Download Story.

close

BAKIT

Written By: Nova       |       Story Status:

Bakit?
Iisang salita ngunit napakahirap sagutin. Hindi ako. Hindi ikaw. Kundi siya ang may sagot.
Bakit?
Ang tanong mo sa kanya. Ibinaling sa iba ang tingin na dati ay para sa kanya. Hindi nais ipakita ang tunay na nadarama. Dahil lumipas na ang panahon na para sa inyong dalawa.
Pero bakit?
Baka dahil siya ay nagsawa? Hindi tamang isagot pero wala nang nagawa. Usapang mahinahon ay hindi na alintana. Dahil pait at sakit ang siyang namintana.
Bakit kailangang humantong sa ganito?
Ako ba ay nagkulang kaya siya ay lumiko?
Magkukulang ba siya kung hindi siya naging mapaghanap?
O sadya lamang na hindi mo matanggap.
Dahil ang puso niya ay tuluyang nang naging mapagpanggap.
Kaibigan, ilan beses mo man siyang tanungin ng bakit. Ang katotohanan ay di mawawaglit. Gaano mo man isipin at ipilit. Maiiwan at maiiwan pa rin sa iyong dibdib ang kirot at sakit.

Dukhang Sosyal, 2021