Download Story.

close

Bakit Nabuntis Si Neneng?

Written By: missayaaa       |       Story Status: Completed
Posted By:
missayaaa

CHAPTER 21

Neneng POV

Mag aalas-dose na ng gabi pero wala parin si Romeo. Kanina pa dapat umuwi ‘yun eh. Sabi niya kanina uuwi agad siya, pero baka nagsinungaling nanaman at baka gumimik nanaman. Ganyan naman si Romeo eh! Pero kahit ganyan ‘yan hindi ko kakayanin pag may nangyari hindi maganda sa kanya.

Oo, aaminin ko na concern ako sakanya kahit sinasaktan at pinapahirapan niya ako. Kahit papaano naman kasi naging malapit na kaibigan namin siya ni Patrick noon.

Wala akong cellphone kasi kinuha niya. Hindi ko naman saulo ang number niya para sana tawagan ko siya sa cellphone niya. Naka-kandado ang gate, nasa kanya ang susi kaya hindi ako makalabas at kung lalabas ‘man ako ay kailangan kasama ko siya at dapat nakatago ako dahil makikita ako ng ibang tao.

Kilala kasi si Romeo George Anderson bilang isang mayaman at galing sa maayos na pamilya. Kaya siguro umalis siya sa condo niya at bumili siya ng bahay para itago ako, kaso malakas siya sa media kaya kahit anong gawin niya hindi niya kayang taguan ang ibang tao.

Maayos ang pamilya niya, siya lang ata naiba.

Napasilip ako sa may bintana ng may kotse na huminto sa harap ng bahay. Siya na kaya ‘to? Pero bakit iba yung sasakyan na gamit niya?

Bumaba ang isang matabang lalaki na naka pang-chef na uniform mula sa driver’s seat. Hindi ko masyado maaninag yung mukha dahil medjo malayo ito. Nag door bell siya ng paulit-ulit. Ayaw kong lumabas, baka isang tao na pinagtataguan ito ni Romeo, baka mapahamak pa siya pag lumabas ako.

“Tao po! Neneng, nandiyan ka ba?!”

Napaisip ako, bakit niya ako kilala? Wait, sino ba siya?

“Alam kong nandiyan ka Neng. Lumabas ka, ako ‘to si kuya Gab mo!”

Kuya Gab? Kuya!!!

Agad akong lumabas at kahit hirap ako maglakad pinilit kong pumunta sa mag gate. Pagkadating ko sa harap ni kuya, hindi ko na napigilan ang mapa-luha. “Kuya, I’m sorry. Dahil sa akin namatay si daddy. Patawarin mo ako. Kuya, please!”

“Saka’ na natin pag usapan yan. Sa ngayon kailangan maka-alis ka dito. Ang tagal ka namin hinanap. Nabalitaan namin kay Patrick na nandito ka.”

Biglang nag ring yung telepono sa loob kaya pinuntahan ko muna ito para sagutin. “H-hello?”

“Kayo po ba ang kapamilya ni Romeo George Anderson?”

Nagdalawang isip ako, “B-bakit po?”

“Nasa prisinto siya. Maari ko ba kayong imbinatahan dito?”

Napakunot noo ako, “Prisinto?! Bakit? Ano nangyari?”

“Dito ko nalang po ipapaliwanag. Pumunta nalang po kayo dito kung maari. Pasensya na po sa abala.”

Agad akong bumalik kay kuya Gab na pilit binabaklas yung kandado sa gate, “Kuya, pwede favor?” maluha-luha na ako sa pag-aalala. “Nasa prisinto si Romeo, pwede ba ikaw ang pumunta? Hindi ako pwedeng lumabas dito.”

“What?! No! Hayaan mo na siya doon! Karma na niya ‘yan for doing this to you!”

Umiling ako, “Hindi kuya. Naiintindihan ko si Romeo, kung bakit ganito siya sa akin. Kuya please, ayaw ko lumabas ang bata na nasa tiyan ko na walang ama. Alam ko na kasalanan ko ‘to at hindi ni Romeo. Kuya please, kahit ngayon lang.”

