Download Story.

close

Bakit Nabuntis Si Neneng?

Written By: missayaaa       |       Story Status: Completed
Posted By:
missayaaa

CHAPTER 26

Romeo POV

“Tumigil ka na Daniel! Walang ibig sabihin yung nakita mo! Araaaay! Nasasaktan ako!”

Sumilip ako kila mommy, mula sa pinto ng kwato nila kitang kita ko kung paano kaladkarin ni daddy si mommy pababa sa hagdan.

“Wag mo akong gawing tanga Angela! Kitang kita ko kung paano mo halikan yung kasama mo kanina, tapos sasabihin mo walang ibig sabihin ‘yun?! Napaka-landi mo!” Nakita kong hinatak ni daddy si mommy sa buhok niya at pinagsasampal niyo ito hanggang sa mapahiga si mommy sa sahig.

Ako si Zachary Drew Smith at ganito ang buhay ko araw-araw. Laging pinapahirapan ni daddy si mommy. Hindi ko alam kung bakit lagi silang nag-aaway. Paulit-ulit nalang sila ganyan. Laging sinasabi ni daddy na may lalaki daw si mommy, pero itinatanggi ito ni mommy kaya lagi siyang napagbubuhatan ng kamay ni daddy.

Hanggang isang araw hindi nalang umuwi si mommy buong linggo. Doon ko nakita kung paano siya hanapin ni daddy. Magkanda-baliw baliw na si daddy sa kakahanap kay mommy. Hanggang may isang tauhan si daddy na nakapagsabi na nasa isang hotel daw si mommy, kasama ang isang lalaki.

Galit na galit si daddy kahit hindi pa kami nakakarating sa hotel. Kinakabahan ako kung ano ang pwede namin makita ni daddy. Sinabi ni daddy na mag stay nalang ako sa kotse pero sumunod parin ako.

Pagbukas ng pinto, bumagsak ang buong pagkatao ko. Kitang kita ko kung paano halikan ni mommy yung lalaki na kasama niya. Magkasama sila sa iisang kama–nakahubad.

Sumabog si daddy at halos mapatay niya yung lalaki na kasama ni mommy. Iyak ako ng iyak ng panahon na ‘iyon. Kinaladkad ni daddy si mommy pababa ng hotel, pinasakay niya ito sa kotse at pag uwi ng bahay ay doon niya ibinuhos ang buong galit niya kay mommy.

Pina-akyat nila ako sa kwarto pero naririnig ko parin ang pag-aaway nila.

“What did I do to you to betray me like this? TELL ME ANGELA!”

“You did everything to me Daniel, kaya nga ayaw ko na eh. Kasi sobra na! Sobra na akong nasasaktan at hindi ko na kaya na makita ang sarili ko sa salamin araw-araw na may bakat ng pagpapakasakit mo saakin! Tigilan na natin to Daniel! Pakawalan mo na ako!”

“Ayaw ko! Hindi ko kaya! Binigay ko naman na lahat sa’yo ah? Bakit kailangan maging ganito? Ayusin natin Angela, please?”

“Ayaw ko na! Aalis na ako!”

Lumabas ako ng kwarto at hinabol ko si mommy. Nagmakaawa ako na wag siyang umalis, pero hindi niya ako pinakinggan. Iniwan niya ako, iniwan niya si daddy.

Pagkatapos ‘nun hindi na umuwi si daddy na hindi lasing. Bumagsak ang kumpanya namin at nawala lahat ng pera namin dahil sa ginawa ni daddy. Tinulungan kami ng tito ko, kapatid ni daddy para bumangon kami. Kumuha ako ng malaking pera at nakipag sundo ako kay daddy na hahanapin ko si mommy sa Pilipinas. Kaya nandito ako ngayon sa Pinas.

Nalaman pala ni mommy na nandito ako sa Pinas kaya pinapahanap niya ako pero hindi ako nagpapakita sakanya.

Sa totoo lang, nakita ko na siya. Kasama niya ang bago niyang asawa at ang anak niya, na kasama ko sa iisang skwelahan at kaagaw ko sa iisang babae. Oo, tama kayo. Si Patrick ang anak ni mommy. Si Patrick ay kapatid ko sa ina.

