Download Story.

close

Bakit Nabuntis Si Neneng?

Written By: missayaaa       |       Story Status: Completed
Posted By:
missayaaa

CHAPTER 23

Neneng POV

5:00 AM

Bumangon na ako at lumabas ng kwarto. Dumaan ako sa kwarto ni Romeo. Binuksan ko ito ng bahagya. Nakita kong mahimbing ang tulog niya pero bakit ang kalat ng mga gamit niya? Tapos basag yung salamin niya sa gilid ng cabinet niya? Napabuntong hininga nalang ako.

Bumaba na ako para maghanda ng aalmusalin niya. Mag luluto ako ng paborito niyang blueberry pancake at nagtitimpla ako ng fresh dalandan na sobrang paborito niya. Pagkatapos ay dahan-dahan akong pumasok sa kwarto niya para kumuha ng uniform niya, para ma-plantsa ko na. Ang hirap hirap kumilos pero okay lang.

6:30 AM

Nakita ko na bumaba na siya sa may hagdan. Masaya ko itong binati pero dedma lang siya. Dire-diretsyo siya sa may upuan. Agad ko naman hinain sakanya yung niluto kong pancake at yung dalandan juice.

“Alam ko paborito mo ito kaya nag-effort ako na gawan ka ng ganyan. Pasensya na kung medjo maasim ata yung sa juice kasi ‘yun ang panlasa ko. Tikman mo na.”

Sumubo siya ng kaonting pancake at humigop siya ng juice tapos bigla siyang napakunot-noo at tinabig niya ito, “Nawalan na ako ng gana! Ang panget ng lasa!” tatayo na siya pero pinigilan ko siya.

“Sandali! Anong problema? Wait, aayusin ko. May blueberry pancake pa naman akong tinira na hindi ko pa niluluto, gusto mo–” he cut me off

“Diba sabi ko wala na akong gana?! Bobo ka talaga! Tagalog na nga, hindi mo pa maintindihan! Ano bang language ang gusto mo para magets mo, ha?!”

“Korean. Gusto Korean language!” pinandilatan ko siya ng mata. Hahaha! Sige nga!

Natahimik siya bigla tapos napaiwas ng tingin, “Gago! Hindi ako uto-uto!”

Pinigilan ko ang pag-tawa ko. Nagtanong siya tapos hindi niya saaagutin. Unfair! Hahahahaha!

Pumunta siya sa may sala at nagbukas ng TV. Tumingin ako sa may wall clock, 6:45 na! Malelate siya!

Nilapitan ko ito, “May pasok ka ba diba? Naka-ayos na yung uniform mo tapos kumain ka na para maka-pasok ka na. Hoy!”

“Suspended ako ng 1 month! Pwede tumahik ka na?!”

“Ha?! March na! Hindi ka gagraduate?”

Nag glared siya saakin, “Ano pa ang ginagawa ng pera ko? Kahit hindi ako grumaduate, mabubuhay ako.”

Binatukan ko siya, “Kahit pa may pera ka kung wala ka naman tinapos, wala ka parin!”

“Whatever! Doon ka na! Leche ka!”

Mas leche ka! Hmpfft!

Patrick POV

“Ang sakit sakit ng ulo ko! Ah!” nagpapanic ulit ang lahat dahil hanggang ngayon hindi parin maayos yung kalagayan ni Nikki.

“Nasaan ba si Neneng?! Kailangan mahanap na natin siya sa lalong madaling panahon! Baka kung ano na ang ginagawa sakanya ni Romeo!” singhal saakin ni Nica.

Alam ko kung nasaan sila, pero kasi…

*Flashback*

Hapon iyon at nakita ko na mukhang pauwi na si Romeo kaya sinundan ko ito. Nagtaka ako kung bakit pumasok siya sa isang subdi na hindi naman nila dating tinitirahan at isa pa sobrang layo nito sa school.

Huminto ang sasakyan niya sa isang malaking bahay na nasa dulo ng subdi. Naka-lock ang gate kaya binuksan niya ito. Bakit nakakandado yung gate?

After ilang hours na nakatitig ako sa bahay nila, biglang lumabas mula sa bahay si Romeo at laking gulat ko nang makita ko na kasunod nito si Neneng, at buntis ulit siya!

Umalis si Romeo dala ang kotse niya. Agad akong bumaba sa kotse ng makalayo na si Romeo. Tinawag ko si Neneng, agad itong lumabas.

“Patrick, bakit ka nandito? Umalis ka na baka makita ka pa ni Romeo!”

“Ano nangyari sayo? Anong kahayupan nanaman ginawa sayo ni Romeo?! Irereport ko to sa police! Bakit ka nakakulong dito?!”

“Umalis ka na! Wag ka na magtanong! Okay lang ako, kaya pwede ba umalis ka na!”

“Okay ka? Eh tignan mo nga yang kalagayan mo! Nakakandado ka dito mag-isa! Ano ‘to sex slave ka?”

“Hindi!” tinignan niya ako ng matagal, “Masaya ako dito, Patrick! Kaya pwede ba umalis ka na?! Wag mo na akong guluhin!”

Napakunot noo ako, “Anong sinasabi mo? Kelan ka naging masaya kay Romeo? Diba ako yung mahal mo?” Napaatras ako, “Don’t tell me…”

“Oo Pat, tama ka ng iniisip! Hindi na kita mahal. Oo, tama ka ulit. Mahal ko na si Romeo, kaya pwede ba umalis ka na! Umalis ka na at wag ka na bumalik kahit kailan!” tumalikod na siya saakin, “Ayaw na kitang makita.”

*End of flashback*

“Hoy Pat! Ano? May alam ka ba kung nasaan si Neneng?”

Umiling ako, “Hindi ko alam.”

I sighed.

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19

0 thoughts on “Bakit Nabuntis Si Neneng?

close