CHAPTER 27
Neneng POV
Para kaming nasa bar na may motel na ni-ri-rade dahil sa dami ng pulis na nasa bahay ngayon ni Romeo.
“Sinabihan na kita Neneng! Umalis ka sa airport, dahil gusto mo balikan ang lalaking ‘to?! Pwes, tignan natin kung magsasama pa kayo ngayon!” pagbabanta ni kuya Sam saamin ni Romeo. Hinatak ako ng isang pulis at ganoon din si Romeo. Nagpupumiglas ako pero masyadong malakas yung mga pulis.
“We just want to protect you, my dearest sister.” sabi ni kuya Van.
“Protect from what? To whom? Kay Romeo?” he nodded. “Hindi siya masama, kuya! He just made a mistake! Lahat tayo nagkakamali at lahat tayo dapat bigyan ng pagkakataon!” then I look at Romeo’s eyes, “I just give him a chance.”
“That’s enough!” pagpigil saamin ni kuya Sam. “We made a choice and that is final! Ikulong na ‘yan!” nilapitan niya si Romeo, “You will never see my sister, again!”
3rd Person’s POV
Mga panahon na parehas pa silang walang alam sa mundo ng bawat isa. Itinakda na sila para magkakilala.
Since 1st year, mula sa malayo ay tinitignan na ni Romeo si Neneng, although may sari-sarili silang love life.
Madalas na nagkakasalubong sila sa corridor ngunit busy si Neneng kay Patrick at busy naman si Romeo kay Nica.
Nang umalis si Nica patungong US, naiwan na mag-isa si Romeo kaya doon sila naging magkakaibigan ni Patrick at Neneng. Di kalaunan ay nahulog na ang loob ni Romeo kay Neneng. He knows that he can’t replace Patrick in Neneng’s heart pero he tried.
He tried to be nice to them pero minsan dumadating sa point na nagseselos na siya kaya umiiwas nalang siya. But he stop trying.
Neneng POV
Bago ako tuluyan na ilayo sa mga kaibigan ko, sa bansa ko at sa taong mahal ko, sa huling pagkakataon humiling ako na sana pagbigyan nila akong makita siya kahit sandali lang.
“Neneng! Bakit ka nandito? Kamusta ka na?” nagyakap kami ni Romeo. Almost 3 months ko na siyang hindi nakita. I missed him so much!
“I’m alright. Kamusta ka dito?”
“Ayos lang. Sinong kasama mo?”
“Hindi ako magtatagal. Gusto lang kita makita sa huling pagkakataon. Titira na kami sa US, for good.” Nakita ko ang pagkalunglot ng mga mata niya. “I got your birth certificate sa bahay mo. I’m going to get this…for our baby.” Nakita ko na nagulat siya, “Oo Zac, buntis ako, ikaw ang ama. Wag ka mag-alala, aalagaan ko na siya. Pangako! Hindi na siya malalaglag.” Napatawa kaming dalawa.
Bigla na akong nilapitan ni kuya Van, “Neng, we have to go na. Goodbye ka na sakanya.”
Muli kaming nagyakap ng sobrang higpit. “Babalik ako, Zac. Hintayin mo ako.”
Tumango siya, “I will. Hanggang sa muli.”
WAKAS
0 thoughts on “Bakit Nabuntis Si Neneng?”