“I said no! Nawalan na ako ng ama, hindi ko na kakayanin na mawalan pa ako ng kapatid. Listen to me, he is not worth to fight for! Mas may kinabukasan ang anak mo kung sasama ka sa akin!”

“He loves me more than I thought, kuya. Oo, sinasaktan niya ako pero eto ang paraan niya para ipakita saakin na ayaw niya akong mawala. Please kuya, just for now. I want to fight for the one who loves me. Hindi ko to ginawa kay Patrick and I regret that every day. I don’t want to regret this too if gagawin ko rin ang pag iwan kay Romeo. He is worth fighting for kuya. Believe me!”

Nanahimik si kuya sandali, “Fine! Pagkatapos nito, iuuwi na kita. I love you.”

“Thank you kuya. I love you more.”

Romeo, if this is what you want. If you want me to stay, then I’ll stay.

Romeo POV

So fvck off this kind of bullsht in my life! This is so fvcking hell! Dinala ba naman ako dito sa police station dahil sa ginawa ko kay Nikki. WHAT THE! Akala naman niya ang ganda niya para paghinayangan yung mukha niya. Wahahaha! What the fvck! Feeler niya ah!

“Ang kapal ng mukha mo!” so yeah, here comes the other feeling pretty face on earth. Yes, she’s my fvcking sexy ex-girlfriend but she’s not my girlfriend anymore kaya wala na akong pakielam saknya. “How long will you be like this Romeo?! Napaka-sukdulan na ng pagkademonyo mo! Hindi ka nga naawa saakin noon, ngayon si Neneng ang tina-target mo at hindi mo pa pinalagpas ang kaibigan ko! How dare you!!” Shoot! She slap me on my face, dude! Oh fvck! My sexy face!!

“You!” I grabbed her wrist. “You’re just a fvcking ex girlfriend of mine and you don’t have the rights to slap my face! You bitch!” I slap her on her face! Gotcha! 3 points!

“MR. ANDERSON! HINDI KA PA BA TITIGIL SA KAGAGUHAN MONG ‘YAN?! PASALAMAT KA AT MINOR DE EDAD KA AT 24 HOURS KA LANG IKUKULONG, BAKA GUSTO MO MADAGDAGAN PA?!” Blah blah blah retard principal!

“24 hours LANG?! Pagkatapos niyang basagin ang mukha ng kaibigan ko, tapos yun lang yun?! That’s injustice!”

“Wala tayong magagawa Ms. Moreno. Wala naman kayong sinampang kaso sakanya eh at isa pa minor de edad pa si Romeo kaya hindi pa siya pwedeng sampahan ng malaking kaso.”

I laugh at her, such a retard!

“Stop laughing at me! Fvck you! Magbabayad ka Romeo!”

“Hey! Hey! Boss, threatening oh!” Inirapan niya ako at umalis na ito sa prisinto. Bigla naman dumating may dumating na lalaki at hinahanap ako.

“Excuse me, magkano ang babayaran ko para makalaya si Romeo George Anderson?”

Tumayo si retard principal at nilapitan yung lalaki then nag usap sila. Hindi ko na pinakinggan. I don’t care!

Teka anong oras na ba?

1:02 AM

WHAT THE FVCK! SI NENENG!

“Hey fvckers! Get me out of here! My wife–este–my girlfriend–este–my…friend is waiting for me! Hindi pa kumakain ‘yun! Baka kung mapano siya sa bahay! Wala siyang kasama!”

Tinawanan ako nung mga police, “Sana inisip mo ‘yan hijo bago ka nanapak ng babae!”

“What?! Wala naman ako pakielam sa babaeng ‘yun eh! Ano bang pake ko kung masira buong mukha niya? Hindi siya kawalan! Pero yung kaibigan ko sa bahay, I have my care for her! Let me get out of here, now!”

Tinawanan lang nila ako. Fvck all of you! Pag naka-labas ako dito, babalikan ko kayong lahat! Mga pakyu kayo! Pag may nangyari kay Neneng sa bahay, papatayin ko kayo lahat!

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19

0 thoughts on “Bakit Nabuntis Si Neneng?

close