CHAPTER 25
Neneng POV
Ang sakit sakit sa loob ko na umalis sa bahay. Kagabi pa namamaga yung mata ko kakaiyak. Nagdesisyon na akong tawagan si kuya para sunduin ako, pero ang bigat parin sa dibdib. Mula pa kagabi hindi pa lumalabas si Romeo sa kwarto niya. Gusto ko sana siyang puntahan para magpaalam pero naka-lock ito at parang hindi ko kakayanin na magpaalam sa kanya.
Naguguluhan ako. Mahal ko si Patrick, mahal na mahal. Pero bakit ayaw ko mawala si Romeo? Bakit kahit mahirap at masakit ang makasama si Romeo, ganito ako kaapektado?
“Neng, halika na. Umalis na tayo.” hinawakan na ni kuya yung kamay ko. Palabas na kami ng bahay at sa bawat hakbang ng paa ko palayo sa bahay, mas lalong bumibigat ang nararamdaman ko.
Mas lalo akong napaiyak dahil narinig ko na ang pagbukas ng gate at ang pagkalas ng kandado. Napatigil ako at hinawakan ko ang braso ni kuya Gab. “Kuya…parang hindi ko kaya.”
“Kayanin mo!” Hinatak na ako ni kuya palabas. “Hindi siya ang nararapat para sa’yo. Iwanan mo na siya!” pinagtulakan na ako ni kuya papasok ng kotse. Hindi parin tumitigil ang pag-iyak ko. Kasabay ng pag-andar ng makina ng sasakyan ang paghawi ni Romeo ng kurtina niya mula sakanyang kwarto. Tumingin ito saakin hanggang sa maka-alis kami.
Romeo POV
“Ano bang meron kay Romeo? Ano bang sitwasyon niya? Umaasa ka ba na magbabago siya dahil sa’yo? Wag ka na umasa Neng! Hindi na siya magbabago!”
“Please kuya, next time ipapaliwanag ko sa’yo lahat pero hindi ngayon. Umalis ka na kuya baka magalit na siya. Umalis ka na.”
Narinig ko lahat ng sinabi ni kuya Gab kay Neneng nung gabing umuwi ako galing prisinto.
Pumasok sa loob si Neneng at napatingin ito saakin, “Romeo, magpapaliwanag–“
“Sinabihan na kita na wag kang lalabas, diba?!” tumayo ako at nilapitan ko siya. Sinandal ko siya sa pader. “Sinuway mo parin ako!” This time pinigilan ko ang sarili ko. Hindi ko siya kayang saktan. Hindi ko kayang makita na nasasaktan ang taong mahal ko, pero fvck sht!! “Btch ka, alam mo ‘yun?! Bakit ka pa nag stay? Bakit hindi ka sumama sa kuya mo? Bakit hindi mo ako iniwan? Sinasaktan kita at pinapahirapan, pero bakit nandito ka pa? Sabihin mo, bakit?!”
“Hindi ko alam.”
Humiwalay ako sa pagkakahawak sa kamay niya, “And that’s bullshit Neneng! Bullsht! Hindi mo alam kung bakit nag stay ka?! How bullsht! Naawa ka saakin dahil mag-isa ako? Then go!” binato ko sakanya yung susi ng gate. “Hindi ko kailangan ng awa mo! Kung gusto mong umalis, then leave! Wala na akong pakielam!”
Paakyat na ako pero bigla siyang nagsalita, “Really? Wala kang pakielam? Diba sabi mo, ikaw lang yung taong tumanggap saakin? Bakit ko iiwan yung taong tinanggap ako? Tell me, Romeo! How can I leave the person that accept me for who I am!? Oo, sinasaktan mo ako at pinapahirapan mo ako. Hindi kita maintindihan kung ano ba yung gusto mo o kung ano ang kailangan mo! Hindi ako sumama kay kuya, kasi gusto kitang maintidihan. Gusto ko malaman kung bakit ganyan ka.”
Nagkaroon ng katahimikan saaming dalawa. Nagkatitigan kami habang may luha sa aming nga mata.
“You will never understand me. No one can understand me. Leave me if you want, you have the keys. Anyways, thanks to your brother. I’ll give him back his 30k for my freedom.”
Pagpasok ko sa loob ng kwarto nagwala ako ng nagwala! TANGINA KA! PAKYU KA! HAYOP KA!! YOU’RE SUCH AN EVIL! DEMONYO KA ROMEO! DEMONYO KA!! HINDI KA DAPAT NABUHAY SA MUNDONG ‘TO! ANG KAPAL NG MUKHA MO PARA MANAKIT NG BABAE! BAKIT ROMEO, PERPEKTO KA BA HA? TANGINA KA!
Binato ko lahat ng gamit ko at nakita ko ang mukha ko sa salamin. HINDI KA DAPAT NABUHAY! WALA KANG KWENTANG TAO! Sinapak ko yung salamin.
Naramdaman ko na naman yung sakit na naramdaman ko nung umalis si mommy.
Sinilip ko si Neneng na paalis na ng bahay. Paulit ulit akong sinasaksak kapag may taong umaalis sa buhay ko. Ako na ata ang pinaka malas na tao dahil ako ang may pinaka maraming beses na iniwan ako ng mga taong mahal ko. Gusto ko lang naman maging masaya. Masama ba ‘yun?
0 thoughts on “Bakit Nabuntis Si Neneng?”