CHAPTER 22
Gab POV
Pagdating ko sa prisinto agad akong nagtanong. May nakasalubong pa akong babae na parang galit na galit, dapat sakanya ako magtatanong kaso wag na.
“Excuse me, magkano ang babayaran ko para makalaya si Romeo George Anderson?”
May lumapit saakin na isang lalaki. Nagpakilala siyang principal ng school na pinapasukan ni Neneng. Ang sabi makakalaya lang daw si Romeo after 24 hours pero kung magbabayad daw, nasa 30k daw ang babayaran. Hindi ko alam kung bakit ganoon kalaki! Ang O.A naman diba?! 30k para sa minor na nanuntok? No way!
Aalis na sana ako at hayaan ko nalang dito si Romeo, tutal 24 hours lang naman at para mag tanda narin siya, kaso bigla siyang nagsisisigaw.
“Hey fvckers! Get me out of here! My wife–este–my girlfriend–este–my…friend is waiting for me! Hindi pa kumakain ‘yun! Baka kung mapano siya sa bahay! Wala siyang kasama!”
Tinawanan lang siya nung mga police, “Sana inisip mo ‘yan hijo bago ka nanapak ng babae!”
“What?! Wala naman ako pakielam sa babaeng ‘yun eh! Ano bang pake ko kung masira buong mukha niya? Hindi siya kawalan! Pero yung kaibigan ko sa bahay, I have my care for her! Let me get out of here, now!”
This time nanatili akong nakatayo at nakatingin kay Romeo na nakakulong. Anong sinasabi niya? He cares for my sister? How come? Eh sa respeto nga lang sa babae walang wala na, nanapak nga oh, tapos may care siya sa kapatid ko?
“Sino ka ba? Bakit mo ako inabsweldo?!” Siya pa itong galit, siya na nga ang pinalaya ko. Wala talaga siyang respeto noh?
“Hindi ka ba talaga marunong rumespeto ha Romeo?! Instead of asking and saying other words to me, manong mag thank you ka nalang at sinayang ko ang 30k ko para lang sa’yo!” nakakapag init ng dugo tong batang to!
“Why would I? Actually, I didn’t ask you to do that!” Urgh! Bwiset kang bata ka! Ang sarap mong ingudngod sa tae ng kalabaw! Punyeta!
“Lintek ka! Magpasalamat ka nalang at mahal ko ang kapatid ko! Dahil kung hindi, bulok ka na sa kulungan buong magdamag!”
“Wait, who’s your kapatid?”
“Gago ka ba talaga?! Binuntis mo ang kapatid ko, pinatay mo ang daddy namin tapos hindi mo ako kilala?! Aba eh, gago ka talaga!”
Tinignan niya ako ng ilang seconds then tumawa siya. Hindi lang pala ‘to gago, siraulo din.
“Ah! Ikaw pala ang kapatid ni Neneng? Ah yes, I remember na. Thanks bro ha!” tinapik niya yung balikat ko pero agad ko itong inalis.
“Wag mo akong matawag tawag na bro diyan, hindi kita kapatid! Pasalamat ka talaga at hiniling saakin ni Neneng na ibaswelto kita, kundi hindi ko naman gagawin ‘to!”
Nanahimik siya bigla.
“Oh bakit ka natahimik?”
“Wala. May naisip lang.”
“Bubuntisin mo na naman kapatid ko?! Tangina ka kamo talaga noh! Nagtitimpi lang talaga ‘tong kamao ko sa’yo! Hay nako!”
“She really did it?” Bigla nalang siyang bumulong sa sarili niya. Ang weirdo naman nito!
“Ano?!”
“Wala! Nevermind! Iuwi mo na ako, I’m sure naghihintay na si Neneng doon.”
Neneng POV
Dumating na si kuya at kasama niya si Romeo! Salamat at ligtas siya!
Binuksn niya ang gate, dire-diretsyo siya papasok ng bahay. Ako naman nag stay pa para kay kuya. “Kuya salamat ha?”
“Sumama ka na sa akin! Bukas na yung gate. Para hindi ka na masaktan, Neng. Please sumama ka na!”
Napabuntong hininga ako. “Kuya, paano si Romeo?” Lumingon ako sa bahay, “Hindi ko siya kayang iwan na ganyan ang sitwasyon niya. Kuya naiintindihan mo naman ako diba?”
“Ano bang meron kay Romeo? Ano bang sitwasyon niya? Umaasa ka ba na magbabago siya dahil sa’yo? Wag ka na umasa Neng! Hindi na siya magbabago!”
“Please kuya, next time ipapaliwanag ko sa’yo lahat pero hindi ngayon. Umalis ka na kuya baka magalit na siya. Umalis ka na.” Masakit ‘man sa loob ko pero kailangan ko ipagtabuyan ang kuya ko para kay Romeo. Kinandado ko ang gate at nagmadali akong pumasok sa bahay. Maiintindihan din ako ni kuya, sa tamang panahon.
Pagpasok ko nakita ko si Romeo na naka-upo sa hagda at nakatingin ito saakin. Kinabahan ako na baka galit nanaman siya saakin dahil sa ginawa kong pakikipag usap kay kuya ng walang paalam sakanya.
“Romeo, magpapaliwanag–” hindi pa ako tapos magsalita, humigit agad siya.
“Sinabihan na kita na wag kang lalabas, diba?!” tumayo ito at dahan dahan na lumapit saakin. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at idinikit ako sa pader. “Sinuway mo parin ako!”
Napapikit ako dahil alam kong maglalanding nanaman sa mukha ko yung kamay niya….pero wala. Dumilat ako at doon ko nakita na namumula ang mga mata niya at titig na titig saakin.
“Bakit ka pa nag stay? Bakit hindi ka sumama sa kuya mo? Bakit hindi mo ako iniwan? Sinasaktan kita at pinapahirapan, pero bakit nandito ka pa? Sabihin mo, bakit?!”
“Hindi ko alam.”
Humiwalay siya sa pagkakahawak niya sa kamay ko, “And that’s bullshit Neneng! Bullsht! Hindi mo alam kung bakit nag stay ka?! How bullsht! Naawa ka saakin dahil mag-isa ako? Then go!” binato niya saakin yung susi ng gate. “Hindi ko kailangan ng awa mo! Kung gusto mong umalis, then leave! Wala na akong pakielam!”
Paakyat na siya pero nagsalita ako, “Really? Wala kang pakielam? Diba sabi mo, ikaw lang yung taong tumanggap saakin? Bakit ko iiwan yung taong tinanggap ako?” nagsimula ng lumuha ang mga mata ko. “Tell me, Romeo! How can I leave the person that accept me for who I am!? Oo, sinasaktan mo ako at pinapahirapan mo ako. Hindi kita maintindihan kung ano ba yung gusto mo o kung ano ang kailangan mo!” I sighed. “Hindi ako sumama kay kuya, kasi gusto kitang maintidihan. Gusto ko malaman kung bakit ganyan ka.”
Nagkaroon ng katahimikan saaming dalawa. Nagkatitigan kami habang may luha sa aming nga mata.
Umakyat na siya sa hagdan, “You will never understand me. No one can understand me. Leave me if you want, you have the keys.”
Bago siya tuluyan pumasok ng kwarto niya, lumingon siya sa akin. “Anyways, thanks to your brother. I’ll give him back his 30k for my freedom.”
0 thoughts on “Bakit Nabuntis Si Neneng?”