Bumalik nanaman yung sakit na naramdaman ko ng umalis si mommy nung umalis si Veronica sa buhay ko. Akala ko ‘nun si Nica na ang makakapag bago ng pananaw ko sa mga babae, pero hindi pa pala. Ipinagpalit niya ako kay Lloyd, ang pinsan ni Patrick.

Napaka-liit ng mundo namin diba? Ang daya nga lang at ako lagi ang naiiwan. Sa totoo lang, hindi ko nga alam kung paano ako naging ganito. Napaniwala ako ni daddy na, hindi mawawala ang isang tao kung gagawin mo ang lahat para sakanya. Isn’t he actually telling me that I should do what he did? Then I did. Pero parehas kami, iniwan kami ng taong mahal namin.

There is no money that can ever replace my shattered heart because of my mom. I saw her how did she care for Patrick. I hate that because when she left me, she doesn’t even mind if someone will take care of me then suddenly I will see her taking care of others! Bullsht! Fuck!

Neneng POV

Nakatulala ako sa may kisame ng kwarto ko ng biglang kumatok si kuya Sam, “Neng?” pumasok ito at mabilis akong niyakap. “I am so sorry. Patawin mo ako. Babawi ako, pangako!”

Humiwalay ako sa yakap niya and I give him a weak smile, “It’s okay kuya.”

“Neneng!!” biglang pumasok sa loob si kuya Van. “I knew you will come back! Oh my pretty younger sister!” kiniss niya ako at niyakap ng mahigpit. “Masarap ba si Romeo?” pabulong niya saakin. Napatawa lang ako at binigyan ko sila ng weak smile.

“Lumabas na kayong dalawa, pagod ‘yan. Hayaan niyo muna mag pahinga.” sabi ni kuya Gab. Lumabas na si kuya Sam at kuya Van. Pumasok sa loob si kuya Gab at umupo sa tabi ko, sabay abot nung envelope na binigay ni Romeo, “Besides sa pera, may sulat siyang binigay para sa’yo. Hindi ko binasa, wag ka mag-alala.” ngumiti ito at lumabas na ng kwarto ko.

Sulat? Ano kaya ‘to?

Dear Neneng,

Hello! Sa panahon na mababasa mo ito panigurado ako na nasa maayos na kalagayan ka na, yung tipong malayo ka na saakin. Aaminin ko na bad influence ako sa’yo. OO! Inaamin ko na talaga na nagkamali ako. Nagsinungaling ako sa’yo. Patawarin mo sana ako. Ang tunay kong pangalan ay Zachary Drew Smith. Galit ako sa mom ko dahil iniwan niya ang daddy ko, kaya ganito ako. Alam ko na hindi tama na magalit ako sa mga babae, dahil iba ang mom ko sainyo, lalo na sayo. Sana mapatawad mo ako. Isa pa pala, si Patrick kapatid ko siya. Anak siya ni mom sa pangalawa niyang asawa. Kaya siguro ganito ko kagalit sakanya, pero wala na ‘yun. Hindi ‘man halata pero eto totoo na ito, mahal kita Neng. Mahal na mahal! Hanggang sa muli nating pagkikita.

Forever Yours,

Romeo George Anderson.

Romeo POV

Inaalis ko na yung gamit ko dito sa bahay. Babalik na ako sa US para balikan si daddy. Isang buwan narin ang nakalipas kaya siguro kailangan ko na mag move on.

Binuksan ko ang main door, “Neneng?” napa-atras ako ng bigla niya akong hatakin at halikan.

Pinigilan ko siya, “Neng? What’s happening to you? Why are you here?”

“Isang buwan ko pinag-isipan. Isang buwan ako nagtiis. Isang buwan bago ko napag-tanto na….mahal kita.” Nagulat ako sa mga sinabi niya.

Nilapitan niya ako at hinawakan ang magkabilang pisnge ko, “Nakapag-usap na kami ni Patrick at humingi ako sakanya ng tawad para sa lahat ng pagkakamali ko. Bumalik ako kasi may naiwan ako…” hinawakan niya ang kamay ko, “…naiwan ko yung taong mahal ko. Naiwan kita.”

“Mahal kita, Zachary.” I felt her lips over mine. This time we kissed with passion and full of soul. That kiss became aggressive and we continue to give our heart, mind, and soul to each other.

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19

0 thoughts on “Bakit Nabuntis Si Neneng?

close