka?”

Huminto ako at tumingin sakanya, “Bakit naman ako magiging masaya?! Minahal ko siya, sobra! Tapos magiging masaya ako dahil break na kami at hindi ako ang nakabuntis sa kanya? Nica, nababaliw ka na ba?”

Nanalaki bigla yung mata ni Nica, napaatras siya at napatakip ng bibig. Sinalubong ko ang mga kilay ko at hinawakan ang kamay niya at tinanggal ito sa bibig niya.

“B-buntis…si N-neneng?!!”

“H-hindi mo alam?”

Umiling siya “Hindi!”

“Eh ano pala yung sinasabi mo?”

“Nakapasa tayo sa UP.” Dapat masaya niyang sinabi yun, pero nakita ko na nalungkot siya, “I’m sorry, kung hindi naman dahil saakin hindi kayo magbe-break ni Neneng. Edi sana hindi siya nabuntis, edi sana masaya ka parin ngayon.”

Napangiti ako ng bahagya, “Wala ka naman kasalanan Nica. Sorry sa sinabi ko. Nag aalala lang ako kay Neneng.”

“Naiintindihan ko.”

Neneng POV

Nakakita ako ng love scene sa hagdan ng school. Ang harot! May pa-yakap yakap effect pa si girl tapos eto naman si boy muntanga, kunyari malungkot pero pakshet alam ko naman na gustong gusto rin naman niya. Leche! Mamatay na kayo! Bwiset kayo sa buhay ko!

Umakyat ako sa may room, pagpasok ko doon all eyes on me tapos may mga nagbubulungan pa. Tangina, alam na yata nila!

“Ms. Bheneng Cruz, I think you should—” tinaasan ko ng kilay si maam.

“Opo alam ko po na late ako at kailangan ko maglinis ng cr. Kukunin ko lang po yung gamit ko dito at lalayas na ako sa klase niyo. Happy? Bye.” lalabas na sana ako ng room pero pinigilan ako ni Patrick.

“Wait, bakit ka maglilinis? Wag na. Ako nalang palit sa’yo, inaantok narin kasi ako sa klase eh.” mas tumaas yung kilay ko dahil sa sinabi niya.

“Mr.Ford, are you serious? Siya ang late hindi ikaw.” pagtutol ni maam.

Umalis si Patrick mula sa kinakatayuan niya at lumapit siya saakin “I can handle this. Sit down and listen to the lesson. Ituturo mo sa’akin yan pagtapos.”

Pagtapos ng klase dumiretsyo agad ako sa cr. Nadatnan ko siya na nag huhugas na nang kamay sa may lababo, mukhang tapos na siya. Nilapitan ko siya at hinampas yung braso niya, “Ano ba tong ginagawa mo? Bakit ka nakipagpalit sa’akin? Anong binabalak mo?”

Ngumiti siya saakin “Katulad nga ng sabi ko, tinatamad ako mag klase kaya nakipagpalit ako sa’yo.”

“Seriously?! Tinatamad din ako mag klase eh, kaya wala akong maituturo sayo!” inirapan ko siya.

Tumingin siya saakin at ngumiti ulit, “Okay lang, ganyan ka naman. Kilala na kita baby.” napatingin ako sa kanya. “Ay Neneng pala.” agad niyang binawi yung baby.

Sumasakit na naman yung puson ko. Tae! Kailangan ko na umuwi at magpahinga.

“Bahala ka diyan uuwi na ako.”

“Wait..” hinatak niya yung kamay ko  “Hatid na kita.”

“Bakit naman?” kumunot noo ako.

Ngumiti siya, “Secret. Tara na!”

Pasalamat siya at masakit na puson ko at ayaw ko na makipag away. Gusto ko na umuwi!

“Alam mo naman na malabo na tayo diba? Hayaan mo na, wag mo na isipin.”

Napatingin ako kay kuya Sam na kasalukuyang may kausap sa phone. Girlfriend? Kelan pa?

“Sorry, pero hindi ko na kayang magbulag bulagan. Let’s end this.” For the first time nakita kong tumulo ang luha ni kuya, without any script. Yumuko siya at hinayaang nagriring yung cellphone niya. Sino kaya yun? Bakit kaya sila nagbreak?

“Kakarating mo lang?” biglang sumulpot sa likod ko si kuya Gab.

Tumango ako “Medjo. Anyare kay kuya Sam?”

Hinatak niya ako papasok sa loob “Break na sila nung LDR girlfriend niya.”

“Weh? Kelan pa nagka-girlfriend ‘yan?”

“Tagal na. Mga 2 years na siguro.”

Nanlaki yung mata ko, “What the! Ang tagal na pala nila bakit ngayon ko lang nalaman?”

Nagkibit balikat siya, “Malay ko sayo, puro ka kasi landi eh. Hahaha! Joke. Kumain ka na ba?”

“Opo–aw! Ang sakit!” napahawak ako sa puson ko.

“Oh bakit? Ano yung masakit?”

“Ah, wala po kuya. Gutom lang siguro ‘to.”

“Sigurado ka?”

I nod “Yes, I’m fine. Don’t worry I’m strong, puson lang to ‘no!”

“Meron ka?” napangiti si kuya, grabe!

“O-opo. Hehe.”

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19

0 thoughts on “Bakit Nabuntis Si Neneng?

close